EIGHT

7.6K 252 7
                                    

Skip ako sa mga imbestigasyon THinggy wala po akong alam sa batas batas imbestiga' chaaarr '.

______

"ANONG nangyayari Bea? bakit nagwawala dito si Torres?" pagkapasok ko sa cafe ang magulong paligid ang naabutan ko at ang kaibigan ko nasa gilid lang ito nakatingin sa lalaki na nagbabasag ng gamit. Mabuti nalang talaga at konti pa lang ang tao dito kaya pinalabas ko nalang sila. Nanatiling walang imik si Bea. "TORRES ano bang problema mo at nagbabasag ka dito?!!" sigaw ko sa binata kaya napatigil ito at naglakad palapit sakin.

"Ilabas niyo si Kristelle sabihin niyo kong saan niyo siya tinago!!" balik sigaw nito sakin na ikinakunot ng noo ko. anong tinago ang sinasabi nito? alam namin na may hindi sila pagkakaunawaan ng kaibigan ko pero ang sinasabi niyang tinago? bakit naman namin gagawin yon.

"Anong sinasabi mo? at pwede ba Torres huwag ka dito mag eskandalo nakasira ka pa.!" sabi ko sa kanya.

"Si Kristelle sabihin niyo kong saan niyo siya dinala?" mas lalong nangunot ang noo ko at nabaling ang tingin ko kay Bea,dahil hindi ko alam ang sinasabi nito.

"Hindi pa namin nakakausap si Kristelle simula pa kahapon,bakit naman itatago namin siya,may sariling isip at desisyon ang kabigan namin, at pwede ba huwag ka ngang umakting na parang hinahanap mo siya dahil alam naman natin na niloloko mo lang siya.!" hindi ito nakasagot sa huling sinabi ko. Ngunot lang ang noo nito bago padabog na lumabas ng cafe.

Nang nililinis na ng mga crew ang loob dahil marami ang nabasag ng tarantadong lalaki na yon hindi nalang nagbukas si Bea ng cafe minabuti nalang nitong isara muna.

"Hindi mo pa ba nakokontak si Kristelle?."umiling lang si Bea

"Kahapon nagpunta din yon dito pero si Fia ang nakausap niya, hays saan na kaya ang babaeng yon.!" napabuntong hininga lang ito.

Ang buong akala namin nasa apartment lang buong hapon si Kristelle kahapon dahil hinayaan muna namin itong ilabas ang sakit na nararamdaman sa binata nang mahuli nitong nakipag date sa isang babaeng bruha. nanggigigil ako sa mukha ng babaeng yon.

Lumipas ang mga araw hindi pa rin nagpaparamdam si Kristelle at ang sabi ng kapitbahay nito ay umalis ito nung gabing hinahanap ng binata. Nag aalala naman kami dahil ang pagkakaalam namin wala na itong ibang pamilya kaya iniisip namin kong saan ba ito maaaring tumuloy. Sinubukan kong hanapin siya sa mga kakilala nito sa pinagtatrabahuan dati kaso wala din silang alam. Dumaan pa ang ilang araw at umabot ng buwan nang hindi talaga siya nagparamdam kaya sai namin ni Bea hayaan na lang muna baka nag iisip at gustong mapag isa lang.

"Kung hindi pa mahalata hindi mo pa sasabihin sakin." inikutan ko siya ng mata dahil madalas ko itong napapansin na marami ang kinakain yon pala naglilihi.

"Sorry na hindi ko kasi alam kong paano sabihin eh'." nahiya pa ito,binato ko nga ng balat ng mangga. Nangangasim ang mukha ko habang nakatingin dito na sarap na sarap sa kinakain.

"Sus ang sabihin mo mahilig ka talagang maglihim! nasaan na ba ang ama niyan ni hindi mo pa nga naipakilala sakin kahit minsan." patuloy lang ito sa pagnguya at may papikit pikit pa ito. "Ewan ko sayo! ako'y naglalaway sa ginagawa mo! Alis na muna ako dadaan pa ko presinto para makita ang mga suspek sa panggagahasa sa kapatid ko." tumayo na ko bebeso sana ako pero bigla ito lumayo. Hindi ko nalang pinansin naglakad na ko palabas.

Sa nakalipas na buwan sa wakas mabibigyan na rin ng hustisya ang gumawa nun sa kapatid ko. Nalaman ko din na lihim nag iimbestiga ang panganay na Francisco sa kaso ng kapatid ko,nalaman ko yon sa kasama ko sa presinto. Naikwento ko na rin kay Bea ang klase ng trabaho ko nang sabihin sakin ni mama na nasabi na nito kay Kristelle ang totoo. Hindi ko alam kong bakit nag iimbestiga din yon,naalala ko pa na ito pala ang naghatid sa amin sa hospital,na hindi ko alam kong bakit siya nandon sa labas ng gate nung araw na yon.

Pagkapasok ko sa presinto nagtungo ako sa kwarto kong saan dinala ang tatlong suspek. Uminit ang ulo ko at napakuyom ako sa kamao ng makita ang mga hayop. Isang lalaking puno ng tattoo sa katawan at maitim pa,ang dalawa naman ay may iilan lang tattoo may mga itsura din pero kung titingna mukha silang adik.

"Mga hayop kayo! mga walanghiya anong karapatan niyong sirain ang buhay ng kapatid ko ha! ANO?!!!" malakas ko silang pinagsusuntok kong hindi lang ako inawat. Nakita kong napangisi ang lalaking puno ng tattoo ang hikaw ito sa ibabang labi. Susuntukin ko pa sana ito nang awatin na ako ng mga kasamahan ko dito.

Pinilit namin silang ipaamin kong bakit nila ginawa yon sa kapatid ko,binaboy ang pagkatao nito pero ismid at pag ngisi lang ang ginawa nila.

Pagkauwe ko sa bahay sinabi ko sa magulang ko na nahuli na ang mga taong gumawa sa kapatid ko. Napaiyak na naman ang mama sa tuwing naaalala ang nagyari. Wala naman kami magagawa hindi na namin maibabalik ang nasira na,tanging hustisya nalang ang kaya namin, at mabubulok sila sa bilangguan.

Minsan nakakausap na namin si Tricia pero konti lang dahil bigla nalang itong umiiyak at yayakapin ang sarili na parang takot na takot. Tanging ang papa nalang namin ang pwedeng lumapit sa kanya,dahil takot na takot ito sa lalaki kahit sa mga tiyuhin namin. Pumasok ako sa kwarto niya at ang himbing na nag tulog nito inayos ko ang kumot hinaplos ang noo bago lumabas ng kwarto nito.

_____

Lumipas na naman ang ilang araw napapansin ko napapadalas ang yaya sakin ni Jemuel lumabas pero hindi ako pumapayag. Minsan naabutan ko ito sa cafe na umiinom tsaka nagkukwento ng mga nangyari sa araw niya. Habang kinukwento nito ang babaeng gusto pero malabo daw siyang magustuhan dahil balewala lang daw siya dito.

"Bakit hindi mo subukan ulit,baka nag iisip lang yon o kaya ayaw pa niya." komento ko.

"Kahit ilang beses kong kulitin ayaw niya pa rin niyaya kong lumabas ayaw niya din,lage siyang may dahilan." natutuk ang tingin ko sa kaniya habang nakatitig ito sakin at sinasabi anv mga salitang yon. 'ako ba ang tinutukoy nito?' pagtatanong ko sa sarili. Napalunok ako ng laway nang hindi man lang siya kumurap kurap habang ang mata sakin nakatitig,umiwas ako ng tingin at ininom nalang ang juice na nasa baso ko.

"Ahm...kailangan ko na palang umuwe baka hinihintay na nila ako mama." sabi ko nang maubos ang juice. Ayokong uminom ng alak dahil baka malasing ako mababa ng tolerance ko sa alcohol. Tatayo na sana ako nang may pumigil sa kamay kaya napatingin ako dun,sinundan ko ng tingin ang kamay at napatigil ako sa mukha nito na maamong nakatingin sakin.

"Gusto kita Bianca,everyday I asked myself 'paano nga ba ako magugustuhan nun? araw araw tinatanong ko sarili ko kong paano ko sasabihin na habang tumatagal nagugustuhan na kita hindi bilang kaibigan kundi bilang babae.." hinila ako ang kamay ko kaya napatigil ito. "Just forget it,huwag mo nalang isipin ang sinabi ko." anito at ito pa ang unang naglakad palabas ng cafe,at naiwan akong nakatigagal,natauhan ako nang mag ingay ang paligid dahil nagsisimula na ang midnight band palageng may ganitobkapag friday ng gabi.

Hindi ako makatulog dahil bumabalik sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Jemuel, 'bakit niya ako nagustuhan e' wala naman akong ibang ginawa para gustuhin niya. Tinatanggihan ko lage ang pagyaya sakin dahil ayokong bigyan niya ng kahulugan ang pagsama sa kanya. 'isang lalaki lang ang nasa puso ko' sigaw ng kabilang isip ko nang maalala ang paghalik sakin ng binata sa bar kong saan maniningil ako ng utang ng kapatid nito. Pero sa halip na yon ang pakay iba ang nangyari dahil nasaktan ko na nga siya nahalikan pa ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko at kinagat ang ibaba. 'ang lambot ng labi mo' sabat na naman ng utak ko. Bago pa ako mabaliw ipinikit ko nalang ang mga mata nang makatulog na.

zzzzzZZZZ....
______

Update...

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon