Chapter 4: The Jeepney

74 3 0
                                    

ANGEL'S POV:

Hay naku... Uwian na naman. Nakakaloka ung araw na to ah at nakakapagod! Salamat at makakapagpahinga na rin ako.

* * * *

Pasakay na ko ng jeep ng may isang lalaking nagmamadaling sumakay ng jeep. Parang may pinagtataguan.

Teka... Teka, tama ba itong nakikita ko? Si Stephen na anak ng isang napakayaman na tao ay sumasakay ng jeep? Aba may pagkahumble din pala ang taong ito. Kahit nakaya nyang magdala ng sasaktan ay hindi nya ginagawa. Medyo nakakaturn on??? Ano ba itong sinasabi ko? Nababaliw na ba ako? Erase! Erase! •_•. Makasakay na nga at baka gabihin pa ako, isa pa mandin akong dalagang pilipina, echos!

STEPHEN'S POV:

Sabi ko na nga ba at malas talaga ang araw na ito e! Biruin mo sabi ni Mang Jay hindi raw nya ko masusundo at may emergency na kailangan syang puntahan. Takte! Napilitan tuloy akong magjeep.

Nagmamadali akong pumasok ng jeep at baka may makakita pa sa akin at pagkaguluhan na naman ako. Tsk! Tsk!

ANGEL'S POV:

Ano ba naman ito? Kung anong kinamalas ko kanina sa mga subject ko ito namang ikinaswerte ko sa lovelife ko! Ha? Ano tong sinasabi ko? Erase! Erase ulit! ×_×.

Pero ang swerte ko talaga! Biruin mo katabi ko ngayon ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa school ^__^.

Ano to? Mukang nakatulog na ang lokong to. Medyo napapadantay ung ulo nya sa balikat ko e. Yiiieeeee! Kinikilig ako!

Hindi muna ko nagbayad. Ieenjoy ko muna ito. Sasama ako hanggang sa kanila este kung saan sya bababa roon din ako bababa.

Ang layo ko na kung saan dapat ako bababa. Saan kaya bababa ang mokong na ito?

"Miss, dito na po ung huling stop nitong jeep, di pa po ba kayo bababa?" sabi sa akin ni Manong driver.

Ay ito na ba un kuya? Wait lang at gigisingin ko lang tong kasama ko (kasama raw hindi naman... haha!)

"Stephen? Stephen?" aba ayaw magising nitong mokong na ito ah. Sigawan ko nga. "Stephen! Ito na raw ung huling stop ng jeep hindi ka pa ba bababa?" Hahaha. Napabalikwas na man sya agad ng marinig ung sinabi ko.

"Ha! Salamat Miss at ginising mo ako. Kuya ito ung bayad oh, keep the change!" sabi ni Stephen sa akin. Urrrrghhh. Kinikilig ako wag kang ganyan Stephen.. ahhhh.

Ginising ko sya at parang nagmamadali sya. Nag abot siyang Php.500.00 tapos sabi nya keep the change daw ang yaman talaga e.

"Manong driver ayan na yung bayad namin ni Stephen ah. Salamat." sabi ko kay kuyang driver. Swerte nya kya noh.

"Salamat din po Miss!" sabi ni Manong.

Sumakay ulit ako ng jeep pauwi sa amin. Ang layo ko na kasi e. -_-. Saan kaya pumunta si Stephen? Lumagpas din kaya sya tulad ko? Hayaan mo na. Nagenjoy naman ako e. Haha. ^_-.

STEPHEN'S POV:

Habang nakasakay ako sa jeep medyo dinadalaw na ko ng antok pero pinipigilan ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Stephen? Stephen? Stephen! Ito na raw ung huling stop ng jeep hindi ka pa ba bababa?" sigaw sa akin ng isang babae. As usual kilala nya ko. Sikat na sikat kaya ako sa School. Hehehe.

"Ha! Salamat Miss at ginising mo ko. Kuya ito ung bayad oh, keep the change! (Nag-abot ako kay manong ng Php. 500.00 )" sa sobrang pagmamadali ko iniwan ko na sya pagkabayad ko...

Nakakahiya at nakatulog ako! Matagal kaya akong nakatulog? Siguro oo kasi ang layo-layo ko na kung saan dapat ako bababa e.

Oo nga pala, Teka... Teka, parang kilala ko ung babae kanina ah. Parang nakita ko na sya. Pero kailan at saan? Napakakakalimutin ko talaga. Hayaan ko na nga un. Uuwi na lang ako. Ang hassle talagang magcommute. Tss. Tsk.

A/N: Hanggang dito nln muna ah. Haha kung anu-ano pa sinasabi ko wala namang bumabasa nito :'(. SAd life :'(.

You Turned Me On  [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon