Chapter 5
Life
Life made a young person of great wisdom. Maybe this is the reason behind naming me as Athena. Maybe this is really for me because life was really hard on me. It made me realize a lot of things at the early age. I gained a lot of wisdom through time because of my experiences in life. It gave me knowledge about how unfair life is but it could as well be beautiful if you choose to have it.
Life taught me how to mature, even if i am still young. To think more outside of the box. Because, life is so much more. Ang laki ng mundo, ang laki laki.
My experiences led me to be mature, to be independent and get used of being alone. Because not everyone will be there for you, not everyone will stay, not everyone will be true and you can't just count on someone because, maybe, somehow their mind will change and start to betray you.
Indeed, if you came from a broken family you'll be wiser, because you'll learn from it at papangaraping hindi mangyayari saiyo yun.
As time passes by, i don't think na nakakamove on talaga ako kay Gabriel. I miss him so much. Everytime na nagkakasalubong kami i always grab the chance to stare at him when his focus is up to something else.
Gusto ko siya ichat, gusto ko siya kausapin kahit saglit. Ngunit alam kong hindi na pwede, alam kong hindi na yun nararapat pa. At wala na iyong patutunguan pa.
"Gab! Ano ba!" hagikgik at suway ni Elaine sakanya.
Kung maganda nga naman talaga tsumempo ang tadhana, ano? Ayun pa talaga maabutan ko sa cafeteria ng school namin.
"Tumigil kana, Gab!" suway niya ngunit halatang maharot at gustong gusto naman.
Umirap na lamang ako. Masyadong PDA. Sakit sa mata.
"Okay fine, mag order ka na ng kakainin mo sasamahan nalang kita sa table. 'Di ako nagugutom." rinig kong saad ni Gabriel.
September na ngayon, at balibalita na na nagkabalikan na talaga si Elaine at Gabriel. Oh well, at least tama ako? Hindi ko na kailangan pang maging rebound. At least hindi ko na kailangan pang ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking kailanman hindi ko matatalo o kahit malagpasan man lang ang pwesto ni Elaine sa puso niya.
"Grabe yung Math! Wala akong maintindihan diyan sa slope. Kahit sa graph nalilito ako sa Fraction natin." sabi ni Sean sabay kamot sa ulo.
"Ay sobra! Di ka nagiisa. Tapos nakakaantok pa si Ma'am." pag sangayon ni Anthony.
"Lullaby yata boses ni Ma'am eh." biro ni Edison.
"Paturo naman, Athena. Alam naman naming favorite mo ang Math. Sharing is caring!" pagbibiro nila ngunit kita ko ang pag sangayon nilang lahat na itutor o turuan ko sila sa pagkuha ng slope.
Tutal lunch break naman namin at nasa canteen lang kami. Wala naman din akong balak kumain, di talaga ako nag lulunch. Bukod sa nagtitipid ako, nakaugalian ko ng hindi kumain sa ganitong oras.
"The equation of any straight line, called a linear equation, can be written as: y = mx + b, where m is the slope of the line and b is the y-intercept. The y-intercept of this line is the value of y at the point where the line crosses the y axis." paliwanag ko sa kanila. Ngunit hindi maalis ang mga mata ko sa direksyon nila Gabriel sa kabilang lamesa.
Hindi ko maipagkaila na gusto ko na umalis doon dahil ramdam ko ang punyal na humahampas sa aking puso. Mahapdi. Masakit. Parang ayaw ko na maramdaman ito ulit.
Inulit ulit ko pa pagkat hindi nila nakuha kaagad at dinrawing at nag try rin ako mag solve. Nang natapos na namin ay umalis na kami sa cafeteria ng mga kaibigan ko.
Ang hirap pala ng ganito. Nasa iisang
eskuwelahan kami ni Gab at ni Elaine. Masakit sa puso, ngunit anong magagawa ko? Masakit lamang ito pero masaya sila kaya bakit nila ako iintindihin? Kapag masaya ka, halos sarili mo nalang talaga naiisip mo.Pag nasa room kami ay sobrang masaya. Hindi ko na gaano naiisip ang breakup na natamo ko noong July. Masakit pa, ngunit natutunan ko nang ituon ang atensyon ko sa mga mas importanteng bagay.
