CHAPTER 13
NAPATIGIL naman ako sa pagdidilig ng mga halaman ng may yumakap sa'kin sa likod. Hindi ko na namalayan na tuluyan na pala akong nahulog sa kaniya. Walang araw, walang oras at walang segundo na hindi ako napamahal sa kaniya.
"Date tayo?"Tanong niya sa'kin na ikinatawa ko ng mahina.
Actually, nanligaw na rin ito sa'kin kahit na kating kati na ang mga lalamunan ko na sabihin sa kaniya ang katagang matagal na niyang inaasam.
Pero pinigilan ko muna, pa hard to get muna ako para hindi easy to forget. Isa pa, plano ko na rin siyang sagotin, naghahanap lang ako ng tyempo.
Mag-iisang buwan na rin akong nililigawan niya. Sinabihan pa ako ni Elaine na bakit ko pa daw pinatagal kong pwede ko namang madaliin.
Sinabi ko naman sa kaniya na hindi nagkakarera ang isang relasyon, sa isang relasyon walang nagmamadali dahil hindi contest, patagalan lang ang meron sa isang relasyon para hindi mauwi sa hiwalayan.
"Sure, pagkatapos ko lang na magdilig ng mga halaman."Nakangiting sabi ko sa kaniya.
Hindi parin ito bumitiw sa kaniyang mga yakap, nakayapos parin ang kaniyang kamay sa bewang ko habang ang kaniyang baba ay nasa balikat ko.
"Tanggalin mo 'yang kamay mo sa bewang ko."Sabi ko na ikinasimangot niya naman.
"And why? Nagsasawa ka na ba sa mga yakap ko?"Pagtatampong sabi niya na ikinatawa ko naman ng mahina.
"Hindi naman sa ganun, pinagtitinginan na kasi tayo ng mga taong dadaan e."Sabi ko sa kaniya na ikina-ingos niya naman.
"Inggit sila? Pakamatay sila."Inis niyang sabi na ikinatawa ko naman ng mahina.
"‘Yang bibig mo talaga, pumasok ka na doon, susunod lang ako kaagad."Sabi ko sa kaniya at nakangusong tumango ito at saka pumasok sa kaniyang mala-mansiyon na bahay.
Actually, kami lang ang nakatira sa bahay niya. Ang laki laki ng kaniyang bahay tapos dalawa lang kaming nakatira dito.
Nasaan kaya ang pamilya niya? Bakit kaya siya binansagan na devil e hindi naman siya magmukhang satanas?
Actually nga, siya pa nga ang nakilala kong pinakasweet sa balat ng lupa e tapos tatawagin lang nilang devil.
Noong una natawag ko siyang demonyo sa sobrang inis tapos rumored rin na may ugali itong pagkademonyo.
Pero mukhang wala lang sa kaniya ang pagtawag sa kaniya ng mga tao na Devil, mukhang nasasanay na rin siya.
‘Yan din naman ang tawag ng kaibigan niya sa kaniya pero parang wala lang ito sa kaniya at hinayaan lamang ang mga ‘yun na tawagin siyang devil.
Mukha ngang natutuwa pa nga ito pagmay tumawag sa kaniya na demonyo e. May saltik ata ang lalaking ‘yun.
Nang matapos na ako sa pagdidilig ng mga halaman ay pumasok na ako sa bahay niya at saka pumunta sa kwarto ko.
Naabotan ko naman siyang nagseselphone sa kama ko, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"What are you doing here?"Nakapamewang na tanong ko sa kaniya at ngumise naman ito.
"Wala lang naman, hinihintay lang kita."Nakangising sabi niya na ikinairap ko naman.
Letseng lalaki 'to, maghihinatay na nga talagang sa kwarto ko pa. Nakabihis na rin ito ng kaniyang damit kaya hinihintay niya lang ako.
Umirap naman ako. "Lumabas ka."
Umiling naman ito."Ayaw ko."
