47

61 3 0
                                    

"tell me why?! Why now? Bakit hindi niyo sinabi sa akin noon nang magaling na siya?! Bakit ngayon lang?!"puno ng hinanakit na sigaw ko dito.

Narito kami sa bundok malapit sa malaking puno kung saan ko tinali si Scarlet. Sinundan ako dito ni Art at ngayon ay humihingi ng tawad.

"paano ko kayo mapapatawad?! Alam niyo ba kung gaano kasakit sa akin ito?! Na malamang buhay ang lalaking ilang taon kong inisip na wala na?!"I yelled.

Umiiling na lumuhod ito sa harapan ko.

"sorry, alam ko na walang magandang paliwanag ang pagsisinungaling namin.."napapikit ako sa sama ng loob at dami ng naiyak sa tinuran nito.

"bakit sinasabi mo sa akin ito ngayon? Bakit hindi noon?" puno ng pait na tanong ko dito.

Nag iwas ito ng tingin sa akin bago sumagot.

"nang gumaling siya, h-he can't seem to remember you.."napasinghap ako sa sinabi nito.

"aaaahh!" sigaw ko, napaupo na ako at humagulgol nalang.

"pero ngayon, may mga tanong siya na may napapanaginipan siyang babae at hindi man sabihin ni Leo sa amin alam ko na ikaw yun, h-he's crying habang kinukwento yun sa amin.."yumuko ito sa inanas.

"you're not here for my forgiveness, you are not here because your conscience hit you hard for lying to me.."napaangat ang tingin nito sa akin dahil sa sinabi ko.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at dismayadong napailing dito.

"nandito ka hindi din dahil nag aalala ka kay Dee, kundi dahil sa mga kaibigan mo, kay Jace at kay Leo, but I'm sorry to say this, I can't help you.."galit na wika ko.

"please Ange--"

"you don't love Dee, imposible yun dahil si Saira ang mahal mo! You will never do this selfish stunt! Kilala kita, nagparaya ka nga noon kay Saira hindi ba?! Hindi mo siya hinanap dahil ayaw niya na sa iyo! You did that because you love her!you let her go! Kaya alam ko na narito ka lang at dinala mo si Dee dito para hindi magawang maipakulong ni Dee si Jace sa Pilipinas! At p-para bumalik ako para kay L-Leo.."nakita ko ang guilt sa mukha nito.

Nagpapatunay na tama ako, tama ang sapantaha ko.

"noon, bilib ako sa pagkakaibigan niyo, dahil solid, but now? I hate your friendships because it ruined us."asik ko at sumakay na kay Scarlet.

"bukas din ay umalis na kayo, ayokong makita pa ang pagmumukha mo o ng kahit na sino sa team.."galit na wika ko bago pinatakbo ang kabayo palayo sa lugar.

Sa kubo ako sa kamalig nagpalipas ng gabi. Kinabukasan ay umuwi lang ako ng makita na paalis na ang chopper.

Kumain lang ako at naligo bago naisipang umalis.

"hindi mo dapat ginawa yun.."ang matigas at malamig na boses nito ang nagpalingon sa akin dito.

"inaalagaan ka ba ni Trish?" pag iiba ko ng usapan.

She smirked at me.

"sa tingin mo ay marunong mag alaga ang bitch kong kaibigan? Puro drama sa buhay ang alam nun! Ayun nasa Pilipinas at nag i-stalk parin kay Rick!"nabura ang ngiti ko sa pagbanggit ng pangalan ng isa sa team.

I heard her sigh.

"you think alam din nila na buhay si Leo?" she asked.

"oo, huwag mong maliitin ang pagkakaibigan ng mga yun.."ingos ko.

"I know very well Anjenette, remember I am a victim too.."tinignan ko ito sa sinabi nito.

"kamusta na ang pakiramdam mo dito sa ospital Saira?" hindi ito sumagot at ngumiti lang.

"the day he gave his heart to me mas iningatan ko pa ang sarili ko.."ang lungkot sa boses nito ang siyang nagpaiwas sa akin ng tingin dito.

Ayokong makita nito ang awa sa mga mata ko.

"he was a nice man.."wika ko na sinang ayunan naman nito.

"so kailan ang labas mo dito sa ospital?"pag iiba ko ng topic.

"next week pa, iuuwi ako nila bitch.."napatango ako dito.

"about my twin.."napalingon ako sa tinuran nito.

I sighed.

"hindi ko alam pero mukhang may pinagdadaanan din ang kambal mo.."natahimik ito sa sinabi ko.

"you think, kailangan ko ng magpakilala sa kanya?"umiling ako dito.

"I know Jace, I know how he loves your twin Sai.. He won't hurt her.."anas ko.

"pero ang sabi mo ay si Arthur ang kasama nito--"

"kilala ko ang kambal mo, magkasalungat man kayo ng ugali pero pareho kayo ng taste.."kumunot ang noo nito sa akin.

"what do you mean?" she asked habang salubong ang kilay kaya natawa ako.

"you both like men with unusual characteristics."asar ko na inilingan lang nito bago nagsalita uli.

"baliw.."natatawang saad din nito sa akin.

Ilang taon na akong naninirahan dito nang hindi sinasadyang nagkita kami ni Sai, ako para sa check up at siya dahil sa sakit niya.

Inilihim ko ang mga ito sa team dahil yun ang pakiusap ni Saira. Si Saira na minsan ding nagmahal ng isa sa team, kay Art.

Saira Celestine.

The famous model.

Kung tawagin ito noon nung highschool ay Ice Queen o kaya ay Coldhearted Queen, Goddess beauty nga daw ito tulad din ng kakambal nito, though ibang mukha ay parehong maamo at mala anghel. Nito ko lang din nalaman na hinahanap nito ang kambal at dahil may sakit ay nag alok ako ng tulong, I have money and power, mayaman din naman ito ngunit walang maaasahan sa Pilipinas unlike me I have dad. Nagulat ako ng malaman kung sino ang nawawala nitong kakambal, small world ika nga. Unfortunately she fell for someone like Art.

Ako, si Saira, si Dee at ang kaibigan nito na kapatid ni Rick na si Sophia ay biktima lang ng team.

Nahulog kami sa patibong ng pag ibig.

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon