CHAPTER 1

3.2K 60 2
                                    

CHAPTER 1

MAY PART-TIME JOB pa pala akong pupuntahan ngayon at saka kahit anong racket ay kinuha ko para lamang makapag-ipon, mahirap lang kasi kami, Namatay si Mama at si Papa sa isang sunog.

Ako nalang mag-isa, muntikan nga akong mamatay buti nalang, prinotektahan ako ni papa. Pa'no ko ito nalaman? Syempre sa lolo ko, kaso nasa heaven na siya kasama ang iba kong pamilya.

Nagtatrabaho ako sa isang Bar, hindi para maging bayarang babae ha? Pero tig-serve lamang ako doon, bali isa akong waitress sa bar.

Hindi ko namalayan na 7 pm na pala kaya agad akong nagmamadaling pumunta sa Bar na pinagtatrabahuan ko, nilakad ko lamang ito para makapagtipid ako.

NANDITO NA ako sa loob nang bar, as usual maingay, mausok, naghahalong amoy ng alak at iba pa.

Pinuntahan ko si Elaine, nakita ko kasi siyang may kausap na babae.

"Elaine."

Sigaw ko sa kaniya at buti naman at narinig niya kahit na ang ingay dito sa loob ng bar. Ngumite siya at lumapit sa akin

"Bakit hindi ka pa nagbihis?"Takhang tanong niya sakin na ikinanguso ko

"Eh.. kasi, late na ako kaya no choice, hindi nalang ako nagbihis."

Pagpapaliwanag ko sa kaniya na ikinabuntong hininga niya

"Hay.. oo na, halika na sa Cr, Mag bihis ka doon pagkatapos tawagin mo lang ako, lagyan kita nang make-up."

Sabi niya na mas lalo kong ikina-nguso. Ayaw ko kasing may kolorete o kung ano mang chichiburitsi sa mukha ko.

"Wag mo akong ngusohan. Na hala, magbihis ka na doon."

Sabi niya sakin na ikina-tsk ko. Magkasundo kami ni Elaine, actually siya lang kasi yung pinakaclose ko dito kasi yung iba ang O-OA, ayaw daw makipagkaibigan sa hampas lupang katulad ko.

Eh kung i-hampas ko sa kanila ang lupa nang mahimas mahasan sila.

Agad akong pumunta sa Cr baka magtakha na naman si Elaine kung bakit ang tagal ko.

Pumasok ako sa isang pang Cr, bali pagpumasok ka kasi sa isang Door na pang Cr, ay bumugad sayo ang apat pang Cr kaya sa pangalawa ako pumasok.

Sinimulan ko nang hubarin ang damit ko pang-itaas, nagulat lamang kasi ako nang may nagsalita, I stilled where I stand.

"If i were you, I wouldn't do that."

Isang malamig at baritono ang narinig ko.

Dahan dahan at nanginginig ang aking kamay na hinarap siya. Napalaki laki ang aking mga mata nang makita ko siyang nakatayo while his both hands are on his pockets, he looked at me coldly.

Umakyat lahat ang dugo sa aking mga pisnge, paksheyt! Dali dali kong kinuha ang isa kong t-shirt para itago ang aking katawan

"Y-you! W-what a-are you doing here?"

Napa-ingles tuloy ako, kasalanan 'to ng lalaking 'to.

"I'm the one who's been here at first then you enter without knowing that I'm still here."

He coldly replied and when I stare at him, his eyes has no emotion--- teka bakit dini-describe ko ang lalaking to? Ni hindi ko nga to kilala eh? Malay mo manyak, holdaper, rapist, Gangster, monster, eater--charroott lang.

"T-teka, siguro t-tapos k-kana diba? P-wedeng l-labas ka muna? Hihi"Nauutal na sabi ko. Paksyet! Kakahiya na 'to!

"Why? Can't you dress without minding me here?"As usual, he still said it with no emotion.

"Kasi po. Ay sheyte naman oh! Ako na ang mag-aadjust, sa ibang Cr na lang ako. Patawad, Paalam."

Sabi ko at saka nagmamadaling lumabas doon, at saka noong binuksan ko yung ika tatlo, naglinga-linga muna ako kung may tao ba, pheww! Buti naman at wala kaya malaya akong nagbihis.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako kasama yung damit na sinuot ko kanina, inilagay ko ito sa backpack ko na Kulay Violet.

Naabutan ko si Elaine na nakapameywang at saka nakataas ang kaniyang kilay.

"Bakit ang tagal mo!?"Mataray na sabi niya sakin na ikinanguso ko

"Na flushed ako sa toilet teh."Mataray rin sabi ko na ikina-irap niya.

"Tsk. Upo ka at aayusan na kita nang makapagsimula kana."Sabi nito sakin at nagpadyak-padyak akong umupo.

"Light lang ha."Paalala ko sa kaniya baka kapalin niya eh, magmukha akong binagsakan nang lupang may grasa.

"Oo na."Pagsusuko niya na ikina-Yes ko naman.

Nagstart na niyang lagyan nang powder ang mukha ko then hindi na siya nag-abala sa kilay ko kasi perfect form na eh.

Then hindi na sa pilik mata kasi mahaba ang mga pilikmata ko kaya Pulbo lamang at Liptint ang ginamit niya sakin.

"Ang ganda mo talaga Fheyra."Parang kinikilig na sabi niya na ikina-irap ko

"Ay sus, nambola pa. At saka maganda ka pa nga kesa sakin eh."Sabi ko sa kaniya at bigla naman itong nagflip hair

"I know right."Sabi niya with matching pose pa na ikinatawa ko. Mag mukha kaming shunga nito eh.

"Shabu pa.. shabu pa elaine.."Natatawang sabi ko sa kaniya na ikinatigil niya sa pagpose at lumapit siya sakin ang binatukan ako

"Sorry ka girl pero hindi ako nagshashabu kasi addict na ako--addict sa kaniya."

Kinikilig niyang banat at saka sabay palo sa braso ko na ikinapokerface ko

"Masakit yun ah."

"Alam ko."

"Oh alam mo naman pala, eh bakit mo ako sinaktan?"

Pandadrama ko na ikinatanggap ko ulit nang batok

"Che! Magtrabaho ka na doon. Chupi! At saka i-serve mo ito sa table no. 18."Sabi niya sakin at tumango lamang ako.

Actually sila Elaine ang may ari nang Bar na ito, buti nalang at naawa siya sakin kaya tinanggap niya ako bilang waitress dito.

At saka ayon naging friend ko siya. Mabait yan si Elaine, mabait yan sa lahat pero wag mo lang galitin kasi may tinatagong sungay ang babaeng yan pag nagalit.

Kinuha ko na yung tray na may lamang isang boteng Tequila at saka isang baso rin.

Naglakad na ako patungo sa table no. 18

Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto kong sino ang naka-upo sa no. 18

What the hot ! Nananadya ka ba tadhana?

               

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now