CHAPTER 9

1.6K 50 1
                                    

CHAPTER 9

KANINA KO pa gustong pakawalan ang lahat ng kilig na naramdaman ko, nasa banyo ako, naliligo. Kahit na alas dos na ng hapon, naligo pa rin ako.

Kinilig ako sa sinabi ng lalaking 'yun! Argh! Hindi parin tumigil sa pagtibok ng puso ko, alangan namang titigil ito dahil kung titigil ito sa pagtibok, malamag patay na ako.

Nang matapos na akong maligo ay itinapis ko sa aking katawan ang tuwalya, hinayaan ko lang ang buhok kong basa pa. Lumabas na ako sa banyo.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa tuwalya ko ng makita ko siyang prenteng nakahiga sa kwarto ko, I mean guess room ito ngunit ito ang napili ko para maging kwarto ko.

Tumingin naman siya sa'kin, mula ulo mukhang dyosa.

Tinaasan ko naman siya kilay. "What are doing here?"

"Damn, you're so hot."Bulalas niya na ikinainit ng pisnge ko.

Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa tuwalya ko dahil parang isang ngite lang niya, laglag na ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko.

"Labas ka muna."Mahinang sabi ko sapat na para marinig niya naman.

Ang buong akala ko ay lalabas siya pero nagkamali ako, instead na lumabas siya, naglakad ito papunta sa direskyon ko, nakapamulsa itong naglakad papunta sa'kin. Wearing his smile.

Dear Towel,

     Please lang, kumapit ka muna sa'kin ha, wag ka munang maging marupok dahil pareho tayong lagot kay nanay ko na nasa heaven na, maiitak rin tayo ni Tatay na nasa heaven na din.

                            Nagmamahal,
           Hindi po ako marupok, promise.

"Why? Hindi ka ba makabihis ng nandito ako? I already seen your upper body."Nakangising sabi niya.

Dala na rin siguro sa hiya, kung ano ang nahawakan ko, 'yun ang naging ibinato ko sa kaniya.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mali pala ang nabato ko.

Kinuha niya naman ito na nasa mukha niya, agad akong lumapit sa kaniya para agawin ito sa kaniya pero itinaas niya ito gamit ang kaniyang isang kamay, at dahil mas matangkad siya sa'kin, nahihirapan akong abutin 'yun.

Dahil sa katangahan ko, 'yung bra ko ang nabato ko sa kaniya na tumama sa mukha niya.

Dear Bra,

       Ang landi mo rin e 'no, alam kong sinadya mong naglakad papunta sa kamay ko para kunin kita at maibato ka sa hot at yummy na lalaking 'yun.

                                        Nagmamahal,
                                       Ang naiinggit :<

Dahil nga matanggkad siya, panay abot ko para makuha ang malanding bra na 'yon sa kamay niya at saka mahina akong tumalon para makuha ko sa kaniya ang bra kong hawak hawak niya.

Pero sadyang mapaglaro si Tadhana, 'yung towel ko pa ang nahulog. Napatili naman ako kaagad.

Niyakap niya naman ako kaagad. "I'm sorry."Mahinang sabi nito habang yakap yakap niya ako, para hindi niya makita ang katawan ko.

Ang kaniyang mukha ay nasa leeg ko, mas hinigpitan nito ang yakap niya sa'kin. Gamit ang kaniyang paa, kinuha niya ang towel gamit ang paa niya.

He withdraw his right hand para kunin ang tuwalyang nasa kaniyang paa habang kaniyang mukha ay nasa leeg ko parin.

Nang makuha na niya ang tuwalya ay binalot niya ito sa aking katawan.

"I'm sorry."Mahinang sabi niya na ikinabuntong hininga ko naman.

"It's okay."Nakangiting sabi ko habang mahinang hinaplos ang kaniyang buhok.

Kung siguro hindi niya ako niyakap para hindi nito makita ang katawan ko, malamang naiinis ako sa kaniya pero instead of looking at my body, he just hugged me to cover myself and to refrain himself from looking.

Parang may kung anong humaplos naman sa puso ko dahil sa ginawa niya.

"Lalabas muna ako, magbihis ka na."Sabi niya at marahan naman akong tumango, lumabas naman ito kaya napabuga naman ako ng hangin.

Dahil kanina ko pa pinigilan ang hininga ko, napahawak naman ako sa dibdib ko na bumibilis ang pagtibok nito.

Ano na bang nangyari sa'kin? Bakit pag malapit siya sa'kin ay mas lalong bibilis amg tibok ng puso ko? Dapat na ba akong kabahan kung ganun?

Pero kailangan ko ring ingatan ang puso ko dahil mahirap na, mahal ko ang puso ko at wala akong pera pampa-opera kung may mangyari sa puso ko.

Kaya ika nga nila 'Prevention is better than cure'

Agad naman akong nagbihis, mabuti naman at binitiwan na niya ang bra kong ibinato ko sa kaniya kanina.

Nang matapos na akong magbihis ay agad akong bumaba doon, naabotan ko naman siyang nakahiga sa isang sofa, mukhang pagod na pagod siya a Or may iniisip lang siya?

Alas singko na ng hapon, only one hour left dahil pag alas says na ng hapon ay pupunta na ako sa Bar.

Dumilat naman ang kaniyang mga mata, saka tumayo at saka nakapamulsang naglakad ito papalapit sa'kin.

"Talaga bang hindi ka mag-resign sa Bar na 'yun?"Kunot-noong tanong niya at tumango naman ako saka ngumite.

"Buo na ang pasya ko, isa pa nandoon si Elaine e siya kasi ang may-ari ng bar na 'yun at ayaw kung iwan siya e."Nakangusong sabi ko na ikinabuntong hininga naman niya.

"Okay, basta sasama ako sa'yo."Sabi niya na ikinakunot ko naman.

"Ano? Bakit naman?"Takhang tanong ko sa kaniya.

"Baka naman may mambastos sa'yo at ayokong binabastos ka, mapapatay ko talaga sila."Malamig na sabi niya na ikinabuntong hininga ko.

Lumapit ako sa kaniya at saka mahinang tinapik ang kaniyng pisnge.

"What did I say?"

"....unless they provoked me."Sabi niya na ikinangite ko naman.

"Good. Teka nga, wala ka bang trabaho?"Tanong ko sa kaniya.

"They can manage without me."Sabi niya na ikinairap ko.

"Kahit na, teka anong trabaho mo?"Tanong ko sa kaniya.

"I have 10 company in all around the world, one in Philippines, one in Japan, one in Spain, one in Italy, one in Greece, one in China, one in Korea, one in—"

"Oo na, ikaw na ang may maraming kompanya, wag mo nang banggiting lahat. Pero sino ang nagmanage doon?"Takhang tanong ko sa kaniya.

"I have a personal secretary, maasahan ko sila lahat. One secretary per company. Don't worry, lalaki silang lahat."Sabi niya na ikinairap ko naman.

"Ah okay, edi ikaw na ang mayaman."

                           

LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔Where stories live. Discover now