CHAPTER 19
NASA BAR na kami na pagmamay-ari ng Bestfriend kong hindi icrinushback sa crush niya kaya ayon Hopeless Romantic lang ang peg.
Si Zede naman ay nasa malayo, nasa kabilang table siya habang nakatingin lang sa'kin at saka umiinom rin siya ng alak.
Sinabihan ko na ang isang 'to ng wag iinom ng alak, tss ang tigas ng ulo. Pero hays.. Bahala na siya, normal naman siguro na umiinom ang mga lakaki diba?
At saka kung 'yun din naman ang gusto niya edi susuportahan ko nalang siya gaya ng pagsuporta niya sa'kin.
"Kung nag-alala ka sa lalaking 'yun dahil umiinom siya, 'wag mo nang ituloy ang pag-alala mo, regular customer 'yan dito at kahit isang balde ang ipa-inom mo sa lalaking 'yan, hindi 'yan tatablan ng pagkalasing."Pagpapaliwang ni Elaine sa'kin na ikinahinga ko ng maluwag.
"May ganun palang tao?"Tanong ko sa kaniya na ikinatawa naman ng isang 'to.
"Oo naman, may ganun pang tao. At saka malakas ang tiyan ng isang 'yan."Natatawang sabi ni Elaine.
"Halata nga."Pagsasang-ayon ko.
Akmang magsalita siya ng maunhan ko siya. "Hep! Alam ko na ang gusto mong sabihin....tungkol sa crush mo no?"
Napanguso ito at saka napayuko."Oo."
Umirap naman ako. "Tss. Sus, akala ko ba nakamove-on ka na, kahit wala namang kayo?"
Umingos ito. "Letse! Akala ko nakamove-on naka ako pero akala ko lang pala ang mga 'yun, bwesit na lalaking 'yun, napaka pa-fall. Pag 'yun maka-crush sa'kin, hindi ko talaga siya papansinin gaya ng hindi pagpansin niya sa'kin."Inis niyang sabi na ikinahalakhak ko.
"Talaga bang hindi mo papansinin? E ang rupok mo nga e."Natatawang sabi ko na ikinataas ng kaniyang kilay.
"Sinong marupok? Ako? Pwe! Kinilabutan ako sa sinabi mo, I'm not a softy."Mataray na sabi niya na ikinatawa ko.
"Okay, sabi mo e. Tingnan lang na'tin kung hindi ka maging marupok pagdating sa lalaking 'yun. By the way, sino pala ang crush mo?"Tanong ko sa kaniya na ikinaawang ng kaniyang bibig.
"Seriously? Hindi mo pa alam? E matagal na akong nagku-kwento sa'yo tungkol sa kaniya pero hindi mo naman pala siya kilala. Ang buong akala ko ay alam mo na kung sino ang tinutukoy ko."Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Hindi pa, isa pa wala ka ring pangalan na ibinanggit sa'kin kaya impossibleng alam ko kung sino ito."Sabi ko sa kaniya at tumango naman ito.
"Remember noong hindi ka pumasok dito?, ‘Yung time na may binali si Zede sa taong nang-insulto sa'yo? Noong gabing 'yun ay nag-apply siya, actually matagal ko na siyang crush kaya agad ko siyang hi-nire nang gusto niyang magtrabaho dito sa Bar ko. Tapos hindi ako pinansin ng lalaking 'yun. ‘Yung iba ko namang katrabaho ay pinansin niya. See? Napaka-pafall ng lalaking 'yun!"Inis niyang sabi na ikinatawa ko.
"Seriously? Sa ganda mong 'yan hindi ka pinansin? Susmeyo. Sira ata ang mata ng isang 'yun."Natatawang sabi ko na ikinairap niya.
"Sirang-sira talaga ang mata ng isang 'yun. Alam mo na kung sino ito?"Nakangising sabi niya na ikinailing ko.
"Hindi pa, sino ba 'yan? Hindi ko pa kasi alam na may bago pala tayong waiter dito."Sabi ko.
"Hindi mo talaga alam kasi kay Zede lang lahat ng attensiyon mo. Isa pa, gusto kong mag-quit ka dito."Seryosong sabi niya na ikinakunot ko naman.
"And why? May ginawa ba akong masama? Mali?"
Umiling ito. "Don't risk your heart for this work. Isa pa, mas malalagay sa panganib ang puso mo dahil maraming mga manyak at bastos dito sa Bar na 'to, pagna-triggered na ang puso mo, tiyak na mas ikakapahamak mo. Don't worry about the money, ako na ang bahala doon total wala naman akong panggagamitan sa pera ko."Nakangiting sabi niya na ikinailing ko naman.
"No, 'wag mong sayangin ang pera mo dahil sa'kin, may panggagamitan ka pa diyan, for the near future mo."I said and she rolled her eyes.
"Oh shut up, gusto kong gamitin lahat ng pera ko pampaggamot sa'yo, I wan't you to live normally, no holding back and with no worries."Sabi niya na ikinanguso ko naman.
"Pero hindi pa naman tayo sure na mabubuhay ako e. Malay mo mamamatay pala ako, edi sayang lahat ng perang ipampaggamot mo sa'kin."Nakangusong sabi ko na ikinatanggap ko ng batok galing sa. kaniya.
"Isa kang napakalaking Gaga. Hindi naman masasayang ang pera ko kasi may tiwala ako na kakayanin mo ang operasyon, isa pa dapat mong lumaban para kay Zede at para narin sa bestfriend mo na love na love ka."Nakangiting sabi niya na ikinangite ko naman.
Yumakap ako sa kaniya. "Pero you don't have to..."
"Oh anong kasunod niyan? ‘Wag mo akong mahalin dahil mahal kita, mahalin mo ako dahil mahal mo ako, because that is what I deserve, ganun ba 'yun?"Sarkastikong sabi niya na ikinabitaw ko sa yakap.
"Gaga, na memorize mo ang linya ni Kathryn a."Nakangising sabi ko.
"Syempre ako pa, ang talino ko kaya."Taas noong sabi niya na ikinatawa ko.
"Matalino ka nga pero pagdating sa pag-ibig laging Zero ang score."Natatawang sabi ko na ikinasingkit ng kaniyang mga mata.
"Excused me? Pero magaling ako sa pag-dating ng mga pag-ibig pag-ibig na 'yan no."Mataray na sabi niya.
"Ah talaga? So crinushback ka ba?"Nakangising sabi niya na ikinasingkit ng mata niya.
"Bulag lang 'yung lalaking 'yun, hindi nakita ang halaga ko. Pag siya talaga ma-fall sa'kin, naku naku naku."Inis niyang sabi na halos baliin na nito ang ball point pen na hawak niya.
"Talaga lang ha?"Mapanuyang sabi ko.
"Talagang talaga naman. Hindi na ako magpapadala sa mga charms at appeal niya. Duh, ang gwapo niya sana kaso minsan ang sarap niya lang talagang balatan ng buhay at saka ilibing din ng buhay. Grr."Gigil na sabi niya, hindi ko na mapigialng hindi matawa sa kaniyang inasta.
"So, who's that lucky man who caught your heart?"Nakangising sabi ko sa kaniya.
"Duh... It's Davin Vheyb Veron."
What!!???
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
General FictionLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...