Maze
"Before you ever came, being alone means forever to me, but now, it feels like it's not the same anymore. You freed me from feeling it." Kitang-kita na puno ng emosyon ang rumerehistro sa kaniyang mukha habang nagsasalita at nilalarawan ang nararamdaman niya.
Lubos ang ligayang nararamdaman ko at ibinabahagi niya sa akin ang mga ganitong bagay na siya lang ang nakakaalam sa sarili niya. At kahit pa mga pribadong bagay iyon o mga bagay na puwedeng siya na lang ang makaalam ay ibinabahagi niya pa rin sa akin. Ang ibigsabihin lamang ay napakalaki ng tiwala niya sa akin. At napakamakahulugan din sa akin nito. Pakiramdam ko ay kaisa ko na siya, na parang isa kami, na parang hati kami sa lahat, na parang kami ang kumakaharap dito sa sinasabi niya. Iyong pakiramdam na magkasalo kayo sa isang laban? Magkakampi, magkatuwang, magkaisa, magkasama at magkabuklod. Ganoon ang mga salitang naglalaro sa utak ko ngayon.
Kahit lubos ang ligaya ko dahil sa mga pakahulugan ko sa mga bagay na ginagawa niya ay lubos din ang kalungkutan sa dibdib ko na malaman ang mga ganitong masakit at malungkot na bagay tungkol sa kaniya. Tungkol sa pinagdadaanan niya at nararamdaman niya. Para bang nadudurog ang puso kong malaman na nakakaramdam siya ng ganito. Para bang ako rin ang nakakaranas nito ngayon.
"I smile and laugh everyday, even when the times that you weren't here with me. But the laugh and smile I am hitting when I'm with you and now that I'm with you, it's different. I already feel the authenticity of it. It's what you call happiness. Happiness that I never wanted to end. I finally felt it because of you. I feel it real" From his dim, tender and sad face, a smile started to appear and shine.
Halos maiyak ako sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin ngayon. Pero ayokong palungkutin pa ang kanina na'y malungkot na mood ng usapan namin. Pero siguro nga ay hindi na malungkot dahil nakangiti na siya ngayon.
Mula sa halo-halong emosyon na pinaramdam niya sa akin dahil sa mga narinig ko mula sa kaniya ay ngumiti ako. Binigyan ko siya ng isang diretsong tingin sa mga mata na kami lang dalawa ang may alam kung gaano karami o kalalim ang ibigsabihin.
"Masaya rin ako. Masayang-masaya dahil dumating ka sa buhay ko." Akala ko ay mapipigilan ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko, pero nagkamali ako. Tumakas ang mga iyon ng hindi ko namamalayan habang nakangiti akong nagsasalita. "You don't have to worry, because I am here for you and I won't let you feel alone anymore. I won't leave you as long as you won't want me to leave. As long as you want me to stay. I promise."
Mas lumawak ang ngiti sa labi niya sa tuwang malaman ang bagay na nilathala ko sa kaniya. Nakayakap niya akong bigla at wala akong nagawa kung 'di hayaan siya at mapangiti na lamang.
Sana nga ay laging ganito ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Sana ay walang magbago. Sana hindi magbago ang nararamdaman niya para sa akin. Sana ay hindi siya magsawa sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Sana nga.
Nang dumaan ang mga isipin na iyon sa isip ko ay parang luluha ulit ako, pero lumunok at huminga ako ng malalim upang iwaksi iyon.
"Thank you. You're my angel." Aniya habang nakayakap sa akin.
Parang nawala ang kung ano mang negatibong alalahanin na pumasok da isip ko kani-kanina lamang nang marinig ko ang boses niya. Para siya gamot. Parang isang himala. Isang biyaya. Napakasuwerte ko na makatagpo ako ng ganito kabait na lalaki na halos parang imposible nang matagpuan sa panahon ngayon. Alam kong hindi siya ganoon kabait dahil nakita ko na kung paano siya magalit noon sa sekretarya niya, pero tatanggapin ko ang anumang makita kong kapintasan sa kaniya at mamahalin ang mga iyon dahil iyon ang dapat, dahil.... sa tingin ko ay nagsisimula na akong mahalin siya.
I heard him laugh.
"Okay." He removed his arms around me and look at me again. "I know we made a scene again, but it's time for you to get rest already. It's going late and it's not good for you. You should go to your room now. I'll go straight to you and give you some milk once I'm done washing the dishes. Okay?" Nakangiti niyang paliwanag at tanong sa huli.
BINABASA MO ANG
A Knight in a Cruel, Dark World
RomanceIt was stable and she was used to it. She was miserable. A damsel in distress. A damsel whose hope is as tiny as dust. A damsel who's at the lowest level of society who believes that no good things will ever cross her way anymore. A damsel who sold...