Kabanata labing pito

71 2 6
                                    

Mazel

Hihilahin ko na sana si Jeo mula sa kamay niya na hawak ko, pero pinigilan niya akong gawin iyon.

Pinihit ko ang ulo ko para tignan siya dahil sa ginawa niya. Sumalubong ang malambot niyang tingin at ekspresyon. May bahid ng pag-aalala ang mga mata niyang napakaganda.

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong niya.

Tumawa ako ng mahina at nag-iwan ng ngiti sa labi ko.

"Pangalawang beses mo na 'yang itinanong sa 'kin." Reklamo ko. Binalewala niya ang pagtawa at pagbibiro ko. Nanatili siyang naghihintay sa isasagot ko sa tanong niyang iyon na nasa ganoon pa ring ekspresyon. Talaga ngang kailangan ko ulit sagutin iyon sa pangalawang pagkakataon. Bumuntong hininga ako at inalis ang ngiti, pero hindi tuluyang naging seryoso. Hinarap ko ulit siya ng nananatiling hawak ang kaniyang kamay. Tinignan ko siya sa mga mata. "H'wag kang mag-alala sa 'kin, Jeo. Talagang sigurado ako sa gagawin natin. Oo. Masama ang kinahinatnan ko sa pamilya ko, pero hindi ko naman kailangang idamay ang lahat ng makita kong pamilya. Hindi ko dapat tignan ang bawat pamilya sa kung paano o ano ang naranasan ko sa sarili kong pamilya. Sila..." Ngumiti ako habang sinasariwa sa ala-ala ko ang mukha ng mga kaibigan niya na kanina ko lamang nasilayan. "Naramdaman ko....iba sila. Hindi sila 'yong karaniwang pamilya na nakikita ko. I can feel that they are only concern about you. I can feel the love and care. I can feel the sense of a true family through them."

Ngumiti siya ng matamis. Ang sarap tignan ng mata at labi niyang nakangiti.

"Pamilya ko sila kaya pamilya mo na rin sila at sinisigurado ko sa'yong sila 'yong tipo ng pamilya na hinding-hindi ka pababayaan at iintindihin ka sa lahat ng pagkakataon." Nabawasan ang ngiti niya pero mas lumambot ang reaksyon. "Sila lang ang pamilyang mayroon ako. Pero masaya silang maging pamilya."

"Nagustuhan ko 'yong paglalarawan mo sa klase ng pamilya na mayroon ka at gusto ko ang ideya na pamilya ko na rin sila." Sabi ko at nilawakan pa ang pagngiti.

Bumalik ang matamis na ngiti sa mga labi niya.

Nabawasan ang saya na nakarehistro sa mukha ko. Ang ngiti ko ay nawala pero hindi naging seryoso ang mukha ko ngunit nabahiran ng pag-aalala.

"I-kuwento mo sa akin ang nangyari sa pamilya mo sa ibang pagkakataon. Gusto kong malaman." Malumanay kong sabi. May kaunting lumbay, pero malambot pa rin ang pagkakabigkas ko ng mga salita at pati na rin ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya.

Nawala rin ang ngiti sa labi niya, subalit tinakpan iyon ng sinseridad at tapang.

"Kahit anong hilingin mo." Simpleng wika niya.

"Tara na?" Tanong ko at ibinalik ang ngiti ko sa labi.

"Tara na." Aniya habang ibinabalik ang ngiti sa kaniyang labi.

He grabbed my right hand with his left.

Lumabas kami ng kuwarto ng magkahawak ang kamay at bumalik sa sala kung nasaan namin iniwan ang mga kaibigan niya.

Tumayo kami sa harap ng mga kaibigan niya at sabay na sinalubong ang tingin ng mga ito sa amin. Malaki-laki rin ang espasyo sa pagitan namin at ng mga kaibigan ni Jeo.

"Handa na kaming sabihin." Wika ni Jeo sa mga kaibigan na nanonood sa amin.

Ngumisi 'yong kaibigan niyang nakilala ko bilang si Grey.

"Mukha ngang seryoso 'yan. Pinag-usapan at pinag-isipan niyo pa." Anito. Nagpatuloy ito sa pag-ngisi.

"Well, Jeo, Bago pa man kami magdesisyon na pumunta rito nakapag-usap at nakapag-isip na kami. Hindi katulad niyo." Tinuran noong nag-iisang babae sa mga kaibigan niya na hawak ang kamay noong Grey. Nakakaloko ang paraan ng pag-ngiti nito.

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon