CHAPTER 3

2K 52 2
                                    

CHAPTER 3

NAG-LOG-IN muna ako sa Instagram total hindi pa naman ako inaantok at saka matagal tagal na rin akong hindi naka-log-in sa instagram ko. Ano na kaya ang mga updates ngayon.

Pumunta kaagad ako sa mga messages kasi maraming nagmessage. Pero only one messages caught my attention.

Binuksan ko naman ito, actually ini-stalk ko muna siya, nafollow pala ito kaya finollowback ko rin naman siya.

‘Yung profile niya ay kulay black tapos parang may smoke na galing sa sigarilyo na ganun.

Z_RM: Hi? How are you?

Kumunot naman ang noo ko sa mga tanong niya. Parang feeling close 'to a.  ZRM? 'yun ba ang pangalan niya? Ang weird naman gaya ng pagkaweird ng profile niya.

Wala rin itong post na ikinabuntong-hininga ko, ano ba ang itsura ng taong nagmamay-ari sa account na'to?

Pero hindi ko alam kung bakit 'yung message niya ang nakakuha ng aking atensiyon, I mean hindi naman sa nagpapa-fame a pero hindi talaga ako mahilig magreply.

Except lang kung mga kababaehan ang mag-message sa'kin. Hindi naman lesbi ako, ewan ko ba pero mas komportable ako sa mga kapwa ko babae kesa sa mga lalaki ngayon.

Fhey_ra: Hello? I'm fine, you english?

Wala e, mahirap na pag-englishero pala ang isang 'to baka dudugo na naman ang utak ko sa kakaintindi ng mga spookening nila.

Medyo nakakaintindi naman ako ng english pero hindi naman as-in na magaling ako, hindi ako masyadong maka-speak in english kasi nga hindi ako marunong.

Pero dahil nga maunawain ang panginoong diyos, nakapagtapos rin naman ako ng pag-aaral kahit na kapos sa pera.

Z_RM: Silly, you can speak tagalog if you want, I can understand.

Wew! Nakakaintindi rin pala ito ng tagalog, mabuti naman kung ganun.

Fhey_ra: Ganun ba. Hihi, mabuti naman kung ganun.

Wala na kasi akong topic n maisip at saka kakakilala ko lamang sa lalaking 'to.

Time check: 1:00 am

Napahikab naman ako, mukhang kailangan ko ng matulog para makahanap ako ng bagong part-time bukas.

Actually iba ang part-time ko umaga tapos pag-gabi naman, doon ako sa Bar na pagmamay-ari ni Elaine, permanent na kasi akong magtatrabaho doon, except nalang kung mag-resign ako.

Kung ano ano nalang kasi ang naging sideline ko lalo na sa umaga, siguro naman kailangan ko nang maghanap ng permanenteng pagtatrabahoan.

Naglog-out na ako at saka inilagay ang phone ko sa may table ko at saka pinatay ang ikaw at natulog na.

Finding Job, begins.

MAAGA akong nagising para magbihis at ayosan ang buong katawan ko. Naligo na rin ako, pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa maliit kung salamin.

Naglagay lang ako ng liptint sa labi ko, kahit 22 years old na ako, nagli-liptint parin naman ako, hindi kasi ako komportable sa lipstick e.

I bun my hair at saka ibinaba ko ang mga baby hair ko para mas magandang tingnan, kunwari messy hair.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko at saka ang applicant form. Actually, si Elaine ang nagparegister sa'kin na ito daw ang kunin kung trabaho.

Hindi pa kasi sinabi na kung ano ang trabaho ko o kung sino man ang matanggap.

Buti naman at tinulungan ako ni Elaine na mmaghanap ng permanteng trabaho pag-umaga dahil kung hindi, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

Actually pang gabi lang talaga ang Bar na tinabahoan ko, pinakiusapan ko si Elaine na sa gabi ang shift ko kasi kailangan ko ng pera.

Buti naman at pumayag naman siya, may isang babae kasi ang nagbolontaryo na maging waitress din doon ngunit sa umaga lang ito, hindi kasi ito sang-ayon sa pang-gabi na shift.

Mahigpit ang hawak ko sa applicant form. Nasa tapat na ako ng sinabing bahay, na dito daw kuno ako mag-aaply.

Nanginginig at nanlalambot ang mga tuhod ko, nag-sign of the cross muna ko pinindot ang doorbell.

"This is it! Goodluck sa'yo self, galingan mo sa pagsagot ha. Kaya mo 'to, wag kang panghinaan ng loob lalo na't kailangan mo talaga ng pera, kailangan na kailangan mo."

Napatikhim naman ako at saka inayos ang suot ko, nakapencil ako at saka nakablouse na kulay white.

Napatalon naman ako ng konti ng biglang bumukas mag-isa ang gate, napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng tibok.

"Calm down heart, wala lang 'yun....Di-remote lang 'yung gate. Wag kang kabahan at saka dapat masagot na'tin ang mga tanong nila."Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Para tuloy akong naging tanga kakausap sa sarili ko. Hayss. Hindi ko nalang ito binigyang pansin, hanep na bahay 'to pang mansyon ang peg dahil sa laki.

Nagulat nga kasi ako dahil biglang bumukas mag-isa ang gate, akala ko minumulto ako.

Buti naman at medyo may alam naman ako sa mga ganitong uri ng gate, 'yung tipong bubukas lang pag may pinindot ang may-ari sa isang button o kung saan pipindutin.

Nanginginig ako habang pumasok sa loob ng mansiyon, buti naman at nakita ko kaagad ang pintoan ng mansiyon na 'to dahil paniguradong maliligaw ako dahil sa sobrang laki.

Binuksan ko na ito at saka nakita ko naman siya, na nakaprenteng upo habang walang emosyon siyang nakatingin sakin.

Nanghina naman ang mga tuhod ko dahil sa mga tingin niya, mas lalong nanghina ito dahil sa lalaking 'to.

"G-good m-morning, Sir, I-I am here to apply."Nauutal na sabi ko sa kaniya na ikinataas naman ng kaniyang kilay.

"Do you know what job it is?"He coldy said na ikinakunot ko naman.

"Po?"

"I hate repeating myself."Malamig niyang sabi na mas lalong ikinadagundong sa puso ko.

"H-hindi p-pa p-po, h-hindi k-kasi s-sinabi s-sakin ng taong nagpa-apply sa'kin dito."Kinakabahang sabi ko na ikinatango naman niya.

"Why do you want to work here?"Malamig na tanong niya.

"I need money, Sir. Kailangan ko ng pera kaya kailangan ko rin ang trabahong 'to, I can do any household chores."Seryosong sabi ko.

"Good. You're hired."Malamig niyang sabi na ikinatili ko dahil sa saya.

"By the way, ano po ba ang trabaho ko?"Masayang tanong ko sa kaniya.

"You'll be my pet."

W-What!?

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now