(Dedicated to kay Ate Yam. Nainspire nya talaga ako ^_^. Hi Ate Yam!
Pakinggan nyo ung video ng The Script na the Man Who Can't be Moved. Bagay dito sa chapter na to. Suggest lang naman. ^_^)
NATHAN'S POV:
Para akong zombie na bumangon mula sa pagkakahiga sa aking kama. hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang nangyari sa amin ni Angel kahapon. Haaayyyy. Mukang wala na ata talaga akong pag-asa na maibalik pa ang dating kami.
"Tch. Hindi pwede to! Isangat hindi beses ko palang nasusubukan at hindi agad ako susuko. Urrrgghhh!" Kinakausap ko na lang ang sarili ko at napasabunot na lang ako sa buhok! Muka akong batang nagtatantrums at nagsisisipa sa kama.
"Urrrrgghhh!" Isang sigaw pa dahil hindi ako makuntento sa pagkainis ko sa sarili ko.
Bumangon na ako at nagdirediretso sa kusina ng condo ko. Hindi ko alam kung bakit ako pumunta doon. Kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako bumalik kay naman pumunta na lang ako ng c.r para maligo at makagayak na para pumasok. Wala talaga ako sa aking sarili nung mga oras na yon. napabuntong hininga na lang ako. Haaayyy.
******************************
Nandito na ako sa Princeton ngayon. Habang naglalakd ako papasok nahagip ng mata ko si Angel, kaya naman naisipan kong habulin sya.
"Angel!!! Angel!!!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo ako papalapit sa kany.
"Angel!" At dahil sa isa pang sigaw na yon napahinto na sya.
"Angel toto----." Natigil ako sa pagsasalita nung bigla syang nagsalita.
"Pwede ba Nathan?!!! Tigilan mo na to! Dahil hindi ako natutuwa sa mga pinagsasabi mo! Tigilan mo na ako!" Bigla niyang sigaw sa akin.
"Pero ako talaga si Tan---."
"Oh! Sige! Nathan! Sige naniniwala na ako! iyon naman di ba ang gusto?!"
"Oo." Nakayuko kong sambit sa kanya.
"Pwes! Sige naniniwala ako. Pero wag mong aasahan babalikan ko pa ang Childish promise na meron tayo. Wag mo nang asahan. Dahil Ayokong magmukang tanga ka na umaasa sa wala katulad ng ginawa mo sa akin!"
Paulit-ulit na nagreregister sa isip ko ung sinabi ni Angel sa akin. Ayokong mag sink-in yon. Ayoko! Pero wala akong magawa at nagsisink-in ng kusa iyon sa isip ko.
* Pero wag mong aasahan babalikan ko pa ang Childish promise na meron tayo. Wag mo nang asahan. Dahil Ayokong magmukang tanga ka na umaasa sa wala katulad ng ginawa mo sa akin!
*Pero wag mong aasahan babalikan ko pa ang Childish promise na meron tayo. Wag mo nang asahan. Dahil Ayokong magmukang tanga ka na umaasa sa wala katulad ng ginawa mo sa akin!
BINABASA MO ANG
You Turned Me On [On Hold]
RomanceThis is a story of a man who fell in love in a hot but a nerdy girl. May pag-asa kaya silang dalawa? Oh mauuwi lang sa wala? Isang mayaman at gwapong sikat na sikat sa University na pinagaagawan ng mga kababaihan at isang hindi pansinin ng masa. Si...