THIRTY

10K 292 29
                                    

Update last chapter. Thank you sa lahat ng naghintay at nagbabasa. Godbless

______

".....alam ko naman na hindi ikaw yon,dahil una kilala ko na si Jemuel,dahil sa kasong binigay sakin ni general gusto kong mapalapit pero mali ata ang naisip ko." pinandilatan ko siya ng mata nang makitang may kinikubling ngiti sa mga labi nito. Matapos ang init at sarap na labanan naikwento ko sa kanya ang nagawa ko noon at laking gulat niya na ako yon. Tinampal ko ang tiyan nito dahil bigla nalang tumawa kaya tumingala ako agad naman tinikom ang bibig nang makitang masama ang tingin ko.

"I can't believe na hinahanap ko yon  pero kasa kasama ko pala." anito na pinipigilan ang pagtawa. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya hinahanap?

"At bakit mo naman hinahanap?" parang may kong ano ako biglang naramdaman,paano kong hindi ako ang gumawa nun at nahanap niya. Nawala ang pagngiti niya nang makitang sumimangot ako at umalis sa pagkakahiga sa braso niya bago bumangon at dumeritso sa banyo hindi ko pinansin ang pagtawag sakin agad kong nilock ang pinto.

Ano kaya ang nasa isip niya noong panahon na yon,habang iniisip niya kong sino ang may gawa sa kanya nun. sobrang mali talaga yon Gabrielle ang ginawa mo. ewan ko ba kong bakit bigla ako nakaramdam ng inis sa sarili.  Eh ako lang naman yon. tsssk

Napahilamos ako ng tubig sa mukha sabay tingin sa salamin. nakaraan na yon at ako yon' paalala ko sa sarili napailing nalang ako bago pinunasan ng tuyong towel ang mukha bago lumabas.

Nagulat pa ako pagkalabas ko dahil nasa pintuan na siya ng banyo at hinihintay ako. Napalunok tuloy ako ng laway nang tumambad sakin ang matipuno niyang katawan napaatras ako pabalik. May suot na itong boxer pero kitang kita ang nakabukol niyang alaga sa baba uminit bigla ang buong mukha ko at ilang beses na lumunok ng laway dahil parang natutuyuan ang lalamunan ko.

"Ano ba alis ka nga diyan!." sabi ko at tinulak ito pero hindi man lang natinag nakatukod ang kamay niya sa pader ng banyo at nakayukong nakatitig sakin. Pakiramdam ko namumula na naman ang buong mukha ko dahil sa paninitig niya sakin. Tinulak ko siya ulit at sa wakas nagpatulak naman ito kaya naglakad na ko papuntang crib ng anak namin tulog na tulog ito at yakap yakap ang bolsters.

Ang bilis ng panahon parang kailan lang pinagbubuntis ko palang siya ngayon malaki na at sobrang likot. Nagsisimula narin siyang matutung maglakad pero hahawakan mo lang, tuwang tuwa ang ama niya nung marinig ang first word na binanggit at pinaulit ulit nito pero hindi na inulit ng anak. Hinawakan ko ang diaper niya basa ito kaya naman kumuha ako ng pamalit. Napatingin ako sa asawa kong mataman palang nakatingin sakin habang nakaupo sa sofa,hindi ko siya pinansin dahil naaakit na naman ako sa katawan niyang walang suot na pang itaas. Apat na buwan na kaming kasal pero everytime na nakikita ko siyang nakahubad baro para akong sinisilaban 'nang iinit buong sistema ko.

Kinuha ko ang diaper at ang wet wipes saka bumalik sa crib. Binaba ko ang lock ng crib para maalis ko ang basang diaper ng anak ko. Inayos ko muna ang higa niya dahan dahan baka kasi magising. Dahan dahan din ang pagtanggal ko ng diaper pati pagpalit dahil baka magising mahihirapan na naman akong magpatulog. Napatingin ulit ako sa asawa ko nakasandal ang likod nito sa sofa at nakapatong ang likod ng ulo sa braso nito habang nakatingin sa ginagawa ko. Tumingin ako sa wall clock ala una na ng madaling araw inayos ko ang kumot ng anak ko bago nilock ulit ang crib at nilagay sa basuhan ang diaper.

"Anong tinitingin mo wala ka bang balak matulog? may duty ka pa bukas." tanong ko pagkalabas ko ng banyo. Ewan ko ba dahil parang nakasunod lang ang tingin niya sa bawat kilos ko. Nagtungo na ko sa kama tumingin ulit ako sa kanya bago huminga,bahala nga siya diyan dahil ako inaantok na. Hindi ko na siya tiningnan pumailalim na ko sa comforter at tumagilid bago pinikit ang nga mata. Talaga antok na ko dahil bigla akong hinila ng kadiliman.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon