CHAPTER 8

1.6K 52 0
                                    

CHAPTER 8

GAYA NGA ng sinabi ko, tinabihan ko siya sa kaniyang pagtulog. Isa rin ito sa trabaho ko bilang isang Pet niya. Tss.

Pero bakit parang mas gugustohin kong makatabi siya? Okay, this si really getting weird. Lumalandi na ba ako? Oh my ghad!

Natigilan namana ko ng niyakap niya ang bewang ko at hinapit ako papalapit sa kaniya, ang kaniyang mukha ay nakabaon na sa leeg ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Shocks! Bakit ko ba ito naramdaman! Bakit ba kasi ako ang nagsuggest na tatabi ako sa kaniya kaya hayan tuloy ang puso ko, nagdisco na loob sa katawan ko.

"Fheyra...."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng sambitin niya ang pangalan ko. Why does it sound sexy when he uttered my name?

"Hmm-mm?"

"Breathe."Mahinang sabi niya na ikinahinga ko naman.

Ngayon ko lang pala narealize na kanina ko pa pinipigilan ang hininga ko. Shocks! Kung ano ano nalang ang pinaggagawa ng lalaking 'to sa sistema ko.

"Zede..."Pagkukuha ko ng kaniya g pansin. "Yes?"

"Hindi ka ba napapagod?"Wala sa sariling tanong ko.

Napakunot naman ito. "Napagod, saan?"

"Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isip ko, pahinga ka rin minsan."Wala sa sariling sabi ko sa kaniya na ikinatawa nito ng mahina.

Napatakip naman ako sa bibig ko dahil kung ano ano nalang ang lumabas na salita dito. Mahina kong tinampal ang bibig ko dahil sa kadaldalan nito nagawa pa talaga akong ilaglag.

"I-I mean—"

"No need to explain, I get it...clearly."Natatawang sabi niya na ikina-init ng mga pisnge ko.

"H-Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."Halos pabulong na sabi ko sa kaniya na ikinatawa naman nito.

"It's okay, I get it. Magpapanggap nalang ako na hindi ko 'yun narinig."Nakangising sabi niya na mas lalong ikinainit ng pisnge ko.

Mahina kong tinampal ang kaniyang braso. "Matulog na nga tayo, pa-umaga na o."Sabi ko at tumango naman ito.

Mas hinigpitan naman nito ang kaniyang yakap sa'kin at saka mas isiniksik nito ang kaniyang sarili sa leeg ko. Nang maramdaman kong bumigat na ang kaniyang paghinga ay natulog na rin ako.

I hope nice day will come tomorrow. Please take care of my heart.

NAGISING ako ng walang katabi, napatingin naman ako sa alarm clock, mukhang hindi niya pina-alarm ang alarm clock para hindi ako magising.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil ala-una na ng hapon. Grabe, ang haba pala ng tulog ko. Ngayon lang ako nakatulog ng ganito kahimbing at ganito ka haba.

Usually, I only sleep 2 hours, 3 hours or mas worse hindi ko talaga magawang matulog dahil sa kakatrabaho.

Bumaba na ako, naabotan ko naman siyang nagkakape sa hapag-kainan habang nakatingin sa Magazines.

Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko, napatingin naman ito sa'kin at saka isinara ang magazine na pinagtutuonan nito ng pansin.

Ang buong akala ko ay babalik ito sa pagiging walang emosyon pero laking gulat ko ng ngumite ito sa'kin at saka umalis sa hapagkainan at saka dinamba ako ng yakap na mas lalong ikinalaglag panga ko.

Seriously? Anong nangayari sa walang emosyon na Master ko? ‘Yung master ko na walang kabuhay buhay ang kaniyang mga mata?

Pero bakit biglang nag-iba ito ngayon? Ngumite na ito, anong nakain niya?

His smile seems so genuine. Seriously? Kinilabutan na ako sa lalaking 'to, kung kagabi hindi pa ako masyadong magtakha kasi alam kong pagod ito at saka maraming iniisip.

Pero ngayon, hindi na naman ito pagod, parang wala naman siyang iniisip na mabigat ngayon a pero bakit naging ganito ang kaniyang pakitungo sa PET niya 'kuno'?

Hinawakan niya naman ako sa balikat at nag-alalang tiningnan ako. "Hey, are you okay?"Tankng niya sakin na ikinabalik ulirat ko.

"Yes, I'm okay. Ikaw?"Tanong ko sa kaniya at ngumite naman siya sa'kin.

Shocks! Hindi ko alam na nakalaglag bra at panty pala ang lalaking 'to!

"I'm fine."Nakangiting sabi niya sa'kin.

Please lang, 'wag kang ngumite, maawa ka naman sa Bra at Panty ko baka masira ang garter ng panty ko at saka masira ang hook nitong bra ko! Wala na akong extra kasi wala na akong pera!

"Hehe...Mabuti naman kung ganun, magluluto muna ako.."

Akmang aalis na sana ako ng pigilan niya ako, hinila niya ang kamay ko papalapit sa kaniya kaya tumama naman ang mukha ko sa dibdib niya.

Argh! Bakit ang bango rin ng lalaking 'to? At bakit ba panay komento ko? Lumalandi na ba ako sa Master ko?

"Don't go. I already cooked."Mahinang sabi niya habang ang kaniyang kamaya ay nakayapos sa bewang ko. Ang baba niya naman ay nasa balikat ko.

Shocks! Ngayon ko lang napansin na ito ang paborito niyang posisyon!

"‘Diba Pet mo ako? As a pet dapat ako ang magluluto, ako ang maglilinis, ako ang gagawa ng gawaing bahay-este mansiyon kasi trabaho ko naman ito, diba?"Sabi ko sa kaniya na ikinalukot ng kaniyang mukha.

"You're not my pet from now on. At isa pa, you don't have to clean or do the household chores dahil ako na mismo ang gagawa."Sabi niya na ikinalaglag ng aking panga.

Hinawakan ko naman ang kaniyang noo at saka ang kaniyang leeg kong may sakit ba siya o wala.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Anong nakain mo? Anong nainom mo? May gamot ka bang iniinom? Ano? Kailangan bang kabahan na ako? Magsabi ka lang dahil ipadala kita kaagad sa hospital. Kung pagod ka, pahinga ka ha."Masuyong sabi ko na ikinatawa naman nito.

"Wala akong sakit, I'm perfectly fine. And yes, nakainom na ako ng gamot."Nakangising sabi niya na ikinakunot ko naman.

"Wow a...Anong gamot ba 'yan na naging dahilan kung bakit bigla kang nagbago, bigla kang ngumite at mas lalong bigla ka nalamang naging mabait na alam ko namang katakha takha dahil hindi ka naman talaga mabait, ngumingite at mas lalong hindi mo aakoin ang trabahong para sa'kin."Sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.

Mas lalo niyang hinigpitan ang kaniyang yakap at saka mas lalong isiniksik niya ang kaniyang mukha sa leeg ko.

"You are asking what medicine I take? Remember the first word that's the answer."Mahinang sabi niya.

Remember the first word? You are asking....

Nanlaki naman ang mga mata ko. You is the first word.

Shocks!

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now