19

75 3 1
                                    

DAN'S POV

"pababa na po si sir.."tumango ako sa katulong at nagpasalamat.

"anong kailangan mo?"tanong nito sa akin at seryosong naupo sa sofa.

I sighed.

"may gusto lang akong itanong sa iyo.."nakapamulsang hinarap ko ito.

"ano?"he impatiently asked.

"anong ginawa mo sa Japan? Nalaman ko na doon pala nagpunta si Ange, pinuntahan mo ba siya doon?"tanong ko dito.

He smirked.

"for the record, hindi. Alam mong may bahay kami sa Japan and I was thinking to build a business there kaya nagpunta ako sa mga bar doon.."asik nito.

"hindi ba kayo nagkita doon?"sinusuri ko ito at napuna ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito bago napalitan ng panunuya.

"kung inaalam mo kung nagkita kami, hindi rin. Hindi ko sasayangin ang oras ko para lang makita ang babaeng nanira sa amin ni Shiela.."walang ganang sagot nito.

"mahal mo ba siya?"hindi ito umimik.

"alam natin pareho kung sino ang mahal mo noon pa.."sabi ko.

"tama ka, noon yun hindi ngayon.."sagot nito at tumayo na.

"kung pumunta ka dito para itanong sa akin ang mga yan, umuwi ka nalang Dan."he said while raising his brows.

"what made you change?"mapakla itong natawa sa tanong ko.

"is it about me now?"he mocked.

Napakuyom ako ng kamao nang makita ang nakangisi nitong mukha.

"you dont know how Ange suffered because she loves you.."may diing wika ko.

Pero wala lang itong pakialam at nagkibit nang balikat.

"siguro matatauhan ka lang kapag nawala na siya.."sa sinabi ko ay nakita ko ang pagseryoso ng mukha nito.

"kung wala ka nang sasabihin umalis ka na.."namumulang wika nito sa akin.

Hindi na ako nakipagsukatan ng titig dito at kusa na akong umalis.

Habang nasa daan ako at nagmamaneho ay iniisip ko ang mga nangyari.

Nandoon parin ang dating Leo, I saw it the moment I told him na mawawala si Ange. Pero bakit ganito siya? Mas nangingibabaw ba ang galit nito sa ginawa ni Ange?

I sighed.

Pumarada ako sa isang bar at pumasok. Usok at amoy ng alak ang sumalubong sa akin.

"where is that jerk?"bulong ko sa sarili ko at nilibot ang paningin ko.

Isa pa to.

Nilapitan ko na ang lupaypay na si Rick sa bar stool.

"ano nanamang drama mo sa buhay at dinaig mo pa ako kung mag inom?"buntong hiningang naupo ako sa tabi nito.

Nilingon ako nito at tumawa nang pagak.

"tinawagan kita dahil maiintindihan mo ako coz we have the same situation.."balewalang sagot nito.

"can you drive?"nag aalalang baling ko dito.

"no.."sagot nito at ngumisi sa akin.

"fine, I will drive you home.."sabi ko nalang.

Nilingon nito ang iniinom at inalog alog.

"anong gagawin mo kung bumalik si Misty?"he asked all of a sudden.

Napabaling ako dito.

"tss, I dont know."sagot ko habang umiiling.

"anong gagawin mo kung mahal niya parin si Jace pagbalik niya?"napaigting ako sa narinig.

"its up to Jace kung saan siya masaya.."natawa ito sa sinagot ko.

"funny isn't it? Sinasabi natin na doon tayo kung saan masaya ang babaeng mahal natin but we both end up saying na as long as masaya ang tropa.."napatango ako sa sinabi nito.

"alam mo ba kung bakit umalis si Jace?"he asked.

"to study.."sagot ko pero umiling ito sa akin kaya napakunot ang noo ko.

"to get away from his lola's adopted.."he smirked.

"yung Dee?"tumango ito sa akin bago muling nagsalita.

"he fell hard to that girl pero mukhang hindi pwede, but I'm not sure about his reasons I just know it coz I feel it everytime na sasabihan niya tayong huwag ang ampon ng lola niya.."he mocked at me.

Natahimik ako.

"you know what I mean right?"umiling ako sa tanong nito.

"na hindi gusto ni Jace ang pagsunod ni Misty doon, it was Misty's decision.."hindi ako kumibo sa sinabi nito.

"at hindi rin kasalanan ni Leo na siya ang mahal ni Ange.."doon ako napalingon dito.

"kilala mo ang tropa Dan, matagal na tayong magkakakilala, we both know that Leo will never hurt Ange.."he said.

"but he did.."sagot ko.

He looked at me then shook his head.

"the right word is he intentionally did.."he sadly said.

"what do you mean intentionally?"kunot na ang noo ko nang bumaling ito sa akin.

"hindi ko alam ang dahilan pero kilala ko si Leo, we misunderstood him sometimes but he'll still let it pass, hindi siya nagagalit because he saw it coming, kaya kung ano man ang mangyari we need to support him.."napailing ako dito.

"support him on hurting Ange? Baliw ka ba?"I hissed.

"sa tingin mo sa ating dalawa ikaw lang ang nakakaramdam ng ganyan?"natahimik ako.

"I have loved her and I gave her up for him kaya dapat mas magalit ako dahil sinasaktan niya si Ange but I noticed he's protecting her.."he calmly said.

"from what?"I asked at naalala ko ang nangyari sa c.r.

I closed my fist.

"yun ang aalamin natin."Rick said na sinang ayunan ko naman.

We will protect this team, this friendship and this love.

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon