3

85 4 1
                                    

"Dee.."tawag ko sa pinakamagandang babaeng nakilala ko.

She looked shocked ng makita ako.

"kailan ka pa bumalik?"she asked.

"ahm..kahapon lang.."sagot ko.

"may kailangan ka ba si Pia ba?"sa tuwing lalapitan ko kasi siya ay si Pia ang hinahanap ko dahil alam kong kapatid ito ni Ricky pero secret lang ang bagay na yun.

"ano..hindi.."nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko.

"how may I help you then?"she asked.

"totoo bang umalis na si Jace?"napasimangot ito pagkabanggit ko ng pangalan ni Jace.

She really hate my friend.

"ayun..umalis sa States nag aral ayos na rin yun para matahimik sa bahay.."mahabang usal nito kaya lihim akong napangiti.

Natatandaan ko pa noon.Kabilin bilinan ni Jace na huwag lalapitan si Dee lalo na kung pagtitripan o liligawan ito dahil off limits daw ang babae.

Nagduda ako noon na baka may something silang dalawa o kaya si Jace sa kanya pero ngayong umalis si Jace at kasama ang girlfriend ni Dan na si Misty ay naguluhan ako.Mukhang marami akong hindi nasubaybayang pangyayari.

"yun lang ba ang itatanong mo?"tanong nito bago nagbuklat ng notes at mukhang magrereview.

The ever beauty and brain.

"oo yun lang wala na..salamat.."tumango lang ito bago nagconcentrate na sa pagbabasa.

"aaaaah!ang gwapo talaga nila!"napalingon ako sa nagtitiliang mga students at ganun na lamang ang pag irap ko ng makita ko sila Ricky minus Dan and Leo.

"tara lunch?"he asked.

"sus!libre mo?"I grinned at him.

"as always.."parang wala na siyang magagawa sa sinabi niya kaya natawa na ako.

"you look happy.."si Art.

"I am!"masiglang sagot ko.

All smile ako ng makapunta na kami sa canteen.Ang maingay na mga students ay biglang tumahimik nang makapasok kami.

Natigilan ako sa paghakbang ng makita ko si Leo kasama si Shiela sa table ng team.

"okay lang ba?"Ricky asked alam kong opinion ko ang tinatanong niya.

"sa akin ayos lang eh sa kanila ba?"balik tanong ko.

"wala na silang choice hindi lang sa kanila umiikot ang mundo.."si Tom ang nagsalita at hinatak na ako palapit sa dalawa.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Shiela pero wala namang reaksyon ang makikita kay Leo at patuloy lang ito sa pagkain.

"she's a friend hope you don't mind.."Ricky said bago pa magreact sila Shiela.

"o-of course.."si Shiela na matamang nakatingin sa akin.

"ako na oorder ng food ano gusto mo Ange?"inakbayan ako ni Ricky kaya napalingon ako sa kanya.

"the usual.."kibit na sagot ko.

"what usual?"he asked habang nakangisi alam kong nang aasar lang ito.

"ham sandwich with yakult.."napalingon kami pareho kay Leo nang sabihin nito ang lagi kong order.

"aba! talas ng memory!"asar ni Ricky pero tahimik lang kaming lahat kaya naging awkward tuloy.

"ehem!tara na Rick!"si Tom at hinatak na ito para pumila.

"she's pretty right?"Art said while looking at Shiela.

"ha?"ako naman ay parang naging slow bigla dahil tahimik lang ako sa upuan.

"she's staring at you.."Art said kaya napaangat ang tingin ko at tinignan si Shiela.

Alam na alam ko na ang binigay na ngiti nito sa akin ay pilit.I arc my brows dahil sa nakita kong simpleng irap nito sa akin.

"babe can we go now?"Shiela hold Leo's hand at hindi ko maiwasang mapatingin doon.

"I'm not yet done babe.."I bit my lower lip.

I swallow hard to ease the pain sa lambingan nilang dalawa may pa punas punas pa ng gilid ng labi si Shiela kay Leo at itong si Leo ay ngingiti naman dito ng pagkatamis tamis.

He never smile like that when he's with me.

Never.

Because he never like me.

I secretly smiled bitterly on that thought.

"Ange!"nag angat ako ng tingin at nakita ko si Ricky na nag heart sign sa akin gamit ang kamay nito.

Napangiti ako sa ginawa nito.

"tang ina pare!so gay!"si Tom na natatawa sa tabi nito habang nakapila sa bilihan ng food.

"hey.."nilingon ko naman sila Shiela ng marinig ko ang boses nito.

"what is it?"Shiela asked Leo.

"nothing.."si Leo at pinagpatuloy na ang pagkain.

"Anjenette.."si Art naman ngayon ang nilingon ko at nakita ko sa gilid ng mata ko na pati sila Leo ay napatingin rin dito.

Sila ba si Anjenette?tss.

"oh?"baling ko rito.

"are you single?"

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon