Chapter 17.1: Nathan's Move

32 2 1
                                    

NATHAN'S POV:


I will never ever stop believing na one day Angel will love more than I can. Hindi ako magpapatalo kay Stephen what I said i while ago sasaktan lang nya ang bestfriend ko. Kaya naman itutuloy ko na ung confession ko kay Angel.

* * * * * * * * * * * * * * * *

Nandito ulit ako sa school park ung malapit sa entrance remember? Kung saan ko nakita sila Stephen at Angel na magkasama. Hihintayin ko sya dito para magconfess hindi naman nya siguro ako iiwasan diba? Wednesday ngayon so may English kami at magkakasama naman kami ei. Kaya hihintayin ko na sya para sabay na lang kaming pumasok ngayon. 7:30 start ng klase namin at past 7 na siguro naman malapit na sya alam ko namang hindi malalate un at alam nyo naman pag may scholar kailangan pangalagaan ang pangalan diba? At hindi nga ako nagkamali at ayan na nga at paparating na sya.

YES!!!!!!!!!!!! YES!!!!!!!! YES!!!!!!!!! Hindi nya kasama si Stephen. Makakausap ko na sya. Agad akong lumapit kay Angel at diniskatehan ko este kinausap ko.

"Angel..." lumapit ako sa kanya.

"Stephen... Ay este Nathan ikaw pala" awts naman napagkamalan pang ako si Stephen.

"ah... eh... Angel pwede ka bang makausap mamaya pagkatapos ng klase mo?" sinabi ko ng nakangiti at nakahawak ang kamay sa likod ng ulo.

"Ok sige... Daanan mo na lang ako mamaya. Ng 5 pm. Kita na lang tayo ah, 304 MB ang room ko mamaya." sabay lakad nya at hinabol ko sya.

"Sabay na tayo Angel  pareho naman ang klase natin ngayon eh, kay Mr. Wright!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Ay! Oo nga pala no? Hehe. Sige tara na!" sabi nya sabay ngiti sa akin. at sinuklian ko lang naman ang maganda nyang ngiti.

"Ah Nathan?" Biglang nagsalita si Angel.

"Bakit Angel?" 

"Ah. Nakita mo ba si Stephen? hindi kasi sya sumasagot sa mga tawag ko e.?" Ang sakit naman Lord bakit si Stephen pa ang hinahanap gayong nandito naman ako. >_<

"Ah Hindi e. Baka nasa room na iyon. Alam mo naman in love. So baka maaga yong pumasok." mahina kong tugon sa kanya.

"Ah. Eh.... Hehe." Iyon lang un nasabi ni Angel.

************************

Ayon nakatunganga lang ako sa klase buong maghapon, pano ba naman hindi ako makapagconcentrate dahil kay Angel. Naaalala ko kasi ung usapan namin laging si Stephen na lang ang bukang bibig ni Angel. Hay naku.., Mukang inlove na rin talaga si Angel kay Stephen.

Malapit na mag 5 pm. Nagdadalawang isip ko kung pupunta pa ba ako. Kasi naman baka pag magkasama kami puro si Stephen lang ang isipin nya. Pero nakakahiya naman kung hindi ako pupunta nakausap ko na sya e. No choice. Nakakahiya kasi e.

Pinuntahan ko na si Angel sa sinabi nyang room. Ang pagkakatanda ko 304 MB e. Kaya pumunta na ako doon. At sakto naglalabasan na sila kaya naman nagmadali na akong pumunta para  makausap ko na sya.

"Angel!" Tawag ko sa kanya. Agad namang lumingon sa akin si Angel at nginitian ako. That smile make me shiver.

"Ah... Eh.. A-Angel ta-tara n-na?" nauutal kong sabi dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Talagang si Angel lang ang kayang mapatigil ang mundo ko.

"Saan tayo? Nathan? Saan tayo?" winawagayway pa nya ung kamay nga sa mukha ko. Di ko napansin na natulala pala ako kaya hindi ko sya nasagot.

"Ah. Tara basta sumama ka na lang sa akin at may pagdadalhan ako sayo." sagot ko sa kanya ng natauhan na ako. 

You Turned Me On  [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon