PROLOGUE

223 6 0
                                    

That day I am devastated and hurt.

"stop making excuses young lady and do what I want!"my father gritted his teeth.

Galit na galit siya dahil sa kahihiyang dinulot ko sa pamilya.Sino nga bang matinong babae ang magsasabing buntis siya at ang ama ay si Leonard Ramirez ang isa sa basketball team ng school.

Dahilan para gumawa ng gulo lalo pa at may nobya ang huli.

"but dad!"

"no buts!you conceited liar!"napapikit ako habang kaharap ang mga magulang ng lalaking mahal ko.

"dear bakit mo ginawa yun?"ang ina ni Leo na si Mrs. Ramirez ang kumausap sa akin.

She's calm unlike my father na halos maputol na ang ugat sa leeg.

"I-I'm sorry tita Viv.."mahinang usal ko.

Close ko ang pamilya nila, siguro dahil sa magkakaibigan na kami ng mga anak nila noong bata palang.

"lumaki kang walang ina but I never made you feel that way! halos lahat ng luho mo ay nasusunod that's why you end up being a brat!"my dad burst out.

"tama na kumpadre, ang mahalaga ay hindi naman buntis si Ange at walang nangyari sa kanila.."napaangat ang tingin ko kay tito Alfred ang daddy ni Leo.

I bit my lower lip.

"sorry po.."anas ko uli.

"kaya naming magpatawad iha ngunit hindi ako sigurado kay Leo."napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni tita Viv.

"he was lost and hurt lalo pa at hindi namin makita kung nasaan na si Shiela.."dagdag pa ni tito Alfred.

"sundin mo nalang ang gusto ko Anjenette."napalingon kami ay daddy.

"leave and fix yourself! be matured enough!"a tear fell from my eyes.

Yes.I think that's all I can do right now.

Malungkot na tumango ako sa kanilang lahat.

Iyon ang huling araw ko sa Pilipinas dahil agad akong pinasakay ni dad sa private plane namin at nagpunta sa ibang bansa.

Japan.

Maganda sa Japan at maayos naman ang naging buhay ko roon.Every month ay dumadalaw ako sa mt. Fuji at doon ay isinisigaw ko ang lahat ng frustrations ko sa buhay tulad nalang ngayon ika anim na buwan ko na sa lugar na ito.

"I hate you for not loving me back!"umiiyak na sigaw ko.

"but I still love you so much!"para na akong baliw sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.

"I'm sorry!I'm so sorry.."napahagulgol na ako habang takip ang mukha ko ng dalawang palad ko.

I stopped crying when I heard my phone ring.

"wh-who's this?"I asked when I answered my phone.

"Go home.."natigilan ako sa boses na narinig ko.

A familiar pain poke my heart.

"d-dad.."naiiyak na usal ko.

"I'm not asking you to go home I am commanding you.."napangiti ako ng mapakla sa tinig na ginamit nito sa akin.

"Y-Yes.."mahinang usal ko.

"ASAP."pagkasabi nun ay naputol na ang linya.

First time na tumawag siya sa akin sa anim na buwan ko sa lugar na ito.

Nang makauwi ako sa apartment ko dito sa tokyo ay nagmadali na akong magpabook ng flight I badly want to go home si dad lang ang nagsabing hindi ako uuwi hangga't hindi niya sinasabi.

Kahit paano ay nakaramdam ako ng saya at pagkasabik sa mga naiwan ko sa Pilipinas.

"okay na kaya sila?"tanong ko sa sarili ko at tumigil sa pag iimpake.

Wala na akong naging balita pa sa kanila lalo na sa kanya.

Leonard.

I bitterly smiled on that name.

My One Great love.

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon