Chapter 12: "You Turned Me On"

49 3 0
                                    

NATHAN'S POV:


Saturday na. Parang may gumugulo sa isipan ko. Dahil ba yon sa magkagroup si Stephen at Angel? Magoovernight si Angel sa kanila?

Haaayyy...

Mahal ko si Angel. Hindi ko makakalimutan ang sumpaan naming dalawa. Oh baka ako lang ang hindi makalimot? Nakakabaliw. Ayoko nang gantong feeling.

Bumangon ako at naligo para nawala nararamdaman ko. Pero para ralaga akong tanga. Nakatunganga lang ako sa shower,hinahayaang matuluan ng tubig ang ulo at buong katawan,tulala...

* * * * *

Nakita ko na lang ang sarili ko na nakabihis at nagmamaneho papunta kila Stephen. Ano tong gagawin ko? Tama ba to? Bahala na. Hindi rin naman ako makatiis e.


Habang nagmamanahe ako. Hindi ko mapigilang isipin si Angel. Lalo syang gumanda at mabait pa rin sya. Nakalimutan na kaya nya talaga ang pangako namin sa isa't isa? ?_?


Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho,nang mamalayan kong nasa labas na ako ng bahay nila Stephen. Hindi na ako pumasok. Naghintay lang ako dito sa labas ng Mansion nila.


Maya-maya pa nakita ko na ung kotse ni Stephen at sakay noon si Angel...

Hindi ko matagalan ang nakikita ko, kaya mabilis kong minaneho paalis sa Mansion nila Stephen ang kotse ko. Ayoko ng ganto. Ayoko... Ayoko...



ANGEL'S POV:


Anong araw ngayon? Saturday? Pwede ba Sunday na lang agad?

Ito na ung araw na ayokong mangyari. Nakakainis kasi sa Sir e. Dahil sa research paper na un kailangan ko pang makasama ung Yabang na un. Kasalanan mo to Sir!


Dahil no choice naman ako,maliligo at magbibihis na ako. Pagkatapos kong maligo namili na ako ng damit na susuotin ko.


Nakita ko ang red na knee-top-dress ko. Haha. Ito na lang kaya ang suotin ko para SEDUCING ako sa harap ni Stephen ^_-. Joke lang ah. Kinuha ko nung white knew-top-dress ko at iyon ung sinuot ko. Muka talaga akong angel dahil sa damit na ito haha .


Pumunta na ako sa napag-usapan naming lugar ni Stephen, sa park malapit sa school past 8 in the morning na rin. Maya-maya pa dumating na rin si Yabang.


"Kanina ka pa ba dyan?" bungad agad sa akin ni Yabang.

"Hindi naman kakadatingdating ko lang din naman" sagot ko. Alam nyo ba na parang may nagbago? Ung ang dull o ang awkward ng moment?

Pinagbukas nya ko ng pinto sa harapan nung katabi ng driver seat. Kakilig! Joke.


Habang nasa byahe kami papunta sa kanila bigla na lang nagsalita si Stephen.

"Ang ganda mo..." nung sinabi nya un ganto ako o_O. Pero sinabi nya un ng hindi nakatingin sa akin kundi sa daan siya nakatingin.

"Ha?! Ano kamo?" bigla na lang lumabas sa bibig ko.

"Ah.., eh.., ah.., Wala!" nauutal na tugon sa akin ni Stephen. Ano ba ung pinagsasabi ng lokong to? Hu! Bahala nga sya.

* * * * *

Nakarating na rin kami sa bahay nila Stephen. Ang laki ng bahay nila. Grabe Mansion na talaga to.

Agad bumaba si Stephen at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko may nakita akong kotse pero bigla itong nagmaneho paalis. Pero parang alam ko kung kaninong kotse un... Kanino nga un?...

You Turned Me On  [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon