TWENTY FOUR

8.7K 309 37
                                    

Typos bahala na kayo haha..

salamat ulit mga silent reader ko diyan Love you all..

_______

GABI na nang makauwe ako sa bahay ng mga magulang ko siniguro ko muna na maayos ang itsura ko bago ako umuwe ayoko naman pag alalahanin ang mga ito.

"Ate! saan ka galing kanina pa si kuya Justine pabalik balik dito hinahanap ka?." tanong sakin ng kapatid ko pagkapasok na pagkapasok ko sa pintuan tumigil muna ako,nasa sala kasi ito at nakaharap sa laptop. Sasagot sana ako nang lumabas galing kusina ang mama ko kasunod nito ang papa.

"Gabrielle akala ko ba naka leave ka bakit ginabi ka ng uwe? saan ka ba nanggaling hinahanap ka ni Justine hindi ka daw matawagan." palipat lipat ang tingin ko sa dalawa ang papa nakatingin lang sakin parang gusto din nitong magtanong pero pinilit nalang manahimik. Hindi ko na charge ang cellphone ko dalawang araw ng lowbat kay hindi ko din dinala kanina bago ako umalis.

"May pinuntahan lang po ako Ma, naiwan ko po ang cellphone sa kwarto hindi ko pa nachacharge lowbat." maingat ang pagsagot ko ayokong pumiyok dahil sumasakit na naman ang dibdib ko nang mabanggit ang pangalan ng binata at lumitaw naman sa isip ko ang eksenang nakita ko sa presinto. "Akyat na po ako." hindi man sila tumango o nagsalita naglakad na ko humalik muna ako sa pisngi ni mama pati na rin kay papa bago naglakad paakyat. Nakagat ko ang ibabang labi nang uminit na naman ang sulok ng mata ko dahil sa kirot ng puso ko.

Pagkapasok ko ng kwarto nilock ko agad ang pinto saka humiga at nakatigin sa kisame habang hinihimas ang tiyan. "Okay ka lang ba diyan baby? huwag kang mag alala hindi ko basta basta isusuko ang daddy mo maging buong pamilya tayo paglabas mo" napatingin ako sa impis kong tiyan at kinausap ang baby ko kahit maliit pa yan  mahal na mahal ko na agad siya . Tumayo ako para mag halfbath muna dahil mainit ang pakiramdam ko. Chinarge ko muna ang cellphone bago ako pumasok ng banyo.

"Take care of yourself iwasan ang pagpapagod stress at pagpupuyat bawal din magbuhat ng mabibigat maselan ang pagbubuntis mo lalo na unang baby mo pa lang ito"

Ilang beses umeco ang salita ni doctora sakin kanina bago ako neresetahan ng mga vitamins para inumin ko at ang gatas na para sa buntis. Tinapos ko na ang paghalfbath at nagbihis paglabas ko ng banyo,binuksan ko naman ang supot na pinamili ko sa drugstore. Saka ko na sasabihin sa magulang ko ang tungkol sa pagbubuntis ko hindi pa naman halata dahil maliit pa naman.

Pagbaba ko walang tao sa sala kaya nagtungo ako sa kusina nakita kong naluluto pa ang mama at ang papa naman nakaupo na at may binabasa.

"Tumawag si Justine hindi pa rin daw nakokontak number mo, ikaw na bata ka sabihin mo nga sakin nag aaway ba kayo ng nobyo mo?" binitawan nito ang sandok at nameywang na humarap sakin kumuha kasi ako ng baso para uminom ng tubig. Napatingin ako kay papa na inalis ang mata sa binabasa at nakatingin na sa amin. Inubos ko muna ang laman ng baso bago sumagot.

"Ma  hindi porket hindi ko siya nakakausap eh galit na agad ako, gusto ko lang pong mapag isa kahit saglit yong wala siya sa paligid ko,tsaka masyado kong mahal ang relasyon namin hindi ako gagawa ng ikakasakit ko." sabi ko at lumapit sa kanya para lambingin ito. "Mama talaga ohh! masyado naman po kayo concern sa relasyon namin." nangingiti kong sabi habang nakapatong ang baba ko sa balikat nito. Napatawa tuloy ako nang ginalaw nito ang balikat kaya naalis ko ang pagkapatong ng baba ko.

Hindi na ito nagsalita at humarap na sa niluluto mayamaya pumasok si Tricia at nanlaki ang mata ko nang makita kong sino ang nasa likuran nito saakin agad ang tingin niya  at nakita kong may lungkot ang kislap ng mga mata nito,nakatitig lang ako sa kanya papalapit ito sa kinatatayuan ko lumakas ang kabog ng puso at kumirot ito nang maalala ko na naman ang nabasa ko sa internet pero hindi ako nagreact nanatili akong nakatitig sa kanya. May hawak itong pumpong na roses.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon