CHAPTER 17
NASA LABAS ng kwarto si Zede kaya paniguradong hindi naman 'yun makikinig sa pinag-uusapan namin dahil alam niya naman ang salitang Privacy.
Isa pa, alam niya din naman na hindi ko magugustuhan kong makikinig siya sa mga Girl's Only Private Talk namin.
Noong una, natatakot ako sa sinabi ni Zede na napatay niya ang ama niya pero mas nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kaniya.
Alam ko rin naman na may mabigat siyang rason kung bakit niya nagawa ang mga bagay na 'yun, I mean sino ba ang papatay sa kanilang ama kung walang mabigat na rason?
At saka, naawa rin ako sa kaniya dahil sa murang edad niya palang ay wala na siyang pamilya katulad ko pero ang hindi namin pagkakatulad ay mahal na mahal ako ng Papa ko at mahal ni Papa si Mama.
Habang siya naman ay pinatay mismo ng kaniyang ama ang kaniyang ina at ang anak nito. Papatayin rin sana siya ngunit mas nauna niya lang na mapatay ang kaniyang ama.
Bakit ba may ganito parin sa lipunan? Bakit pa ba humantong sa patayan kung pwede namang pag-usapan? Bakit ganun? Bakit ba kailangan pang madamay ang mga inosenteng tao?
‘Yung mga taong hiniling na mamatay nalang ay hindi mamatay, pero ‘yung mga taong lumalaban sa kanilang buhay at humihiling na hindi sana sila bawian ng buhay, sila pa ang taong mamamatay.
Matatalim na tiningnan ako ni Elaine."Did you already told him?"Tanong niya sa'kin at umiling naman ako kaagad.
"No, ayokong sabihin sa kaniya. I don't want him to worry about me."Mahinang sabi naman nito na ikinabuntong hininga naman niya.
"Pero dapat mo paring sabihin sa kaniya ang totoo. Ano bang resulta? Gagaling ka na ba?"Nag-aalalang tanong niya sa'kin na ikinayuko ng ulo ko.
"Hindi. Sabi ng doctor na triggered daw ang puso ko dahil sa pagkasaksak, mas lalong humina na ang puso ko, kung wala daw na heart donor, mamamatay ako. At saka saan naman ako makahanap ng heart donor? Saan naman ako kukuha ng pera?"Mapait na sabi ko sa kaniya.
Niyakap niya naman ako." I'm willing to donate my heart."
Binatukan ko naman siya. "Subukan mo dahil ako mismo ang papatay sa'yo. Letse."
She wiped my tears. "Pero ayokong mawala ka sa'kin, you're so important to me. Ayokong mawala ka sa buhay ko."
I'm really thankful to have her in my life. Masaya ako dahil nakilala ko siya, masaya ako dahil nakilala ko ang isang katulad niya. I love her so much, she's like a sister to me. She's my Family.
Lagi siyang nandiyan pag kailangan ko ng karamay. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko kung kailangan ko ng kausap.
Mapait akong ngumite at saka niyakap siya. "Hindi naman ako mawawala dahil nandyan naman ako palagi sa puso mo e."
"Gaga, gusto ko 'yung makapiling ka, mayakap at may tig-advice sa'kin pag makagawa ako ng mga kagagahan."Sabi niya na ikinatawa ko naman.
"Flashback mo nalang lahat ng mga advice ko sa'yo."Sabi ko na ikinahikbi niya.
"Maghahanap ako ng donor mo, hahanapan kita kahit suyudin ko ang buong mundo mahanapan lang kita ng donor."Naiiyak na sabi niya na mas lalo kung ikinaiyak.
"Hindi pa nga ako namatay, iyak ka na ng iyak."Natatawang sabi ko habang pilit ng pigilan ang mga luha ko na gustong kumuwala sa mga mata ko.
"Gaga..Hindi ka mamamatay, hahanapan kita ng donor or pwede rin namang sabihin mo ito kay Zede para mahanapan karin niya ng donor, malay mo mahanapan ka niya dahil may maraming connections ang isang 'yun."Sabi niya na ikinailing ko.
"Hindi...Ayokong iasa sa kaniya at mas lalong masaktan siya pagmalaman niya na may sakit ako."Sabi ko na ikinatanggap ko naman ng batok mula sa kaniya.
"Gaga! Mas masasaktan siya pag hindi mo sinabi sa kaniya ang totoo."Sabi niya na ikinayuko ko.
Tears began to flow in my eyes. "I don't want him to worry. I love him...I will love him until my last breath. So please, nakikiusap ako sa'yo na 'wag mong sabihin sa kaniya ang totoo."
Naiiyak na binatukan niya ulit ako. "Oo na, letse ka pinaiyak mo ako. Don't worry, hahanapan kita ng donor. May kilala akong doctor doon kita pasekretong ipagamot."Sabi niya na ikinatango ko naman.
"Mahal ba ang bayad doon? Magkano ba para makapag-ipon ako."Sabi ko sa kaniya.
"Shut up, ako na ang maghahanap ng pera, hindi ka pwedeng magtrabaho muli baka mas lalong humina ang puso mo. Isa pa, may discount ako sa doctor na 'yun."Nakangiting sabi niya na ikinakunot ko.
"Bakit?"
"He's my-—"
"Ex? Boyfriend?Friend? Fuckbuddy?"Sunod-sunod na tanong ko na ikinabatok niya sa'kin.
"Gaga ka talaga, kinilabutan ako sa sinabi mo. Cousin ko ang doctor doon kaya may discount ako."Sabi niya sa'kin.
Okay.. Sorry naman, hindi ko naman alam na may pinsan pala ang gagang 'to. Kala ko kung ano na dahil mababatukan ko talaga siya pag may ka-fvckbuddy ito.
"May cousin ka pala. Ilang porsyento ang discount mo?"Tanong ko sa kaniya.
"90%."Nakangising sabi niya na ikinalaglag panga ko.
Grabe, ang laki naman ng discount. Mukhang malakas ang isang 'to sa pinsan niya. Well, ganiyan talaga ang mga pamilya, palaging nagtutulungan.
Pero hindi naman lahat ng pamilya ay masaya, gaya nalang ng pamilya ni Zede. Bakit kaya ‘yun nagawa ng kaniyang ama?
"Ang laki naman ng discount. Hindi ba siya malulugi nun?"Tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman niya.
"Hindi naman. Actually, mayaman ang isang 'yun kaya impossibleng malulugi siya."Natatawang sabi niya na ikinatawa ko.
"Pero, you need to tell him the truth."Seryosong sabi niya at tumango naman ako saka ngumite.
"I will, pero hindi pa ngayon."Nakangiting sabi ko na ikinairap naman niya.
"Ewan ko nga ba sa'yo. Anyways alam mo ba, nakakainis 'yung lalaking tinutukoy ko sa'yo."Pagkukwento niya na ikinatawa ko naman ng mahina.
Hindi ko na talaga mabilang kung pang-ilan na niyang sinabi na Naiinis siya sa lalaking hindi marunong mag-crushback. Tinutukoy niya 'yung lalaking crush niya, ni hindi man lang siya crinushback.
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
Fiction généraleLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...