Chapter 6
Fall for You
Habang nasa klase ako parang lumulutang ang ngiti sa aking labi kaya para hindi mapansin ito ng aming guro pinaglaruan ko na lamang ang pang ibang babang labi ko at nagkunwaring nakikinig pero wala talaga akong maintindihan.
Naiimagine ko noong grade 6 pa lang ako. I was then a Manila Girl. Pero ngayon nasa Pampanga na ako. So pag dating ko dito ng grade 6, i am a new bee. New student kung baga. I don't know how to make friends, i don't know anyone or kahit familiar man lang.
Pero natutunan ko ring makitungo sakanila habang tumatagal dahil mababait ang kaklase ko yun nga lang hindi ko maipagkakaila na madaming nagkagusto kahit ayaw ko nun. Madaming nagbibigay ng mga regalo saakin. Madaming gusto sungkitin ang oo ko ngunit hindi ko sila pinapansin dahil may crush ako.
Si Edric, siya ang pinaka maeffort at galante sa mga nagkakagusto saakin na hindi ko naman pinapayagang manligaw ngunit makulit. Isa na rin doon si Lacson, grade 8 student, hindi ko siya type kasi may bad boy aura siya. At madami pa.
Noong grade 6 kami madalas pagusapan ng mga kaklase kong babae ang mga highschool students dahil madami daw ang gwapo. Wala naman akong makita nung mga few months ko palang dito. Wala akong naging crush ngunit nang nagkwentuhan sila Juerlaine, Jovee at Katherine, Erin at Elisha sa mga crushes nila ay unti unti kong nakilala ang mga lalaki sa school na ito.
"Grabe ang galing mag basketball ni Onesimus!" puri ni Elisha ng nanonood kami sa second floor kung saan kita ang buong court mula sa ground floor.
"Mas magaling si Shaun." Angal ni Jovee.
"Mas magaling si Lanz." hagikgik ni Erin.
Umirap na lamang ako dahil patay na patay sila sa mga lalaking nag ba basketball.
"Crush ko na yata si Shaun." pabirong sabi ni Juerlaine sabay baling kay Jovee.
Napatingin rin si Jovee sakanya at ramdam ko ang tensyong ibinibigay ng mata ni Jovee sakanya. Ay nako! Magaaway pa sila sa lalaki!
Kami ni Kath ay tahimik lang na nanonood dahil alam ko, wala siyang crush sa mga highschool, maging ako.
Isang araw nakaupo kami sa hallway sa labas ng room namin. Nakita ko ang mga grade 7 na naglalakad... alam ko sila Nikos, Onesimus, Shaun at iba pang mga kaklase nila. Sa pagkakatanda ko eto ang mga crush ng mga kaklase ko.
"Nakatingin si kuya Shaun saakin." kinikilig na saad ni Juerlaine.
"Asa ka, saakin nakatingin yan." Angal naman ni Jovee.
Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan na nagaaway para lang sa sulyap ni Shaun sakanila. Napabaling ako sa direksyon na tinitignan nila Jovee at Juerlaine ngunit nagulat ako na ang mata kagad ni Shaun ang nahagip nito. Wala akong nagawa kundi ang umiwas dahil hindi ko kaya ang eliktrisidad na hatid ng mata niya. Para bang kumakausap ang mga mata ni Shaun.
Dumaan ang mga araw. Patuloy ang paguusap ng mga kaklase ko sa mga crushes nila lalo na kapag lunch break namin dahil kasabay noon ang highschool. Gusto rin nilang lumalabas ng room dahil baka daw e, makita nila ang mga crush nila.
Umirap nanaman ako dahil sa pagiging oa nila sa crushes nila.
Pero ano bang magagawa ko? Susuportahan lang sila.
"Alam niyo ba nakakainis. Nagchat kami ni kuya Shaun kahapon. Sabi ko mag picture naman kami ng after class. Sabi ko mag meet kami ng 4:30 pm ngunit nh dumating ako doon e wala na siya pero hinintay ko siya! Pero wala talaga! Nakakainis." padabog na kwento saamin ni Juerlaine. "Tapos alam niyo pa? nakausap ko siya nung gabi, sabi niya nandun daw siya ng mas maaga pero ang tagal ko daw. Bumalik din daw siya pero wala na daw ako." dismayadong saad ni Juerlaine.
YOU ARE READING
Storm Of Yesterday (On Going)
RomanceIsn't ironic? when the one that love and made you genuinely happy is also the one that will make you beg for being thrown out of the sea of sadness. How heartbreaking it is to share love with someone but eventually will leave you because of fading. ...