Mazel
"Yeah. At isa pa, ayokong pag-alagain ka ng alagang hayop. Baka mahirapan at mapagod ka lang. Ayoko ring may inaalala ka pa..."
Bakit ba ganiyan siya sa 'kin? Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan siya magsalita sa akin! Bigla tuloy akong naging iritable. Naiinis ako kung bakit kailangan pa niyang iparamdam sa akin ang mga nararamdaman ko ngayon. Baligtad ang nararamdaman ko pagdating sa kaniya kumpara doon sa dati kong kalagayan sa buhay. Lahat ng maganda ay ipinararamdam niya sa akin. Lahat ng maganda ay nararanasan ko.
Kumunot ang noo ko at inalis ang pagkakatingin sa kaniya.
"Bakit ka ba talaga ganiyan magsalita?"
May sandaling pumagitan bago siya sumagot.
"Like what?"
Ang galing. Parang hindi niya alam ang ginagawa niya!
I rolled my eyes and look at him.
"H'wag ka ngang painosente!" Sabi ko ng may diin.
"Ikaw ang tatanungin ko. Gan'yan ka ba kainosente para hindi mo malaman kung bakit ko ginagawa 'to?"
Tumingin ako sa ilalim. Mabigat ang loob ko at nagsisimula nang magtubig ang mga mata ko.
"Bakit kung magsalita ka, akala mo ay may papel ako sa buhay mo?!" Mahina at malungkot kong tanong na parang hindi nagtatanong.
"Because that's what I want to happen. Magkaroon ka ng papel sa buhay ko at ako sa buhay mo..." Sagot niya pero hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya at nanatiling nakatingin sa ilalim.
"Bakit ba pinagagaan mo ang lahat? Kung magsalita ka parang puro ako lang ang iniisip mo!"
"Dahil gusto kong tulungan kang gamutin ang sarili mo. Gusto kong mapagaan ang loob mo, na kahit ang dami mong iniisip o pinagdadaanan, gusto kong kayanin mo. Tutulungan kita kahit ako pa ang pumasan ng lahat para sa'yo..."
Mas nadadagdagan ang bigat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Tumulo ang luha sa mga mata ko, pero wala akong pakialam doon at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Bakit kung magsalita ka parang ang dami kong kayang gawin? Parang puno ako ng kuwenta?! Na parang importante ako?"
"Marami kang kayang gawin. Alam mo 'yan. Nasa maling lugar ka lang kaya hindi mo nagamit ang mga 'yon.
At ang kuwenta o halaga ng isang tao? Hindi nasusukat iyon sa kinatatayuan mo ngayon o sa kung ano ang narating mo sa buhay o kung ano ang mayroon ang isang tao... Nasusukat 'yan sa kung anong mga nagawa mo at anong puwede mo pang gawin o kaya mo pang gawin. Maliit man o malaki ang naiambag o nagawa mo, may kuwenta ka pa rin.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomansaIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...