"can you stop acting like you are the victim?"napamaang ako sa sinabi nito.
Halata ang pagkairita nito sa nangyayari at nakikita. Matagal ko na siyang kilala at laging tinatanaw kaya alam ko kung kailan siya galit o masaya.
And right now I know he's pissed.
"I am not.."sagot ko.
"yes you are!"pilit nito.
"bumalik ka na dun at naiwan ang girlfriend mo.."sabi ko nalang.
"is that what you really want?"napatingin ako dito dahil sa sinabi nito.
"w-what?"naguguluhang tugon ko.
"wala!"kunot ang noo na tinalikuran naman ako nito.
Anong problema non?
“hey.."napalingon ako sa likod ko at nakita si Dan.
"kanina ka pa dyan?"kibit lang ang naging sagot nito sa akin.
"halika na nga!"hinatak ko ito papuntang room.
"hindi mo ba ako tatanungin?"I asked.
Kunot noo naman itong bumaling sa akin.
"anong itatanong ko?"nagtatakang tanong nito.
"kung anong sinabi ni Leo o kung may ginawa ba siya sa akin?"sabi ko.
"I know Leo wont hurt you physically, he can be stupid all the time for hurting your feelings but I bet my life he wont, rather he cant hurt you."nagulat ako sa sinabi nito.
"really? Kung ganun bakit hinaharangan niyo si Leo tuwing galit siya at lalapit sa akin?"nanunuyang tanong ko dito.
He looked at me and sighed.
"because sometimes words are more hurtful.."napatango ako sa sinabi nito, I agree.
"you should have cover my ears then.."I mocked.
Natawa naman ito sa sinabi ko at muling naglakad at hinatak na ako.
"I should have, but I didn't, dahil feeling ko ay kahit anong sabihin na masakit ng ugok na yun you will still listen to every word he says as long as he is the one who do the talking.."hindi na ako nakapagsalita pa.
Tama uli ito.
Kami palang ang naunang nakabalik sa classroom. He lend me his shoulder para maging temporary pillow ko.
"sweet.."napaangat ako ng ulo nang makita ang team na papasok.
"tss.."Dan as usual with his snob expression.
Naging maayos naman ang buong araw ko dahil laging nakaalalay si Dan sa akin, minsan naman ay si Ricky tulad ngayong pauwi na kami at naglalakad sa hallway ay ito ang may bitbit ng gamit ko na mas naging dahilan para ulanin kami ng tukso ng tropa.
"domadamoves na!"asar ni Tom sa amin.
Tumawa lang kami ni Ricky, samantalang si Art at Leo ay magkausap sa hulihan. Hindi ko sila magawang lingunin dahil baka sabihin pa na tsismosa ako kahit na oo hahaha!
Nagtaka lang ako dahil hindi kasama ngayon ni Leo si Shiela at mukhang seryoso na badtrip ito dahil kanina pa ito nakasimangot.
"Ricky may problema ba si Leo?"pabulong na tanong ko sa katabi.
"huwag mo nang isipin ang iba.."ginulo nito ang buhok ko na nagpasimangot sa akin.
Nang maihatid nila ako sa tapat ng sasakyan ko ay wala na akong nagawa pa kundi sumakay na, ayaw kasi akong sagutin ni Ricky sa tanong ko.
Kung si Dan naman ang tatanungin ko mas lalong hindi yun sasagot dahil inis yun kay Leo at ayaw nun na may inaalala pa ako.
"be careful.."paalala nila nang paalis na ako.
Tumango lang ako at kumaway sa kanila nang hindi sinasadyang nagtama ang paningin namin ni Leo. He looked bothered pero umiwas din ito ng tingin sa akin at muling kinausap si Art.
I sighed.
Nang makauwi na ako sa bahay ay naabutan ko si dad na seryoso sa pagtingin sa laptop nito.
"dad.."bati ko dito bago ako humalik sa pisngi nito.
"nag overseas call nga pala si Hatahori.."napabaling ako dito.
"bakit daw?"I asked.
"he wants to go here.."naparolled eyes naman ako.
"baka naman may sinabi kayo sa kanya kaya nasabi niya yun?"umiling ito at muling itinutok ang tingin sa laptop nito.
"nalaman niya ang nangyaring atake mo, he must be worried.."sagot nito.
"ang lalaki na yun talaga.."bulong ko.
"he must have care for you.."dad said.
Nagpaalam na ako na aakyat sa kwarto ko. Nang magbihis ako at humilata sa kama ay naisip ko ang nangyari kanina sa school.
There's something about Leo na hindi ko mawari. Parang ayaw niyang malaman ko yun, pati silang team ay walang sinasabi sa akin.
"what is it?"
BINABASA MO ANG
WHAT'S LEFT BEHIND(LEO STORY)
HumorThere he is, the guy that I know for myself will forever leave a mark in my heart. Leonard Ramirez, one of the famous students in our class.While me, was just part of his past. A fucking dark past! "Anjenette!" I face the four guys with their unifor...