Iniripan ko naman siya at saka naglakad papuntang closet at saka kinuha ko ang tuwalya at saka pumasok na sa banyo.
Then nilock ko ang pinto para walang makapasok dahil naku mahirap na baka may pumasok ng walang paalam.
May pagkamanyak pa naman ang lalaking 'yun. Hinubad ko na ang lahat ng damit ko at saka binuksan ang shower.
"Can I join, Baby?"Tanong niya habang nasa labas pa nito at pilit na buksan ang pinto.
"Join mo mukha mo! Subukan mong pumasok dahil ipapahigop ko sayo ang tubig na nasa bowl."Pagbabanta ko sa kaniya at tumigil naman ito sa pagbubukas ng pinto.
Napairap naman ako sa kawalan at napabuntong hininga habang sinabonan ang buong katawan ko, then pumunta ako sa may isang sukok dahil may bathtub.
Dahil nga nanghihina na ang mga tuhod ko sa hindi ko alam ang kadahilanan, pumunta ako sa direksyon ng bath tub at doon ko nalang ipinagpatuloy ang pagsasabon ko.
Pinuno ko ng tubig ang bathtub, actually dahil mayaman ang lalaking 'yun, medyo malaki ang bathtub.
Isinara ko na ang tubig dahil medyo napuno na ang bath tub, hanggang dibdib ko na ang tubig. Kinuha ko ang sabon na inilagay ko sa malinis na sahig malapit sa bathtub.
"I can do that for you."Napatigil naman ako sa pagsasabon ng may nagsalita sa likod ko.
Nanlalaking matang hinarap ko siya. "What are you doing here? Sinabi ko sayo na huwag kang papasok! Did you prick the door?"Inis na sabi ko at umiling naman ito.
"Dumaan ako sa bintana."Nakangising sabi niya na ikinasingkit ng mga mata ko.
"At talagang inakyat mo pa ang malamansiyon mong bahay para makasama ka sa pagligo ko, nahihibang ka na ba o nasobrahan lang sa pagkamanyak mo?"Inis na sabi ko na ikinatawa niya naman.
"Pwede both?"Natatawang sabi niya na ikinairap ko.
Napatili naman ako ng hinubad niya ang kaniyang mga damit, agad kong tinakpan ang mga mata ko.
"Magdamit ka nga!"Inis na sabi ko sa kaniya, naramdaman ko naman na nasa bathtub na siya.
"Ayoko nga, hindi ako komportableng maligo pag nakadamit."Nakangising sabi niya na ikinairap ko.
"Ewan ko sa'yo, diba naligo ka naman kanina? Bakit naligo ka na naman?"Inis na sabi ko habang ang mga palad ko ay nakatakip pa sa buong mukha ko.
Talagang ginawa pa niyang makasalanan ang mga mata ko.
"Wala lang, gusto ko lang na makasama ka habang naliligo."Nakangiskng sabi niya.
"Ang sabihin mo, manyak ka lang talaga. ‘Wag ka lang magkakamaling lumapit sa'kin dahil masusuntok talaga kita."Pagbabanta ko naman sa kaniya na ikinatawa naman niya.
"Don't worry, wala naman akong gagawin sa'yo, maliligo lang talaga ako kasama mo."Sabi niya na ikinahinga ko ng maluwag.
Tinaggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
Fudge! One, two, three, four, five, six, seven....eight yummy pack abs!
"Pero kung gusto mo naman, aba'y hindi ako papalag."Nakangising sabi niya.
"ZEDEKIAH RHYS MONTERO, OUT!"
YOU ARE READING
LIVID SERIES 3: ZEDEKIAH RHYS MONTERO✔
Художественная прозаLIVID SERIES 3: DEVIL ZEDEKIAH RHYS MONTERO was a devil, he doesn't know the word mercy and even the word 'Love'. In his life, he realize his doings that all of 'em are mistakes. His life is full of so many regrets. A devil that has many secrets. Sh...