Kabanata apat

54 3 0
                                    

Mazel

Hindi kami nagkikibuan habang kumakain siya. Tuwing mapapatingin ako sa kaniya ay tutok lang ang atensyon niya sa kinakain. Parang ang sarap niya nga tignan kumain. Para bang nasarapan siya sa luto ko.

Masarap naman ako magluto kaso lang wala pa lang akong gaanong alam sa kusina.

Pagkatapos niyang kumain ay pumunta siya sa lababo dala-dala ang pinagkainan niya. Agad ko siyang hinabol upang magprisintang ako na lang ang maghuhugas. Iyon ang silbi ko rito, 'di ba?

"Ako na lang ang gagawa n'yan." Sabi ko.

Iniharang niya ang braso niya sa mga kamay ko para hindi ko mahawakan ang mga hawak niyang hugasing pinggan.

"Ako na rito." Aniya.

Wala na akong nagawa. Baka kasi magalit siya sa 'kin kung ipagpilitan ko pa ang sarili ko. Naiisip ko lang, siguro matindi siyang magalit.

Hinugasahan na niya ang mga hugasing pinggan at nang matapos ay tinuyo ang mga kamay. Nang magawa ay bigla niya ulit kinuha ang pulso ko at hinila.

Nagpahila na lang ako. Baka kasi mapahiya siya kung hihilahin ko na naman ang braso ko sa kaniya.

Dinala niya ako sa tapat ng kuwarto ko.

"Can I come in?" Tanong niya. Ang tinutukoy niya ay kung puwede siyang pumasok sa kuwarto ko.

Nag-ilag ako ng tingin.

"Sa iyong bahay ito kaya bakit ka pa nagpapaalam?"

Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya agad akong nag-angat ng tingin para alamin kung bakit niya ginawa iyon. Napapikit siya ng mariin at pagdilat niya ay inalis ko agad ang pagtingin sa kaniya.

"Would you stop being like that to me?"

Kahit na naiintindihan ko ang sinabi niya ay nagpanggap akong inosente. Alam ko ang kung paano ko siya tratuhin ang tinutukoy niya. Pero hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nagdedemand sa 'kin ng ganito. Ano ba ang gusto niyang mangyari?

"Being what?" Iwas ang mga matang tanong ko.

"Nasa harap lang kita pero parang ang layo mo."

Hindi lang ang tingin ko ang inilag ko sa pagkakataong ito, kung 'di pati ang mukha ko sa kaniya.

Ayokong makita niya ang sakit na gumuhit sa mukha ko.

Ganito ako para hindi ko na maranasan ang hirap ng masaktan pa ng mga taong mahal ko. Inilalayo ko ang sarili ko dahil baka dumating ang oras na mahalin kita kahit pa kaibigan lang o ano pa, pagkatapos ay bigla ka na lang maging dahilan ng paghihirap ko, ng sakit sa dibdib ko.

Ayoko nang maranasan na ang mga taong mahal ko pa ang nagiging dahilan kung bakit ako nasasaktan at nahihirapan. Na imbis na sila ang pagkunan ko ng lakas o sila ang magbigay ng lakas sa akin ay sila pa ang nagiging dahilan kung bakit nanghihina ako. Kung bakit pinanghihinaan ako ng loob, kung bakit gusto ko na lang mawala o maglaho at kung bakit pakiramdam ko ay wala na akong halaga o dahilan pa para mabuhay.

A Knight in a Cruel, Dark WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon