CHAPTER 24

1.4K 42 0
                                    

CHAPTER 24

MAAGANG nagising si Fheyra dahil sa lakas ng tunog ng kaniyang phone, naiinis na bumangon siya sa kaniyang higaan at saka walang ganang sinagot ang tawag.

"Hello, Fheyra.. Miss me?"Nakangising sabi ng unknown caller.

Lumakas naman ang kaba na nararamdaman ni Fheyra. "Phyton?"Tanong ng dalaga sa kabilang linya ng ikinatawa naman ng lalaki.

"Ako nga, ako nga."Nakangising sabi nito.

"So, bakit ka napatawag?"Tanong ng dalaga kay Phyton.

"Lumabas ka sa mansiyon mo."Nakangising sabi nito na ikinakunot niya naman.

"At bakit naman ako lalabas?"Mapanghamong sabi ni Fheyra sa caller.

"Kung hindi ka lalabas, papasabogin ko ang bungo ng bestfriend mo, don't test my patience."Malamig na sabi ni Phyton na ikinabilis ng tibok ng dalaga dahil sa kaba.

"L-Lalabas na ako, please 'wag niyo lang siyang saktan."Pagmamakaawa nito sa kabilang linya.

"Madali ka lang naman palang kausap e, labas kana and don't worry wala naman dito ang minamahal mo e, busy sa kompanya niya."Natatawang sabi ni Phyton na ikinakuyom ng dalaga sa inis.

"Lalabas na ako."Malamig na sabi ng dalaga at saka ibinaba ang tawag.

Waalng emosyon siyang bumaba sa hagdan at saka lumabas sa mansiyon, gaya nga ng sinabi ni Phyton, nasa labas na ito habang nakangise.

Naka-cemento parin ang kanang kamay nito na binali ni Zede dahil sa inis.

"Ano bang kailangan niyo sa'kin?"Walang emosyong tanong ko sa kanila at sinampal niya naman ako ng napakalakas na halos ikinabuwal ko sa aking kinatatayuan.

"Dahil sa lalaki mo, hindi ko na magalaw ang kanang kamay ko dahil binali ng pesteng lalaki 'yun kaya nandito ako para maghiganti!"Galit niyang sabi.

Kahit na walang emosyon ang ipinakita ng dalaga, hindi parin nito maalis ang kaba sa kaniyang dibdib dahil takot na baka hindi ang sa sakit sa puso ang ikakamatay niya, ngunit dahil sa kamay ng lalaking 'to.

"Bakit pinalabas mo ako sa mansiyon at pinagbantaan pa si Elaine para lamang makaganti ka kay Zede?"Tanong ni Fheyra sa lalaki.

Ngumise naman ito."Dahil gagamitin kita. Ikaw ang maging daan ko sa aking paghihigante."

Napatigil naman ang dalaga. "A-Ano?"

"Ikaw mismo ang mananakit sa kaniya, at dahil naman babae ka kaya hindi mo magawang humawak ng mga matatalim na armas, kaya using by your words nalang paniguradong masasaktan ang lalaking 'yun sa mga sasabihin mo at sa gagawin."Nakangising sabi nito na mas ikinalakas ng kabog ng dibdib no Fhey.

"N-No...H-Hindi ko sasaktan siya sa pamamagitan ng masasakit na salita at mas lalong hindi ko kayang saktan siya."

Ngumise naman si Phyton at saka lumapit sa dalaga, malakas niyang sinampal ang dalaga at saka hinawakan ang baba nito.

"Gagawin mo o sasabog ang bungo ng babaeng bestfriend mo na 'yun! Choose!"Galit nitong sabi na ikinahikbi ng dalaga.

"G-Gagawin ko na..."Naiiyak na sabi ng dalaga na ikinangite naman ni Phyton, isang ngiteng tagumpay.

"Mabuti naman. Para makasiguro akong magsasabi ka ng mga masasakit na salita sa kaniya, ilagay mo ang clip na 'to..."Sabay lahat ng isang black na clip. "Sa suot mong damit."

Nanginginig ang mga kamay nito habang kinuha ang clip at inilagay ito sa kaniyang damit.

"Good. Now go, papunta na siya dito."Nakangising sabi nito sabay tingin sa kaniyang led watch.

Naiiyak na pumasok sa mansyon ang dalaga at saka umupo sa sofa habang hinihintay si Zede na makauwi.

Wala pang limang minuto ay dumating na siya, nakangiting yumakap ito sa kaniya.

Napabitaw ito sa pagkayakap sa dalaga at takhang tiningnan niya ito dahil hindi ito yumakap pabalik sa kaniya gaya ng gawain sa kaniya ng dalaga.

"What's wrong?"Nag-alalang tanong ni Zede sa kaniya na mas lalong ikinahikbi ng dalaga.

"Z-Zede....I'm b-beaking u-up w-with you...Hindi ko na kaya, p-pagod na ako sa r-relasyon n-natin."Naiiyak na sabi ng dalaga na ikinatigil naman ng lalaki.

Nanginginig ang mga katawan nito at naluluhang tiningnan ang dalaga. "Why? Ano ba ang nagawa ko? Anong mali ko? Please tell me para maitama ko ito, just please don't leave me...Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala ka. Please...Dahil ba medyo nawawalan na ako ng oras sa'yo dahil sa kompanya? Please, just tell me the reason para maitama ko. Kung sa kompanya, hindi na ako papasok dahil kaya naman nitong tumakbo kahit na wala ako doon. Please don't leave me."

Mas lalong lumakas ang hagulgol ng dalaga at napailing. "That won't do. Pagod na pagod na ako sa relasyong 'to kaya taposin na na'tin 'to. Walang kinalaman ang trabaho mo dito. Kung iniisip mo na tungkol rin ito sa sakit ko, hindi rin. Hiniwalayan kita dahil pagod na pagod na ako kakaintindi sa'yo, pagod na ako sa putang-inang relasyon na'tin! Buo na ang desisyon ko, hiwalay na tayo sa ayaw at sa gusto mo!"Walang emosyong sabi ng dalaga.

I'm sorry Zede, lahat ng mga salitang binitawan ko ay puro kasinungalingan lamang. Mahal na mahal kita at wala akong planong makipag-hiwalay sa'yo.

"Why? Bakit mo ako hihiwalayan? Okay naman tayo kagabi a."

"Pagod na ako, Zede."

"If you're tired then rest!"

"Ayokong makita ka."Sabi ng dalaga.

"Sana sinabi mo para itago ko muna ang mukha ko pansamantala!"Sarkastikong sabi nito.

"Hiwalay na tayo, wala ng pakialam sa buhay, ayoko na sayo, ayoko nang makita ka—"

"What happened to your cheeks?"Walang emosyong sabi ni Zede na ikinatigil naman ng dalaga.

"None of your business. I'm going now, and don't you dare to follow me dahil wala ng tayo."Malamig na sabi ng dalaga at saka umalis sa mansyon na may dalang hinanakit sa puso nito.

Sa may di kalayoan ay nakita niya si Phyton na may malaking ngise sa labi nito.

Alam niya na pag-hindi niya sinunod si Phyton ay papatayin siya nito at papatayin niya rin si Elaine na walang ka-alam alam sa nangyari.

Mahal na mahal niya ang bestfriend niya at mahal niya rin si Zede. Pero hindi na niya alam kung anong mangyari.

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now