9

71 4 2
                                    

Pauwi na ako at mag isang naglalakad palabas ng campus dahil wala nanaman akong sasakyan remember sinundo ako ng mga mokong tapos ay hindi naman pala ako maihahatid pauwi dahil sa may practice sila ng basketball.

"Ange!" napalingon ako sa likod ko kung saan ay may tumawag sa akin, hula ko ay isa ito sa team dahil sila lang naman ang tumatawag nang ganoon sa akin.

Nalingunan ko si Ricky na hinihingal pa.

"bakit?" nagtatakang tanong ko dito.

"can we talk?" he asked while panting.

"oo naman, nag uusap na nga tayo diba.." pamimilosopo ko kaya natawa ito.

"come with me.." habang hila ako nito paupo sa gazebo ng school ay naalala ko ang sinabi ni Dan.

Tama siya at ngayon ay ito nga si Ricky at kakausapin ako. Nang makarating kami sa gazebo ay agad ako nitong hinarap.

"you know what I felt for you right?" nagtataka man ay tumango ako dito.

"but it was all in the past, mula nang sabihin mong si Leo ang gusto mo ay tinanggap ko yun nang maluwag sa dibdib ko, alam kong hindi ako ang makakapagpasaya sa iyo.." nahihiyang wika nito.

"Rick,.." nag aalalang hinawakan ko ang kamay nito.

"Ange gusto ko na maging masaya ka, pinagmamasdan kita lagi at nakikita kong nasasaktan ka kapag nasa paligid sila at abot tanaw mo lang, kaya hayaan mong pasayahin ka namin bilang kaibigan, habang hindi ka pa niya kayang mapasaya ako muna promise kapag naging masaya ka na uli didistansya ako tulad dati.. "hindi ko alam kung ano sa mga sinabi niya ang nagpaiyak sa akin, pero ngayon ay talagang humihikbi na ako.

" hey don't cry.. "natatawang awat nito sa akin pero himapas ko lang ito sa braso na ikinatawa nito.

" pauwi nalang ako pinaiyak mo pa ako.. "sambit ko habang sumisinghot.

" sino ba kasing may sabi na umiyak ka.. "natatawa man ay pinunasan nito ang basa kong pisngi.

"yan ganyan nga, ako lang dapat ang magpapaiyak sa iyo at sa ganitong dahilan ka lang dapat umiyak.." napanguso ako sa sinabi nito.

"ihahatid na kita.." alok nito.

"akala ko may practice kayo?" napakamot ulo ito sa tinanong ko.

"nag dahilan ako na masakit ang tyan kaya halika na bago pa ako makita ni captain dito.." napangiti ako sa inusal nito.

My ever caring Ricky.

Nagpaalam ako at nag pasalamat na rin nang makarating kami sa tapat ng gate namin.

"ingat!" nakangiting sabi ko dito.

"opo!sige na pasok ka na sa loob.." tumango ako dito at pumasok na sa loob pero tinanaw ko parin ito hanggang sa makaalis na ito at di ko na makita ang kotse nito.

"iha." nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko.

"yaya Imelda!kayo pala!" napahinga ako ng maluwag.

"pumasok ka na at mahamog na ikaw talagang bata ka.." salubong ang kilay na utos nito.

"opo ito na papasok na!" tumakbo ako papasok ng bahay bago pa tuluyang kagalitan ni yaya.

Kinabukasan ay ganoon uli ang eksena sinundo ako nila Dan pero this time minus Tom.

"nasaan ang isang itlog?"tanong ko agad nang makasakay ako.

"nauna na at may gagawin daw sa library.." napailing nalang ako sa sinabi ni Dan.

Nerd talaga ang isang yun kung di lang nagbabasketball ay mapagkakamalang freaking nerd o geek.

"nakausap ko na kayong dalawa si Tom nalang ang hindi.." napatango silang pareho sa sinabi ko.

Nang makarating kami sa school ay nagulat ako nang makitang hawak ni Leo ang kwelyo ni Art.

"anong nangyayari dito?" nasa parking palang at halatang kakarating lang ni Art dahil basa pa ang buhok nito.

"kung ginagawa mo yan para masira kami pwes mag isip ka uli!" napatakbo ako nang itulak ni Leo si Art na blangko ang ekspresyon.

"pre ano ba yan ang aga aga!" si Ricky na umaawat.

"sabihan mo tong isang to!akala mo alam mo lahat?!akala niyo hindi ko kayo napapansin na mula ng bumalik yang babaeng yan pinagtutulungan niyo na si Shiela!" napaatras ako ng ituro ako nito nang may galit.

Babaeng yan?

Napangiti ako ng mapait.

"ano ba kasing nangyayari? at pwede ba Leo huminahon ka.." awat ko narin sa kanila.

Nanlilisik naman ang mga matang tumingin sa akin ito, napansin siguro yun nila Dan dahil tinakpan ako ni Dan at itinago sa likuran nito.

"sige ipagtanggol niyo yan!sinira na niya kami noon ni Shiela pati ba kayo makikisali pa?" naguguluhan ako sa inaasal nito kaya sa inis ko ay hinawi ko si Dan at hinarap ito.

"ano bang pinagsasabi mo dyan?!" angil ko.

"pinagsasabi ko? maayos na kami pero nagulo nanaman ng bumalik ka!kahit kailan talaga gulo lang ang dala mo!" hindi na ako nakapagpigil at nasampal ko na ito na ikinagulat nilang lahat.

"kung ano man yang kinakagalit mo dahil lang sa nandito ako uli sorry dahil ako pala ang ayaw mong makita, pero ang gawin at umasal ng ganyan sa mga kaibigan mo dahil lang sa babae ay mali, bago ka magalit alamin mo ang totoo, diba dapat natuto kana dahil sa ginawa ko sa inyo?"napailing to sa sinabi ko.

" sa tingin mo bakit ako nagkakaganito?"tanong nito.

" hindi ko nga alam kaya nga sabihin mo!"sigaw ko.

" dahil sa iyo!kung hindi mo kami siniraan noon edi sana hindi ko pagdududahan kahit sino man sa kanila!ikaw ang nagsimulang sumira sa team!"napaatras ako sa sinabi nito.

" tama na yan.. Dan kunin mo na si Ange at umalis na kayo.. "sinunod ni Dan ang utos ni Art.

Dahil sa nanlalambot ako ay nagawa akong hatakin ni Dan palayo.

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon