CHAPTER 4

1.8K 45 0
                                    

CHAPTER 4

KANINA pa bumabalik sa aking isipan ang kaniyang sinabi. Ano daw? Maging pet ako? Mukha ba akong hayop sa paningin niya kaya niya nasabing gusto niya akong maging pet?

Ano ba 'tong trabahong napapasokan ko. Oo, malaki ang sahod nila kada-buwan pero napakawalang puso naman ng lalaking 'to. Ayaw ko ngang maging pet baka kung ano pa ang ipagagawa nito sakin.

Walang emosyon niya akong tiningnan. "What do you think, be my pet or you'll be fired, I'll make sure that no one would hire you again."

Napakawalang puso talaga ng lalaking 'to!

"Ano ba ang gagawin ko?"Malamig na tanong ko sa kaniya.

"Nothing much really, just like a pet, you'll do whatever I say and I want."Nakangising sabi niya na ikinalunok ko.

Kakayanin ko ba ang mala-imperno na kasama siya? Na ako ang maging pet niya? Kakayanin ko ba?

Kung aalis naman ako sa trabahong 'to, sigurado akong wala na akong mahanap na ibang trabaho dahil kagagawan na naman ng lalaking 'to.

Pag-aalis ako, hindi na ako mahanap ng trabahong may malaking sahod. Paano na ako? Kailangan ko pa naman talaga ng pera.

I sighed."Payag ako."Walang emosyong sabi ko at saka nakita ko namang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"That's good then."Nakangising sabi niya.

For money, kaya kong maging isang pet para sa pera, lalo't kailangan ko talaga nito.

"I need to go now."Mahinang sabi ko na ikinakunot naman nito.

"And why? You must stay here, there are many guest room that you can choose to stay with so you don't need to go back to your house."Malamig niyang sabi na ikinabuntong hininga ko naman.

I looked at him straight to his eyes."Kailangan kong umuwi, kailangan ko pang mag-impake ng mga damit."

Kumunot naman ang kaniyang noo."And why?"

I looked at him flatly. "Syempre para susuotin ko, maging maid mo ako diba or pet o kung ano pa 'yan? Kaya alam ko naman na dito mo ako patitirahin para sa mga gawaing bahay, gawaing pet o kung ano ano pa man 'yan."

"Stay here. I'll send my men to bring your things here."Sabi niya na ikinabuntong hininga ko naman.

Mukhang hindi talaga ako maka-hindi ng isang 'to. Argh! This man is such a devil!

"Fine, if that's what you like."Pagsusuko ko na ikinataas ng sulok ng kaniyang labi.

"Okay. You may start now. Do your household chores."Sabi niya na ikinatango ko naman.

"I will, Sir."Sabi ko

"Just call me Zedekiah or Zede."Malamig niyang sabi na ikinatango ko.

"Okay, Zede."Mahinang sabi ko at saja tumalikod na para simulan ang trabaho ko.

Una kong ginawa ay nilinisan ko ang mga bintana nila, mukhang kakailanganin ko ng mga ilang oras para matapos ang paglilinis ng mga bintana.

Sa laki ba ng bahay nila na parang mansiyon na ata, marami ring mga bintana na halos kasing laki ko na kaya syempre aabotan ako nito ng mga ilang oras.

Okay na siguro na ganito ang maging trabaho basta malaki naman ang mga sahod kaya okay lang, isa pa nakahanap na rin ako ng maging permanenting trabaho ko sa umaga.

"Are you done cleaning?"Malamig na tanong nito, nasa likod kasi siya kaya kailangan ko pang lingonin siya.

"No, Sir—Zede."Mahinang sabi ko at tumango naman ito.

"After you clean the window, cooked something, make sure it's not poisonous."Malamig niyang sabi at saka nakapamulsang umalis.

Napabuntong hininga naman ako sa inasal ng lalaking 'yun, kung hindi lang talaga ako takot na masisante, kanina ko pa iniripan ang lalaking 'yun.

Kainis naman! Akala ko ba matino ang pagtatrabahoan ko e halos patayin na ako nito sa pagod e.

Kailangan ko ba talagang linisan ang buong mansiyon na 'to? Baka ito ang maging sanhi ng pagkamatay ko sa over fatigue, talagang mumultohin ko ang lalaking 'yun pagnagkataon.

NANG MATAPOS na ako ay inilagay ko ang basahan labas at saka binanlawan ito at isinampay para patuyoin. Pumunta naman ako sa kusina para maghanda ng pagkain nila.

Naghugas muna ako ng aking kamay dahil kakahawak ko lang ng basahan, pagkatapos ay nagsabon na rin ako. Hindi pa ako nakuntento ay binanlawan ko ang aking kamay ng alcohol.

I also have to take care of myself kaya dapat stay healthy ako para iwas sa sakit.

Mahirap na kung magkasakit ako, sino na lang ang mag-aalaga sakin? Sino nalang ang maghahanapbuhay sa'kin? At saan naman ako kukuha ng pera?

Ika nga nila, ‘Prevention is better than cure.’

Nagluto na ako ng iba't ibang potahe ng baboy, manok, baka, kambing---charot. Baboy lang at saka manok.

Nagfried chicken ako at saka grilled meat. Hindi naman sa nagmamayabang ako ngunit magaling talaga akong magluto at lahat ng luto ko ay masarap.

Kaya lutuin ko kaya siya para maging masarap?

Ay, 'wag na baka malason niya ang pagkain lalo na't may lahi pa naman itong demonyo. Tss. Ugali nga naman niya.

Ano bang binabalak niya? Alam kung may plano ito, like duh...sa dami dami ba naman ng gustong magtrabaho dito sa kaniya na halos punuin nito ang mala-mansiyon na bahay niya, bakit wala siyang napili doon?

Bakit ako pa? Pero okay na rin para may trabaho na ako at saka malaki naman ang sahod kaya okay lang.

Titiisin ko nalang ang demonyong ugali nito, pagtulog na ito saka ko naalng puputulin ang kaniyang sungay na mas mahaba pa sa relasyon ng iba diyan.

Nang matapos na ako sa pagluluto ay maingat ko naman itong inilapag sa mesa. Naglagay rin ako ng plato, kutsara at tinidor malapit sa kaniya.

Walang emosyon niya akong tiningnan. "Are you sure that this food..."Sabay turo niya sa niluto ko. " Isn't poisonous?"

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. "Sir-este Zede, hindi ko ugaling maglagay ng lason lalo na't sa pagkain dahil mahalaga para sa'kin ang mga pagkain."

Napakunot naman ito sa sinabi ko."You value food?"

I looked at him flatly. "Zede, syempre naman oo, mas importante ang pagkain kasi paano ka mabubuhay kung walang pagkain? Isa pa, wala akong planong lasonin ka lalo na't malaki ang sahod mo sa'kin kada buwan."

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now