40

51 1 0
                                    

Sa malalaking hakbang ay tinungo ko ang office ni dad. Ni hindi na ako nagtangkang kumatok dahil sabi ng secretary nito na wala itong kausap o meetings.

"bakit nandito ka?" takang lumapit ito sa akin.

"its you right?" nagtaka naman ito sa akin at parang hindi naiintndihan ang sinasabi ko.

"dad ikaw ba ang nagpakulong kay Leo?"huminga ito ng malalim bago tumango.

"w-why?"naiiyak na tanong ko.

" you know exactly why.."hindi ako nakapagsalita agad.

"that fire was the last straw!" he yelled.

"paanong--"

"yaya Imelda heard you talking to your friends, at maging siya ay natakot sa nalaman kaya agad na sinabi sa akin!" napasinghap ako sa narinig.

No.

Tumakbo ako paalis doon naririnig ko pa ang pagtawag ni dad sa akin pero hindi ko na yun pinansin pa. Kinakabahan man ay nagdrive ako papunta sa bahay nila Leo. Ilang pindot din sa doorbell ang nagawa ko bago ito bumukas.

Galit na mga mata ang bumungad sa akin sa pagbukas ng gate.

"sinisigurado mo ba kung nakuha ng pulisya ang anak ko?" ang galit at hinanakit nito sa akin ay mababakas sa boses nito.

"tita--"

"ang kapal mo din para pumunta pa dito!"napaatras ako ng itulak ako nito.

"at ano? Pinagtangkaan ng anak ko ang buhay mo? Sa totoo lang ikaw dapat ang ipakulong ko dahil sa ginawa mong panloloko sa amin na may nangyari sa inyo kahit wala naman pala! Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako!" histerikal na sigaw nito.

"I'm sorry--"

"your sorry doesn't make everything alright! Get your filthy face out of my sight!" napapikit ako ng malakas na sinara nito ang gate sa harap ko.

Napaiyak nalang ako at walang magawa. Bakit parang kasalanan ko? Samantalang nakita ko si Leo at pinalo pa ako nito ng kung ano sa ulo. Bakit hindi man lang ako pinagpaliwanag?

Tinahan ko ang sarili at buo ang loob na pumunta ako sa bahay ni Art. Mag isa lang ito sa condo nito dahil nasa isang mansion sa Laguna ang magulang nito at minsan ay nasa ibang bansa.

"don't tell me may warrant of arrest ka na din na dala para sa akin?"hindi ko pinansin ang sinabi nito ng buksan nito ang pinto.

Basta akong pumasok para makapag usap kami ng mapahinto ako. Nandoon silang lahat minus Leo.

"J-Jace.."para akong nakakuha ng kakampi ng makita ko siyang ibinuka ang mga braso para sa isang yakap.

"Jace!" agad akong tumakbo at yumakap dito.

"hindi ko alam na pupunta yan dito.."si Dan na akmang aalis na pero pinigilan ni Art.

"isantabi niyo muna ang gulo niyo, kailangan natin mag isip kung paano mapapawalang bisa si Leo."si Art.

"bakit hindi siya ang tanungin natin?" napabaling silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Ricky.

Nakaramdam ako ng sakit.

Ang mga kaibigan ko noon pa man ay ngayon may pagdududa na sa akin.

"so tell us Ange paano mo naipakulong si Leo?" Dan asked.

"Dan.."may banta ang boses na yun ni Art kaya nagkibit nalang ito ng balikat.

"ano ba ang nangyari?"si Jace na ngayon ay hinarap na ako sa kanya.

"tell him, kailangan nilang malaman.."dahil sa sinabi ni Art ay nagawa ko ngang ikwento ang nangyari habang umiiyak.

"but I swear hindi ko siya sinumbong sa pulis.."dagdag ko pa.

"tayo lang ang nakakaalam nun, may iba ka pabang pinagsabihan bukod sa akin?" si Art.

"wala, but yaya heard us, siya ang nagsabi kay dad at alam niyo naman si dad.."napailing sila sa akin.

"don't you think tama si Leo?!"napabaling kami kay Dan.

"tamang ano? Na pagtangkaan si Ange dahil sinira sila noon ni Shiela?!"igting ang panga na wika ni Jace.

"bago siya kinuha ng pulis kasama ko siya, sinabi niyang bantayan namin si Ange.."may diing wika nito sa sinabi ni Jace.

"bantayan? Bakit? Babalikan niya ba ito?" si Ricky.

Umiling si Dan bago bumaling sa nananahimik na si Art.

"hindi namin kilala ang lalaking kumidnap sa iyo noon sa Japan pero nalaman namin na kasabwat nun si Shiela."napasinghap ako sa gulat sa nalaman.

"basta, nakakatanggap si Leo ng mga threats tuwing lalapit siya sa iyo."Art added.

"nakita niyo ba ang mga pananakot?" sabay na umiling ang dalawa.

"pwedeng gawa gawa niya lang yun kung ganun.."si Ricky.

Napansin ko naman na tahimik si Jace.

"bakit?" baling ko dito.

"paano ka nakasiguro na si Leo ang nakita mo?"tanong nito sa akin na siyang kumuha ng atensyon ng lahat.

"sa twin cap, kaming dalawa lang ang meron nun, personalise yun, I gave him that.."napatawa ng pagak si Jace.

" kung pagtatangkaan kita hindi ko yun isusuot sa mismong araw na gagawin ko ang plano dahil tiyak na makikilala mo ako.."saad nito.

"you mean.."si Art na agad nakuha ang sinasabi ni Jace.

"ano yun?" kami naman nila Ricky ay nakatanga lang sa kanila.

"fabricated ang evidence, sinadya ito."bumaling si Art sa amin ng sabihin yun.

"nasaan pala ang cap mo na katulad ng kay Leo?" si Dan.

Nanlaki ang mga mata ko ng may maalala.

"why?"tanong nila ng makita ang reaksyon ko.

"nang makidnap ako sa Japan, suot ko yun!" nagtinginan sila sa sinabi ko.

"you mean naiwala mo ang cap?" marahang tumango ako sa kanila.

Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang phone ni Art.

Kunot noo niya itong sinagot.

"tita Viv.."lahat kami ay nakatuon sa kanya kaya niloud speaker niya ang phone.

"may sumaksak sa anak ko!"sa kabilang linya ay natatarantang saad nito.

"shit!"

WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon