CHAPTER 20

1.3K 47 1
                                    

CHAPTER 20

MATAMLAY akong bumangon sa higaan ko, kanina pa kasi sumasakit ang puso ko tapos nanghihina na ang mga katawan ko.

Dumiretso naman ako sa banyo para maligo, kahit na nanghihina na ang katawan ko mas pinili ko nalang na labanan ang panghihina ko.

Nananakit na rin ang puso ko, parang hindi ako komportable pag humihinga ako, jusko naman ayoko pang mamatay.

Nang matapos na akong maligo ay nagbihis ako ng kulay Gray na damit at saka nakajeans ako, kinuha ko na rin ang shoulder bag ko.

Pupunta ako ngayon sa Hospital para magpacheck-up, hindi ko isasama si Zede, isa pa nasa Companya siya ngayon dahil nagkaroon ng emergency kaya tinawagan ko si Elaine kagabi na sunduin ako ngayon.

Gaya nga ng sinasabi ko, nasa labas na siya ng mansiyon, lumabas naman ako kaagad dahil ang pinakaayaw niya talaga ay ang pinaghihintay siya.

"Masakit pa rin ba?"Nag-alalang tanong niya sa'kin at tumango naman ako bilang pagsagot.

"Susko, bakit ba nagkaroon ka ng sakit e ang bait bait mo nga. Isa pa, bakit tinago mo parin ito kay Zede?"Tanong niya sa'kin.

I sighed. "Hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya dahil baka mag-alala siya."

Umirap naman ito. "Natural lang na mag-alala siya, gaga ka talaga e. Na hala, sakay na."

Sumakay naman ako sa sasakyan niya. 

"Salamat pala ha, wala kasi akong maging driver ngayon baka maghinala pa si Zede kung saan ako pupunta kaya ikaw nalang ang sinabihan ko na pupunta ako ngayon para magpacheck-up, atleast alam niya na nasa mabuting kamay ako kasi kasama ko ang kaibigan ko."Pagpapaliwanag ko na ikinatawa naman niya.

"Hays. Kung hindi lang talaga kita mahal, naku naku..."

Mahina akong natawa. "Pasensiya ka na ha kung naabala pa kita baka nga may mahalagang gagawin ka pa ngayon nabubulabog pa kita."

Umirap naman ito. "Gaga, okay lang naman at saka pagdating sa'yo free lahat ng mga schedules ko. Alam kong mas kailangan mo ng taong masasandalan sa mga panahong 'to lalo na't may sakit kang nararamdaman."

"Ewan ko nga ba kung bakit ba ako binigyan ng ganitong sakit e mahirap naman ako, walang pera, walang pampaggamot."Malungkot na sabi ko na ikinabuntong hininga niya.

"Ganiyan talaga ang buhay, isa pa 'wag ka nang malungkot nandito naman ako sa tabi mo, hinding hindi kita iiwan at pababayaan."Nakangiting sabi niya kaya hindi ko mapigilan ang luhang gustong kumuwala mula sa mga mata ko.

"Thank you."Naluluhang sabi ko na ikinakunot niya.

"Oh, bakit ka umiiyak? May sinabi ba akong masama?"Tanong niya at umiling naman ako kaagad at mahinang natawa.

"Tears of joy lang 'to."Natatawang sabi ko na ikinatawa naman niya.

NASA hospital na kami na pagmamay-ari ng kaniyang pinsan. Mabuti nalang at may kaibigan akong maaasahan dahil kung hindi baka mawalan na ako ng pag-asang mabuhay dito sa mundong 'to.

Napakahirap kasi wala na ang pamilya mo at ang tanging masasandalan mo lang ay ang sarili mo.

At saka nagpapasalamat ako ng dumating si Elaine sa buhay ko dahil para sa'kin, pamilya ko na siya. Sa panahong walang-wala ako at saka walang maasahan at makakapitan, tinulungan niya ako kaya laking pasasalamat ko sa kaniya.

Si Zede naman ay kahit noong unang pagkikita namin ay napaka-cold niya na hanggang sa humantong ako sa punto na para talaga siyang isang Demonyo kong makaasta.

Pero hindi pala, mali pala ang lahat ng 'yun kasi kaya pala siya naging isang ganun dahil lang din sa nangyari sa kaniya sa nakaraan.

Mahirap at masakit ang kaniyang naranasan dahil mismong ama niya ay pinatay ang kaniyang ina at ang kaniyang kapatid mismo sa kaniyang harapan.

Well, lahat naman tayo ay nakaranas na ng mga sakit, poot, galit, hinanakit, na hanggang sa humantong sa punto na gusto mo na talagang mamatay sa sobrang sakit na iyong nararamdaman.

Pero hindi nila alam na may tao ring nakaranas ng mas masakit kaysa sa mga naranasan nila, may tao paring gustong mabuhay kahit na walang kasiguradohan kung mabubuhay ba talaga.

Kagaya ko, gusto ko pang mabuhay kahit na masakit ang mga pangyayaring naranasan ko sa buhay ko.

Gaya ng namatay ang mga magulang ko, masakit sa'kin ang mga pangyayaring 'yun dahil wala nang gagabay sa'kin, papayo sa'kin at wala na ang taong unang minahal ako.

Napatigil naman ako sa pagmumuni-muni ng mahinang tinampal ni Elaine ang noo ko.

"Saang planeta ba dinala 'yang utak mo?"Mataray na sabi niya na ikinatawa ko naman.

"Nandito na pala tayo."Wala sa sariling sabi ko sa kaniya na ikinairap naman niya.

"Ofcourse nandito na tayo, 'yan kasi kung ano-ano nalang ang iniisip kaya hindi mo namalayan na nandito na tayo."Mataray na sabi niya.

"Oo na, pasok na tayo."Nakangiting sabi ko na ikinirap naman niya.

"Papasok talaga tayo."Sabi niya na ikinatawa ko naman.

Ang sungit ng isang 'to, ano kayang nangyari sa kanila ng crush niya? Tsaka, hindi ko na rin alam kung sino ang papaniwalaan ko sa sinabi nila.

Naalala ko ang sinabi ni Davin na binusted ito kahit na hindi pa siya nanligaw at saka mahal daw nito si Elaine, tapos si Elaine naman ay crush niya daw ang lalaking 'yun at hindi daw siya pinansin ng lalaking 'yun.

So, sino ba talaga sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Ano bang nangyari sa kanilang dalawa?

Hays.. Sakit sa ulo ang dalawang 'yun e. Bahala na nga sila, sino kaya ang unang aamin sa kanilang dalawa.

Mutual Feelings naman pala sila e.

Lumapit naman sa'kin ang pinsan ni Elaine. "Are you Ms. Valencia?"Malamig niyang tanong sa'kin na ikinatango ko naman.

"Good. Lay in the hospital's bed."Malamig niyang sabi na ikinasinghap ni Elaine.

"Hala, insan aanohin mo siya? May boyfriend-soon to be husband na 'yan, hindi na siya available, isa pa lagot ka sa boyfriend niya, nakakatakot pa naman siyang galitin, trust me dahil nasaksihan ko na kung gaano siya nakakatakot na tao. Kaya insan maghanap ka nalang ng ibang mai-----"

Napatigil naman ito sa pagsasalita ng batuhin siya ng Pinsan niya ng medical gloves.

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now