"Juerlaine, mag cr lang ako ha? Pasabi kay sir kung dadating na siya. O gusto mo akong samahan?" paalam ko kay Juerlaine, ang bestfriend ko.
"Ah hindi sige, kaya mo na yan." tawa niya dahil naglalaro sila nila Maine, Anthony, Sean, Edison at Paul. Habang ang iba ko namang mga kaklase ay may sarisariling gustong gawin sa room.
"Ah, osge. Pakisabi nalang. Salamat." paalam ko at nag tungo na ako sa cr ng tahimik.
Ramdam ko ang tahimik ng hallway pero nakita ko ang mga grade 9 na nasa labas ng room nila. Papunta yata sila sa robotics room kung saan katapat ang room namin.
Kaclose ko ang mga highschool na babae noon, ngunit nawala lamang ng nalaman ko ang mga ugali nila. I don't want to mention names but why the hell would they think of betraying someone who caused them no wrong? Who treated them as an older sister? Bakit nila ko nagawang ibetray? Bakit?
Si John, ang kaklase niyang si Mile, na naging kaclose ko at tinaguriang ate atehan ko pa pagkat sakanya ako nagoopen noong nga panahong broken ako kay John at Mateo. Sakanya ako humihingi ng advices at magaan ang loob ko sakanya. Matalino siya, kaya nagpapaturo rin ako sakanya minsan ng mga schoolworks. Kaya tingin ko naging close talaga kami. Ngunit paano niya nagawa ibetray ako? I trusted her too much. But her words were all flowery and full of fabrication.
Noong kami pa ni John, nasaakin ang account niya. Not knowing na magaling ako mangbisto. Huli ka! Huli ka pero di ka kulong lol. Nakita ko ang mga chats nila ni Mile, nakita ko ang secret conversation nila at ang kagustuhan pa ni John na magusap nalang daw sila sa isang account niya dahil baka raw makita ko. Bakit? Ano ba ang ikinakatakot niyang makita ko? Nung mga time na yon ay nagduda na ako. Nag duda ako na baka pwedeng siya ang dahilan bakit kami nag hiwalay ni John ng una. Naging sila pala habang wala kami. Nakita ko at nabasa ko sa convo ni John at ng bestfriend niyang lalaki ang tungkol sakanila ni Mile. At ang tanga tanga kong self noon, anong ginawa? Nag break na kami ngunit pinabalik ko pa. Yun pala habang wala kami meron siya habang ako'y lugmok? Habang ako'y umiiyak pagkat iniwan niya ko tapos pag bumalik siya? I'll accept him with an open arms? Oh, poor girl... you were never treated right before. Because you were too fool in love. Dapat wiser ka na ha?
Ayan lamang ang naisip ko habang nasa cr ako at ng nakalabas na ko. Papasok na sana ako sa room at papihit na ako ng doorknob ng room namin ng biglang nakita kong nakatayo si Andrew at Shaun sa tapat ng room namin. Sa gilid ng pinto ng robotics room.
"Athena, diba?" tanong ni Andrew saakin, grade 9 student, kaklase ni Gabriel.
"Ahh oo." tipid kong sagot.
"Diba niligawan ka nito noon?" sabay turo niya sa katabi at nag iwas si Shaun sabay tampal kay Andrew sa pagkahiya.
Siguro tulad ko? Hindi niya rin inaasahan ang tanong ni Andrew sakanya. Hindi ako nakasagot. I was stunned. I can clearly hear crickets because of that question. Natawa si Andrew na para bang nangaasar saaming dalawa.
Nagtagpo ang aming mga mata ni Shaun.
Umiling na lamang ako bilang sagot at ngumisi. At tumawa na lamang ako sa naisip kong scenario at sabay pumasok na sa room ng may baong ngiti sa labi.
YOU ARE READING
Storm Of Yesterday (On Going)
RomanceIsn't ironic? when the one that love and made you genuinely happy is also the one that will make you beg for being thrown out of the sea of sadness. How heartbreaking it is to share love with someone but eventually will leave you because of fading. ...