CHAPTER 23
NAKATINGIN parin siya sa mga mata ko habang naghihintay sa kung ano man ng isasagot ko.
Sasabihin ko na ba sa kaniya ang totoo?
Napayuko naman ako,"I'm sorry for keeping a secret."
Bumuntong hininga naman ito at saka niyakap ako. "What is it?"
Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng kaniyang damit. "I-I have....."
"What? A pen? An apple? Ugh, apple pen?"
Mahina kong tinampal ang kaniyang braso." Hindi ganun..."
Tumaas naman ang kilay niya. "So what is your secret? Don't give me a 'kasi secret nga diba' because I won't buy that. So, why are you keeping secrets from me?"
Ibinaon ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. "May sakit ako, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo, I just don't want you to be worried about me."Mahinang sabi niya.
"I know."
Napakunot naman ako at saka takhang nag-angat ng tingin sa kaniya."What do you mean? You knew?"
Tumango naman ito." Yes, alam kung may-sakit ka. Naghahanap lang ako ng tyempo na ikaw mismo ang magsabi nito sa'kin."
"Kailan mo pa nalaman?"Tanong ko sa kaniya.
"Kahapon."Tipid niyang sabi sa'kin na mas lalong ikinakunot ko.
"But how did you know?"
"I always have eyes, baby. May mga Cctv sa mansiyon ko kaya ng lumabas ka sa mansiyon ay agad akong umuwi at nakita naman kita na kausap si Migraine—"
"It's Elaine."
"Yeah, kausap mo si Elaine, nang pumasok ka na sa sasakyan niya at nagsimula na itong paandarin ang sasakyan na sinakyan mo ay sinundan ko kayo, napakunot naman ako ng tumigil kayo sa Hospital at saka pumasok kaya pinark ko ang sasakyan ko na malayo sa hospital dahil baka makita mo ang sasakyan mo, kaya nga pumasok na rin ako, ang buong akala ko may sakit si Margarine—"
"It's Elaine."
"Sabi ko nga Elaine, then noong lumabas na kayo sa ospital ay napatanong ako sa lalaking pinuntahan niyo, noong una he refused to tell me but when I said that I am your husband, sinabihan niya ako na may sakit ka sa puso at kinakailangan mo ng donor, gulat na gulat ako dahil sa mga nalaman ko. Ang buong akala ko ay sasabihin mo sa'kin ang totoo pag-uwi ngunit nagkakamali pala ako."
Napayuko naman ako. "I'm sorry for keeping secrets. I don't want you to get worried, call me selfish but nalalabing nalang ang araw ko."
"If you have just tell me the truth, malay mo may mahanap pala akong donor mo!"Inis niyang sabi sa'kin na mas lalong ikinasimangot ko.
"Pero ayoko namang iasa sa'yo ang lahat. Hindi pa nga na'tin alam kung mabubuhay pa nga ba ako o hindi e."Sabi ko na ikinahilamos niya sa kaniyang palad.
Nasa dagat parin kami.
"Where's the positive Fhey that I know? Magagawan na'tin 'yan ng paraan...Just...just don't die...don't leave me.."Mahinang sabi niya na may halong sakit sa bawat pagbigkas nito.
Yumakap naman ako sa kaniya at doon umiyak."I'm sorry, I promise na lalaban ako."
"Good. Lalaban ka, lalaban tayo."Sabi niya at tumango naman ako.
"Uwi na tayo, hindi ko na namalayan na gabi na pala."Sabi ko sa kaniya at mahina naman siyang natawa at saka hinawakan ang bewang ko.
"Yeah, let's go."Sabi niya at saka tumango naman ako.
Pumasok kami sa isang maliit na bahay na pagmamay-ari rin ng kaibigan niya, magbibihis muna kami...este ako muna ang nauna.
Nang tapos na kaming magbihis ay inilagay naman namin ang mga basa na damit sa isang cellophane at saka inilagay ang cellophane sa isang box para hindi mabasa nito ang sasakyang dala ni Zede.
Pumasok na ako sa sasakyan niya at ganoon din ang ginawa niya.
"By the way, what did the doctor says?"Tanong niya sa'kin na ikinakunot ko naman.
"‘Diba pumunta ka na doon sa hospital na pinanggalingan ko? Dapat alam mo na ang sagot sa tanong na 'yan."Sabi ko sa kaniya.
"Alam ko naman ang sagot pero gusto ko lang na marinig ito mula mismo sa'yo."Sabi niya na ikinairap ko.
Dami pang arte ng lalaking 'to. Tss. Akala ko talaga hindi niya alam na may sakit ako, I mean ang galing niya talang actor a, hindi ko makitaan kagabi na may gusto itong sabihin o gusto niya na magsalita ako tungkol sa sakit ko.
"Sabi ng doctor ay mahina na daw ang puso ko kaya dapat daw maghahanap na ng donor."Sabi ko sa kaniya.
"May nahanap kang donor?"
Umiling ako. "Wala dahil hindi naman ako naghanap at saka isa pa wala akong pambayad, hindi pa sapat ang pera ko para pampaggamot sa'kin."
"That's why you really need money, noong una na'ting pagkikita, pumayag ka naman na maging pet ko kahit na nagbibiro lamang ako noon, ang buong akala ko ay tatanggi ka dahil sino ba naman ang gustong maging pet sa isang tao? Tas ngayon ko lang nalaman kung bakit kailangan na kailangan mo talaga ng pera."Sabi niya na ikinatango ko.
"Ang buong akala ko kasi ay makaipon ako kaagad pero nagkamali ako."Mahinang sabi ko sa kaniya.
"Ako na ang bahala sa mga panggamot mo at ako na rin ang bahala sa paghahanap sa'yo ng donor."Sabi niya.
"‘Wag na, nakakahiya naman sa'yo, ang dami mo nang nagawa para sa'kin."Mahinang sabi ko sa kaniya na ikinansingkit ng mga mata nito.
"I'm doing this because you are my baby, my everything, my girlfriend and most importantly I love you."
"I love you too, pero—"
"Walang pero pero, ako na ang bahala doon, and don't ever think na babayaran mo ako dahil hindi ko 'yan matatanggap."
Napatutop naman ang bibig ko sa sinabi niya. Nasa-isip ko kasi kanina na babayaran ko siya at mukhang nakuha naman nito ang gusto kong sabihin kaya inunahan na niya ako.
Nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan.
Sana nga talaga maging normal na ulit ang puso ko dahil napakahirap pala pag may sakit ka.
Natatakot nga akong matulog dahil naiisip ko na baka hindi na ako magising e.
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
Ficción GeneralLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...