"Hindi ko din alam nakita ko nalang siya na namumutla at umiiyak, ni hindi nga siya makapagsalita nang tinatanong ko siya.."I heard Tom's voice.
"ano nanaman to?"halata ang inis sa boses ng kausap nito.
"Calm down, baka magising siya at maabutan tayong nagtatalo dito.."sigurado akong si Art yun.
Siya lang naman ang laging kalmado sa mga ganitong sitwasyon.
"nakita ko din sa hallway sila Leo kanina nang buhatin ko si Ange, mukhang doon siya galing.."Tom added.
I moan para itigil na nila ang usapan at malamang nilang gising na ako.
"Ange.."ang seryosong mukha ni Dan at Tom ang sumalubong sa akin.
"kamusta ang pakiramdam mo?"si Ricky na hinawakan ang isang kamay ko.
I smiled.
"ano bang nangyari?"tanong ko habang inaalalayan nila akong bumangon.
"hindi rin namin alam nagtitili nalang tong si Tom habang buhat ka eh.."tinignan naman ng masama ni Tom si Ricky dahil sa sinabi nito.
"ginulat mo ako, ano bang nangyari?"ngumiti lang ako sa kanila.
"sila ba?"si Dan.
"wala yun, may nakita lang akong hindi maganda sa paningin.."napabuntong hininga sila sa sinabi ko.
I cant say it, ayokong ako ang maging dahilan para masira ang team.
Tama na ang ginawang pagyanig ni Misty sa team sa pamamagitan ni Dan at Jace.Ayoko nang may sumunod pa uling away na maaring makasira sa pagkakaibigan namin.
"you have to get used to it.."wika ni Art nang lumapit sa amin.
Napatingin kami sa nurse ng school nang pumasok ito.
"we called your dad and--"
"I know.. I have to go home right?"putol ko sa sana ay sasabihin ng nurse.
"yes.."she nodded.
Nagtataka naman na nagkatinginan sila Tom at Dan, ngumiti nalang ako para ipaalam na ayos lang ako.
" I can drive.."sabi ko nang ihatid nila ako sa parking.
"sure ka?" Ricky asked.
Tumango ako dito at ngumiti bago ako sumakay sa kotse ko at patakbuhin yun. Kumaway pa sila sa akin hanggang sa mawala ako sa paningin nila.
Nabura ang ngiti ko nang masiguradong hindi na nila ako nakikita. Malungkot na napabuntong hininga ako bago ko tinawagan si dad.
"go home.."yun agad ang bungad niya pagsagot ng tawag ko.
"yah.."mahinang usal ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nagulat ako ng makita si dad doon. Himala at wala siya sa office.
"nakita ba nila?"he asked.
"si Tom lang pero mukhang wala naman siyang idea."napatango ito sa akin.
"rest then.."he said at tinawag si yaya Imelda.
Inalalayan ako ni yaya hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko sa itaas.
"sumumpong nanaman ba?"nag aalalang tanong nito.
"hindi naman malala yaya.."sagot ko dito.
Nagulat ako ng makita ang luha sa mata nito.
"yaya.."niyakap ko to.
"pasensya ka na iha, ayoko lang makita uli yun.. Natatakot ako na baka hindi ka na makarecover sa susunod, kung kaya at tutol ako dito sa ginagawa ng ama mo.."umiiyak na sambit nito.
"I know nag aalala ka para sa akin yaya kaya salamat po, pero may kasalanan din ako noon so I guess tama lang na gawin to ni dad coz it will heal me too.."pagpapakalma ko dito.
"mapapagaling ka ba nun eh ito nga at inatake ka nanaman--"
"yaya I'm fine.."ngumiti ako dito at hindi na rin ito nakapagsalita pa.
"sa tingin ko ay dapat malaman ni Leo ang nangyayari sa iyo."umiling ako dito.
"magagalit lang siya lalo sa akin yaya at baka hindi niya ako paniwalaan kaya huwag na, isa pa nandun naman sila Dan at Ricky, ang buong team ay nakaalalay sa akin."mahinang anas ko.
"pero iba parin na malaman nila na nagkasakit ka at--"
"ayoko yaya, ayokong kaawaan nila.."malungkot na tanggi ko.
Wala na itong nagawa pa sa desisyon ko. I will keep this a secret until I die.
BINABASA MO ANG
WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)
HumorThere he is, the guy that I know for myself will forever leave a mark in my heart. Leonard Ramirez, one of the famous students in our class.While me, was just part of his past. A fucking dark past! "Anjenette!" I face the four guys with their unifor...