Chapter 15: Rivalry

39 2 0
                                    

NATHAN'S POV:


Matapos naming magpangabot ni Stephen kahapon. Umuwi agad ako at pumasok ng kwarto. Napagdesisyunan ko na kausapin si Angel kinabukasan. Sasabihin ko na lahat, lahat lahat!


Nandito na ako sa Priceton at nakaupo ngayon ako dito sa school park. Hihintayin kong dumating si Angel at magpapakilala na ako sa kanya. Sasabihin ko na ang totoo. Siguro naman maaalala nya ako no?


5 minutes... 10 minutes... 30 minutes... 1 hour...

Wala pa rin si Angel. Anong oras kaya ung pasok nya? Sige maghihintay pa ako.


Maya-maya dumating na si Angel... pero... pero kasama nya...


Kasama nya si Stephen..,


Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ako makatayo.


Bumalik lang ako sa katinuan ng bigla akong tawagin ni Dann.


"Nathan! Tara na may klase pa tayo!" Sigaw sa akin ni Dann.


"Ah... Eh... Si... Sige. Andyan na!" Nauutal kong tugon sa kanya.


Bakit sila magkasama? Sila na ba agad? Sinagot na ba sya ni Angel? Mahal ba sya ni Angel? Ang gulo ng utak ko.! Tsk!


"Pare, si Angel na ba at si Stephen?" Tanong ko kay Dann.


"Ang alam ko hindi pa. Pero may balak na ligawan ni Stephen si Angel. Tinamaan e." Sagot sa akin ni Dann.


"Ah. Ganon ba pare? Sige salamat." Tugon ko kay Dann ng malungkot ang boses.


"Bakit Nathan may gusto ka ba kay Angel? Hahaha." Natatawang tanong sa akin ni Dann at may pangisi-ngisi pang nalalaman.


"Ha?! Ah... Eh... Ah... Wala!" Sagot ko sa kanya.


"Ah... Eh... Ei... O.... U... Hahaha! Hindi mo pa kinumpleto!" May pangaasar na sinabi ni Dann sa akin.


"Ha.. Hahaha..." Sarkastikong tawa ko sa kanya. Nakakainis e. Dapat pala hindi ko na lang sinabi. Bwisit.


* * * * * *

Napagpasyahan kong pumunta sa room nila Angel ng bandang hapon na. Kakausapin ko na sya.


Bengga! Ayun si Angel! Swerte.


"Angel!" Sigaw ko sa kanya.


"Oh Nathan ikaw pala. Bakit may kailangan ka?" Nakangiting tanong sa akin ni Angel. Kaya lalo akong naiinlove dito e.


"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko sa kanya.


"Oh sige saan tayo?" Sagot naman sa akin agad ni Angel.


"Pwede doon tayo sa school park?" Tugon ko naman sa kanya.


"Oh sige, tara na!" Sagot nya sa akin.


Nandito na kami sa park at kakaudapin ko na sya. Ito na ang tamang panahon para malaman nya ulit at maalala ako.


"Ahmmm. Angel kasi... Ahmm. Ang totoo nyan..." Naputol ang sasabihin ko ng may lalaking sumigaw.


"Angel! Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e. Tara na ihahatid na kita!" Sabi nung lalaking sumigaw at guess what? Si Stephen un.


"Ahmmm. Nathan pasensya na ah. Nakapangako kasi ako kay Stephen e. Bukas na lang tayo mag-usap ah. Pasensya na." Biglang sabi sa akin ni Angel. At bigla syang tumakbo palayo sa akin.


Naiwan na naman akong nagiisa. Nakatulala. Nakatanga. Di alam ang gagawin. Nasasaktan ako. Stephen bakit?! Bakit!!!




STEPHEN'S POV:


Yes! Umaga na! Mabilis akong bumangon at nagayos. Importanteng araw to! Ngayon na magaganap ang pangarap ko. Hahaha. Nakwento ko ba sa inyo? Ayyy! Hindi pala dahil senti ako kahapon dahil sa away namin ni Nathan! Eto ikukwento ko na!


Kahapon di ba umalis kami ni Angel. Pagkatapos ko syang ihatid sa bahay nila ay hiningi ko ang number nya at binigay naman nya ito. Kaya ayun may textmate na ko. Hahaha.


Bago ako matulog kagabi ay tinext ko si Angel. Kung anu-ano ing pinagusapan namin at sa huli tinanong ko kung pwede ko syang sunduin bukas. Nung una ayaw nya pero dahil sa kakapilit ko pumayag din sya. Hindi nya natanggihan ang gwapo kong mukha. Haha! ^_^


Kaya ngayong umaga susunduin ko sya. Pagkatapos kong gumayak ay pumunta na ako da kanila. Ayos! Hindi ako late.

Ilang saglit pa dumating na rin di Angel. Pinagbukdan ko sya ng pinto at pumunta na kami sa school. Yehey! Ang saya-saya ko!


Nung papasok na kami sa entrance natanaw ko agad si Nathan kaya lalo akong sumabay kay Angel. Ipoprove ko sa kanya na ako ang karapat-dapat kay Angel! Hahaha! Evil smile.


Dumiretso lang kami sa aming mga room at sinabi ko kay Angel na ihahatid ko sya mamaya at pumayag naman sya.


Mabilis natapos ang klase at uwian na namin. Pupuntahan ko na si Angel.


Pero pagdating ko sa room nila nakita kong kausap nya si Nathan at umalis silang dalawa. Ano? Hindi ako tutuganga dito! Susundan ko sila. Nakita ko sila sa park ng nakita ko nang kakausapin sya ni Nathan ay bigla akong...


"Angel! Nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap e. Tara na ihahatid na kita!" Sumigaw ako. Para matigil ing pag-uusap nila. Hahaha. Evil smile ulit! ^_^


"Ahmmm. Nathan pasensya na ah. Nakapangako kasi ako kay Stephen e. Bukas na lang tayo mag-usap ah. Pasensya na." Sabi ni Angel kay Nathan at bigla syang tumakbo sa akin.


Naiwan si Nathan magisa. Naaawa man ako pero kailangan ko ring ipaglaban ang pagmamahal ko kay Angel.


Oo nga pala. Nililigawan ko na si Angel. Punayag sya. Siguro may gusto un sa akin. Hahaha! Ang bilis no? Pero ganon talaga mahal ko naman si Angel. Pero natatakot pa rin talaga akong masaktan.








DANN'S POV:


May napapansin ako kay Nathan. Tiyak na may gusto sya kay Angel. Halata naman e. Ganun din ang tingin ni Charles. Kala nya wala na kaming POV ah . Haha.


Kasi nung nagpaalam sa amin si Stephen na mauuna na sya kahapon ay nagmadali rin si Nathan. Sinundan naman namin si Nathan.


Nang makita nya na sumakay si Angel sa kotse ni Stephen. Bigla syang tumakbo at sumakay sa kotse nya at pinaandar ito patungo sa direksyon nila Stephen.


Oo. Alam naming may gusto na si Stephen kay Angel pero hindi pa raw aya sure. Natuwa nga ako para kay Stephen. Dahil simula ng last break-up nya hindi na sya umibig ulit. Nasaktan kasi sya ng sobra nun.


Tapos hindi pa sila nagpapansinan ni Stephen. May nangyari kaya sa pagitan ni Nathan at Stephen. Rivalry na ba ito? Hmmm. Malalaman natin yan.


Pero sa ngayon Lovelife ko muna aasikasuhin ko. Haha.

You Turned Me On  [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon