"o ano, edi natahimik ka ngayon.."ingos ni Dan habang nagmamaneho.
Binigyan ko naman ito ng matalim na tingin. Hindi man lang ako inabisuhan na kasama pala namin si Leo.
"sasamahan mo rin ako sa check up?"kabadong baling ko dito.
"yes.."matutuwa na sana ako kaso nang maalala ko na sikreto dapat ito ay napabaling ako kay Dan at pilit na sinisignalan ito.
"alam na niya.."sagot nito.
"sinabi mo?"naningkit ang mata ko nang tignan ito.
"hindi, pero nagulat ako dahil alam na niya.."kibit na sabi ni Dan.
"paano mo nalaman?"baling ko kay Leo.
"your dad told my mom and mom told me, so.."napatango nalang ako.
"sorry.."napatingin ako dito nang marinig yun mula sa kanya.
"bakit ka nagsosorry sa akin? Hindi naman ikaw ang--"
"wala akong nagawa.."naputol ang sinasabi ko ng sabihin nito yun.
Napansin ko rin ang pagsulyap ni Dan dito mula sa salamin.
Leo smiled at me pero alam ko na may kakambal iyong bigat at parang pagod na ito sa dinadala.
"may problema ba?"Dan asked Leo while driving.
"nothing I can handle.."nang sabihin yun ni Leo ay nahalata ko ang paghigpit ng kapit ni Dan sa manibela at halata ang galit nito.
Teka anong nangyayari?
Nang makarating kami sa ospital ay nag aalinlangan pa akong iwan silang dalawa sa waiting area.
"go..okay lang kami dito.."taboy ni Dan, napatingin naman ako kay Leo he nodded and smile.
Wala na akong nagawa pa at pumasok na sa loob para kumonsulta sa appoint doctor ko.
Halos 30 minutes din akong nawala kaya nagmamadali akong lumabas para makita sila. Natigil ako sa pagtakbo ng makita silang seryosong nag uusap.
"okay lang ba kayo?"pareho silang nag angat ng tingin sa akin.
They both smiled. Hay buti naman at hindi sila nag away.
"Leo ihatid mo na siya at nagpapasundo si mom sa akin.."tumango naman si Leo dito.
Nang tignan ako ni Dan ay ngumisi ito bago bumulong sa akin.
"o ayan, solo mo na, kasama mo na kaya huwag mo nang isipin ah.."nanunuksong lumayo ito sa akin kaya namula ako.
Siraulo!
Nauna na itonf lumabas ng ospital. Nang dalawa nalang kami ni Leo ay nahihiyang nilingon ko ito.
"sabay tayong nagbreakfast so I guess sabay din dapat tayong magdinner?"napakurap ako sa sinabi nito.
"game ka ba?"nag aalalang tanong nito sa akin.
"y-yes.."anas ko.
Hinila ako nito papuntang parking at habang naglalakad kami ay hawak nito ang kamay ko.
Napangiti ako dahil sa kilig.
This time ay pinagbuksan ako nito ng pintuan ng kotse bago ito umikot sa driver seat.
"saan tayo pupunta?"tanong ko.
"you'll see.."ngising sagot nito na mas nagpakabog ng dibdib ko.
How I miss him.
My jaw dropped nang makaakyat kami sa isang roofdeck, madilim na dahil inabot na kami ng gabi sa daan. Nilibot ko ang paningin ko sa mga lantern na nakasabit at sa lamesang nasa gitna.
"did you prepare all of this?"manghang baling ko dito.
Nakapamulsa lamang ito habang nakatingin sa reaksyon ko. He shrugged his shoulder bago ako inalalayang maupo sa upuan kung saan ay nakahanda na ang dinner namin.
"this is too much, pwede namang sa fastfood nalang tayo.."sabi ko habang tinitignan ang mga nakahandang pagkain sa harapan ko.
"there is no too much when it comes to you.."napaangat ang tingin ko dito dahil sa sinabi nito.
"I mean sa tagal nating hindi nagkausap at nagkasama kulang pa ito.."he licked his lower lip habang sinasabi yun.
I nod.
"thank you for your efforts kahit na ako ang may nagawang mali--"
"lets forget what happened, you should bury the past.."ngumiti ako dito nang sabihin nito yun.
Masaya ako kahit na pasulyap sulyap ako at hindi makakain ng maayos dahil sa pagkailang. Napakapeaceful sa pakiramdam.
"thank you.."anas ko nang maihatid na ako nito pauwi.
"goodnight.."he wave bago ako tinalikuran.
I'm all smile nang pumasok ako sa loob ng bahay.
"thats new.."nabura ang ngiti ko ng makita ko ang seryosong mukha ni dad habang nakatanaw sa likuran ko kung saan ako galing.
"dad.."bulong ko, kinakabahan na napalunok ako.
"you never learn.."he uttered.
"its not him dad.."nanlalamig na paliwanag ko.
"pero dahil sa kanya kaya nangyari yun sa iyo! Hindi ka nanaman ba makikinig sa akin?!"makikita ang galit sa mukha ni dad habang matamang nakatingin sa akin.
I bit my lower to stop my tears from falling.
"stop that bago ka pa masaktan uli."he said before he turned away.
BINABASA MO ANG
WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)
ComédieThere he is, the guy that I know for myself will forever leave a mark in my heart. Leonard Ramirez, one of the famous students in our class.While me, was just part of his past. A fucking dark past! "Anjenette!" I face the four guys with their unifor...