Mabagal na update...
*****PINAG AARALAN KO pa ang kaso na binigay sakin ni general. Hindi ko kasi alam kong saan ko sisimulan kong gayong wala talaga akong nalalaman sa nangyayari. Sobrang talaga na ang case na ito bata pa ako nung nangyari yon. Kaya sumasakit ang ulo ko kung paano ko sisimulan ang pag iimbestiga.
Napabuntong hininga nalang ako at sinara ang folder ng case at tinago ko muna. Marami pa akong file na babasahin.
Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari sa bar ang ginawa ko. Kung saan nakuha ng pesting Francisco na yon ang first kiss ko. Naalala ko na naman ang malambot na labi niya na dumapi sa labi ko. Dahil sa naisip ko nakaramdam agad ako ng init s katawan. shit Gabby tumigil ka nga!sita ng utak ko.
Breaking news: The Chief of Police Justine Francisco spotted kissing a simple woman in the HD bar, a few days ago. The woman kicked Mr. Francisco in front of everyone...blah...blahh..blah.."
Napatigil ako sa pagsubo nang makita ang news nanlaki ang mata ko nang may pinakitang video buti na lang medyo madilim at nakatalikod ang kuha nito sakin. Pinakita pa sa video kung paano ko sipain ang lalaki sa dibdib at natumba tapos pumatong ako sa mesa at tinapakan pa ito. Salamat sa kumuha ng video dahil puro nakatalikod ang kuha ko dun. At an hiyawan kong pano ako hAlikan ng gagong yon sa harap ng lahat.
Tinapos ko ang pagkain at agad bumalik sa office ko. Halos buong oras akong nakipagtitigan sa kisame hindi ko namalayan hapon at out ko na. Niligpit ko ang mga gamit nagmadaling lumabas ng opisina. Nakasalubong ko pa ang ibang tauhan ko paout na rin ang mga ito.
Nagdrive ako patungong cafe ni Bea parang gusto ko ngayon uminom para maiwaglit ko ang eksenang yon. Mabuti nalang bago ako umeksena naioff ko ang lahat ng camera sa bar.
Maaga kaming nakrating dito sa bar,si Fia kanina pa tanong nang tanong kong ano ba gagawin namin dito. Nagpaalam ko saglit sa kanya tumango naman ito.
Pasimple akong naglakad sa pasilyo patungo sa cctv room ng bar mabuti walang tao sa loob at walang nakakita sakin. Pagkapasok ko nilock ko agad ang pinto at dali daling binura ang footage sa labas ng bar pati pagpasok. Nang madelete ko ang mga yon inoff ko ang lahat ng cctv sa buong bar. Dahil kong ano man ang kalalabasan ng gagawin ko wala ebedinsyang makukuha. Pagkatapos ng ginawa ko mabilis din akong lumabas sa silid na yon. Nagtungo muna ako sa washroom para ayusin ang sarili dahil pinagpawisan ako sa ginawa ko.
Pagkarating ko sa cafe agad akong sinalubong ni Fia. Alam ko na ang sasabihin nito dahil may mapaglarong ngiti sa labi niya habang nakatingin sakin. Inirapan ko na lang. Nagtungo ako sa counter at umupo sa high chair. Napatingin sakin ang kaibigan ko tutuk na tutuk ito sa laptop nasa harapan nito.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
Любовные романыMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...