NATHAN'S POV:
Kanina nakita ko si Angel na pumasok sa kotse ni Stephen. Saan naman kaya pupunta ug dalawang un? Magdadate ba sila? Di ako papayag. Alam nyo naman na mahal ko si Angel di ba?
Sinundan ko silang dalawa tinignan ko kung saan sila pupunta. Sa kakasunod ko napadpad ako sa isang park kung saan maraming nagtitinda ng mga street foods. At doon ko nakitang kumain sila Stephen.
Una nilang kinainan ay ung fishball sunod namin ay ung sa Mami at huli ay ung ihaw-ihaw. Bakas sa mukha ni Stephen na masaya sya sa piling ni Angel at ganon din naman si Angel sa piling ni Stephen. Parehas silang masaya.
Habang sila ay masaya, ako narito at nasasaktan sa aking mga nakikita. Nakalimutan na kaya talaga ako ni Angge. Oo Angge ang tawag ko sa kanya noong bata kami.
Matalik kaming magkaibigan ni Angge at ang tawag naman nya sa akin ay Tan-tan. Nakalimutan na kaya nya ung pangako namin sa isa't isa? Hindi ako papayag. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat ang pangako namin sa isa't isa.
Nang nakita kong pauwi na sila ay umalis na rin ako. Mabilis kong pinaharurot ung kotse ko para pumunta sa bahay nila Stephen. Kakausapin ko sya.
Nauna ako kay Stephen dito sa kanila pero hinintay ko na lang sya dito sa labas. Malamang kaya wala pa sya kasi hinatid nya si Angel.
Hindi ako makakapayag na mapunta sa kanya si Angel. Matagal ko na syang kilala at alam kong paglalaruan lang nya at paiiyakin si Angel. Hindi! Hindi ako papayag!
Maya-maya pa dumating na si Stephen. Nakangiti. Siguro ay nakuha nya na nag tiwala ni Angel at gagamitin at paglalaruan na nya to.
Bigla akong lumabas ng kotse at pununtahan sya. Kinatok ko ung bintana ng kotse nya.
"Pare! Lumabas ka dyan. Mag-usap tayo." Sabi ko sa kanya. Agad na namang lumabas si Stephen.
Pagakalabas ni Stephen agad ko syang sinuntok.
"Pare! Ano bang problema mo?!" Pasigaw na sabi sa akin ni Stephen.
"Problema ko?! Ikaw!" Pagkasabi ko noon ay sinintok ko ulit sya sa mukha.
Kinuha ko sa sa kalasada dahil napaupo sya at kinuwelyuhan ko sya.
"Stephen! Wag na wag kang makalapitlapit ulit kay Angel ha!" Sabi ko sa kanya.
"Ano ba yang mga sinasabi mo at bakit hindi ako pwede lumapit kay Angel?! " pagakasabi ni Stephen nun ay bigla nya akong tinulak.
"Alam kong may binabalak ka kay Angel! Wag na wag mong magamigamit si Angel dyan sa mga laro mo! Alam kong sasaktan mo lang sya!" Sagot ko naman kay Stephen. Susuntukin ko sana sya pero nakailag sya at ako ay sinuntok nya.
"Pwede ba Nathan tigilan mo ko! Di ko alam yang mga pinagsasasabi mo!" Tugon ni Stephen.
"Wag ka nang magmaangmaangan pa Stephen! Kung di kita kilala maniniwala ako. Kaso kilala kita kaya di mo ko maloloko." Sagot ko kay Stephen.
"Ano ba! Nathan wala akong balak na masama kay Angel!" Sagot sa akin ni Stephen.
"Ha! Hahaha! Nakakatawa Stephen! Ano?! Sabihin mo nga sa akin na Mahal mo si Angel! Sige nga!" Sabi ko kay Stephen. Pero hindi sya nagsasalita.
"Ano?! Hindi mo masabi?! Kasi ang totoo hindi mo sya mahal! Tandaan mo to Stephen kung di mahal si Angel tigilan mo na sya. Mahal ko si Angel. Kaya kung maaari lang wag mo na syang guluhin!" Dugtong ko pa.
BINABASA MO ANG
You Turned Me On [On Hold]
RomanceThis is a story of a man who fell in love in a hot but a nerdy girl. May pag-asa kaya silang dalawa? Oh mauuwi lang sa wala? Isang mayaman at gwapong sikat na sikat sa University na pinagaagawan ng mga kababaihan at isang hindi pansinin ng masa. Si...