28

53 4 0
                                    

"Ange? Leo?"

Napaigtad ako at kusang lumayo kay Leo, I saw how his brows furrowed dahil sa ginawa kong paglayo dito.

"ano pang ginagawa niyo dito?"Art asked habang palipat lipat ang tingin sa amin.

"ah, hahaha! Nagkita lang kami dito sa locker. Ikaw? Pauwi ka na ba?"pag iiba ko ng topic.

"oo, kaya lang nagtext sa akin si Dan na daanan ka dito at baka napano ka na daw.."napatango ako dito.

Magsasalita na sana ako ng may mauna nang magsalita sa akin.

"tell him to go home, ako na ang maghahatid pauwi kay Ange.."nanlalaki ang matang bumaling ako kay Leo.

"naku! Huwag na nakakahiya naman at tsaka--"

"you dont like it?"napipi ako sa seryosong mukha nito.

"hindi naman sa ganun.."nangingiwing sagot ko.

"I'll drive you home then.."hindi na ako nakaalma pa, lalo na at napatango nalang din si Art bago nauna nang umalis.

Hindi ko alam kung saan ako babaling dahil sa katahimikan na namamayani sa amin dito sa kotse niya. I sighed.

Dapat talaga pinag igihan ko ang pagtanggi kanina edi sana wala ako sa napakaawkward at nakakailang na sitwasyon na ito.

I heard him sigh na para bang may pinoproblema din ito na tulad ko.

"calm down.."he said while driving.

"I am calm.."pagsisinungaling ko.

Tumingin ito sa gawi ko bago itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"really?"he mocked.

"bakit mo hininto ang sasakyan?"kinakabahang tanong ko dito.

"ganyan ka ba kapag kalmado? Namumutla at pinagpapawisan?"he asked while smirking at me.

"mainit lang siguro.."pagdadahilan ko.

"mainit?"kunot noong nilingon nito ang aircon ng sasakyan na nakatapat sa akin.

Napapikit ako sa kahihiyan. Napakaepic naman kasi ng dahilan ko.

"kung hindi ka kumportable sa akin just say so."napabaling na ako dito.

Seryoso itong tumingin sa akin.

"I'll call Dan para siya na ang maghatid sa iyo--"

"no! I mean huwag na, okay lang naman sa akin kahit na ikaw ang maghatid.."wika ko.

Tinitigan ako nito na para bang binabasa niya sa mukha ko kung totoo ba ang sinasabi ko.

He sighed again.

He lick his lower lip bago binuhay ang makina.

"okay.."he whispered.

Nang makarating ako ng bahay ay dumiretso ako ng kwarto. Tulala at iniisip ang buong pangyayari ng araw na yun.

"iha.."bumukas ang pinto at sumungaw si yaya Imelda.

"yaya.."wika ko at umupo sa kama.

"pinapatawag ka ng daddy mo sa opisina niya.."balisa ito sa pagsasabi kaya alam ko na hindi nanaman maganda ang kahihinatnan nito.

"iha.."nag aalalang anas nito.

I smiled at her.

"sige yaya susunod na po ako.."ani ko bago ako tumayo at pumunta sa closet ko.

Nang makapagbihis na ako ay huminga muna ako ng malalim bago pumunta sa library kung saan ang mini office ni dad.

"dad?"pagtawag ko dito bago kumatok.

"come in."nang pumasok ako ay nakatingin na ito sa akin.

Base sa seryosong mga mata nito na nakatingin sa akin ay hindi na maganda ang usapan na ito hindi pa man nagsisimula.

Napapikit ako ng ibato nito sa harapan ko ang newspaper na hawak.

"did you know why I turned down those business proposals?!"napayuko ako sa bulyaw nito.

"alam mong ayaw ng Hatahori ang mga Ramirez!"padabog na binagsak nito ang iba pang litrato na nagpapakita ng pagkakasama namin muli ni Leo.

Mariing pumikit ito bago muling bumaling sa akin.

"The Hatahori clan would not like it kapag nalaman nila na--"

"dad, we are not the Hatahori, oo kaibigan natin sila pero before them kaibigan ko din ang Ramirez, natin.."giit ko.

"bullshit! Who put you in that situation? Who ruined your life? Sino?! Hindi ba at ang Ramirez?"halos nakikita ko na ang ugat ni dad sa leeg dahil sa galit nito.

"dad, kasalanan ko diba.. I ruined their relationshi--"

"kaya ba nagawa nilang ipahamak ka?"he was furious I can tell.

"hindi nila yun alam dad, hindi gusto nila tita at lalo na ni Leo yun! Naniniwala ako na wala silang alam!"asik ko.

"so be it! Pero sino ang tumulong sa atin ng lugmok ka na?!"hindi ako nakaimik doon.

"the Hatahori helped us, hepled you..kaya matuto kang tumanaw ng utang na loob!"napailing nalang ako sa mga sinasabi ni dad.

"paano naman ako dad?"ito naman ang natahimik sa sinabi ko.

"paano naman ang opinyon ko?ang mararamdaman ko? Wala ba akong karapatan na maging masaya? May chance na ako dad.. All my life alam mong siya lang ang mahal ko.."naiiyak na anas ko.

"mahal? Thats absurd!"he mocked.

Na lalong nagpasakit sa puso ko.

"I get it now.."napalingon ito sa sinabi ko.

"if you, my own father doubted my love for him paano pa siya? Let me be happy dad and I promise you kapag nasaktan ako ay kagustuhan ko ito kaya susundin ko ang gusto mo once na masaktan uli ako.."gumagaralgal ang boses na wika ko bago ako umalis at tumakbo papunta sa silid ko.

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon