Chapter 7
Reminisce
Pag uwi ko ay hindi na ako nag atubiling mag paalam kay mommy at mama. Ngunit inuna ko si mama pagkat nandito naman na siya sa bahay at si mommy ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya ichchat ko nalang siya mamaya.
Teka wag muna pala ako mag paalam, kausapin ko muna si Juerlaine kung sasama siya.
"Hello..." panimula ko sa tawag.
"Oh napatawag ka Athena?" tanong ni Juerlaine.
"Uh, kasi si Shaun... nagaya kasi siyang umalis ngunit hindi ko alam anong gagawin. Baka gusto mo sumama?"
"Ah! Nakausap niya na ako tungkol diyan. At wag mo muna alamin dahil may sorpresa siya." napatigil siya dahil nadulas yata. "Oopsie, lagot."
"Ha? What do you mean?" pagtataka kong sagot sa mga sinasabi niya.
"Uh kasi ano may sorpresa siya kaso bawal ko sabihin kasi surprise nga malalaman mo rin." narinig ko pa ang iilang bulong niya sa sarili sa pagiging tanga.
"Nasabi mo na nga e! Ano vang sorpresa. You know i ain't fond of surprises." sabi ko pa sabay irap kahit hindi niya naman nakikita.
"Kasi ano, ni libre niya tayong lahat. Ako, ikaw, siya at si Raeniel sa sine manonood daw tayo ng movie ng kathniel... yung the hows of us ba yon? Tapos ayaw niya sabihin dahil nakakahiya at gusto niya sanang isurprise ka dahil alam niyang malungkot ka galing sa breakup niyo ni John. " paliwanag niya.
"Ahh ganun ba, hindi na lang ako sasama nakakahiya."
"Ha?! Hindi pwede, Athena! Nabayaran niya na yon." irita niyang saad.
"Ah eh susubukan ko Juerlaine. Magpaalam muna ako." sabi ko bago ibaba ang tawag dahil kumalabog ang puso ko sa di malamang kadahilanan.
Nagbihis muna ako at nagisip kung sasama pa ba ako. Syempre sayang nga naman talaga iyon pagkat gusto ko rin naman panoodin yung movie na yon. Thus, i want to unwind and feel happy again. Ang tagal ko ng lugmok kay John. There are a lot of guys courting me and i am afraid Shaun will be one of them. I have a crush on him, alright? Grade 6 pa lamang ngunit hindi ko ito gusto pangalanan o malaman man lang kung anong tawag doon noon dahil gusto siya ng mga kaklase ko. Maging ang mga kaibigan ko.
Why am i afraid?
I am afraid that i might fall for him, really hard. I am afraid that i will risk again even how much I've tried to put a wall in my heart. I am afraid that it's one sided, baka laro lang to para sakanya. I've know Shaun for too long dahil sa mga kaibigan ko at inoobeserve ko rin siya.
Nagkaron na siya ng girlfriend at he has courted lots of girls as well. Ang alam ko si Constantine at Elaine sa higher batch ay naligawan niya na. Noong grade 6 ako ay niligawan niya si Elaine at si Constantine naman ay niligawan niya rin nung mga panahong kami pa ni Mateo. I just wonder if nagseryoso ba si Shaun? I don't know. Whatever.
Ayaw ko mahulog sakanya kaya habang mababaw palang at crush lang naman tong nararamdaman ko iiwasan ko ng mahulog pa lalo. I've been broken, i should be wiser, i should be more careful.
"Mama? Pwede ba akong umalis? Kasama ko si Juerlaine pati yung grade 8, si Shaun." paalam ko.
"Ha? Bakit may lalaki. Anong gagawin niyo? Hindi pwede." saad niya ng tuloy tuloy.
"Mag sisine lang kami, ma. Tyka kakain siguro diyan sa mall." sabi ko ng bigo kahit alam kong hindi yata talaga ako papayagan.
"Hindi nga pwede sabi. Kahit mag tanong ka pa sa nanay mo. At tyaka hindi ka pa pwedeng umalis at mag sine napaka bata mo pa at may lalaki pa." sabi niya sabay alis saakin at halatang inis.
YOU ARE READING
Storm Of Yesterday (On Going)
RomanceIsn't ironic? when the one that love and made you genuinely happy is also the one that will make you beg for being thrown out of the sea of sadness. How heartbreaking it is to share love with someone but eventually will leave you because of fading. ...