MAAGA akong pinatawag ni general dahil may sasabihib daw ito sakin na importante. Tss kahit naman hindi importante talagang tinatawag ako nun. Isa akong secret intel ni general ,well mula nang magsimula ako sa trabahong ito inaasahan ko na ang posibleng maging banta sa buhay ko.
Ang iniiwasan ko na lang ang madamay ang pamilya at mga kaibigan ko. Yan ang ayaw kong mangyari,lalo na ang magulang ko dahil sila ang kahinaan ko. Noon pa man ayaw na ng mama na pasukin ko ang pagpupulis pero ito talaga ang gusto ko. Ang pagiging intel minsan ko lang ginagawa pag pinapatawag ako ni general.
Isa akong pulis na may mataas na ranggo din. Dahil dating pulis ang papa ko na nagretiro na rin,idolo ko talaga ang aking ama noon pa.Kaya sinundan ko ang yapak nito. ang maging isang pulis. Dalawa lang kami ng kapatid ko at puro babae pa kami. Nasa koliyeho na ito ngayon.
Narating ko ang HQ dito ginagalang din ako ng lahat. Nginitian ko lang ang mga ito. Ang daming macho at gwapito dito pero ni isa sa kanila wala man lang nakapagpatibok ng puso ko. Pihikan ata itong puso ko. Gusto ko nga na isa sa mga ito ireto ang mga kaibigan ko lalong lalo na si Kristelle na patay na patay sa pangit at manloloko nito boyfriend. tssked.
Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko si general na may hawak na folder. Sumaludo muna ako bilang paggalang. At pinaupo na.
"Thank you for coming Serrano."tumango lang ako. Binuklat ang folder na hawak tsaka pinakita sakin." Pinabuksan ulit ni general Francisco ang kaso ng kapatid niya. Dahil nga hindi pa din nahahanap ang may gawa nun sa kapatid. At gusto ko ikaw ang humawak ng kaso at umimbestiga nito." napatitig ako ng deritso kay general at napatuwid ng upo. Matagal na ang kaso ng mga Francisco na yon bakit naman bubuksan pa.
Ang pagkakaalam ko ay hindi na yon ulit mabubuksan dahil nananahimik na rin ang mga anak ng yumaong mag asawang Francisco.
"General bakit ba pinabubuksan ulit ang kaso? at bakit sakin mo pinapagawa.?" noong pinabuksan yon hindi ako ang humawak wala din naman napala kaya sinarado ulit ang pag iimbestiga.
"Sayo ko pinapagawa dahil alam kong kaya mo. Saka ayaw ipaalam ni general Francisco sa mga pamangkin na open cases na ulit ang kaso ng mga magulang. Lalo na sa panganay na pamangkin. You know him right?" tukoy niya sa panganay na Francisco.
Ofcourse I know him. The ruthless and womanizer COP. Masyadong mahangin. Pero gwapo.. