LEO'S POV
Nanunungkit kami ni Art ng mangga sa kalapit bahay ng makita namin ang batang nakasilip sa bintana. Mukha itong manika at ang cute ng namumulang pisngi.
"bilisan mo Leo!" sigaw ni Art kaya napilitan akong tanggalin ang mga mata ko dito.
Nang pauwi na kami ay tinanong ko ito.
"kilala mo ba yung bata na nakatira dun sa ninanakawan natin ng mangga?"kumunot ang noo nito sa tanong ko.
"yung mataba pisngi?"natatawang anas nito.
"oo siya nga.."sagot ko.
"Anjenette daw pangalan nun sabi ng mga kalaro ko, kaso daw mahigpit daw papa nun kaya hindi nakakalabas para maglaro."nanghinayang ako sa nalaman.
"ganoon ba.."bulong ko.
"crush mo?"asar nito sa akin.
"hindi ah! Nakita ko lang kasi kanina na nakatingin siya ng kumukuha ako ng mangga.."paliwanag ko.
Ngumisi naman sa akin si Art at tinabig pa ako kunwari.
"baka crush ka.."
Yun ang una at huling beses na nakita ko si Anjenette. Kaya laking gulat ko ng ipakilala ako sa kanya ni mommy.
"huwag mong aawayin yan ah.."bilin pa ni mom sa akin.
Nakatingin lang ito sa akin na para bang kinikilala ako pero ako nakadama agad ng pagkailang kaya pinili kong sungitan ito.
"huwag ka nga sumunod!"masungit na sabi ko.
Naging ganoon ang senaryo hanggang sa tumungtong kami sa Highschool. Lahat yata ng babaeng nagkakagusto sa akin ay inaaway nito.
"crush ka talaga!" biro ni Art isang araw.
"kapatid lang ang turing ko dun.."wika ko.
"talaga ba? Edi pwede kong ireto kila David.."sabat ni Rick.
"sinong David?" kunot noong tanong ko.
"yung baseball player, crush si Ange eh.."sagot nito.
"bata pa yun, tsaka na kapag dalaga na.."inis na bulalas ko.
"baka ang ibig mong sabihin talaga ay huwag na hindi tsaka na hahaha!" si Jace na nakisali na rin sa pang aasar sa akin.
Hindi ko alam kung bakit iniisip nila na may gusto ako kay Ange, pinoprotektahan ko lang naman 'to dahil madaling mauto.
Sa kakaasar nila sa akin ay hindi ko namalayan na nagiging totoo na pala ang biro na yun sa akin ng team.
Yun nga lang ay huli na para masabi ko kay Anjenette ang lahat.
"gusto ko siya, kaya sana talagang wala kang gusto sa kanya.."hindi ko makakalimutan ang seryosong mukha ni Ricky habang sinasabi yun sa akin.
I gave way.
Hanggang sa nakilala ko si Shiela, but my feelings for her remains.
Kaya tuwing may gusto akong sabihin dito ay dinadaan ko sa sulat sa diary ko.
Hi baby,
Kanina gusto sana kitang ihatid pero nahiya ako, baka kasi isipin nila may nobya na ako ay pinapaasa parin kita..
Hi baby,
Miss na miss na kita, gusto na kita makita at makasabay uli kumain, sana tulad nalang uli tayo ng dati yung tayong dalawa lang.
BINABASA MO ANG
WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)
HumorThere he is, the guy that I know for myself will forever leave a mark in my heart. Leonard Ramirez, one of the famous students in our class.While me, was just part of his past. A fucking dark past! "Anjenette!" I face the four guys with their unifor...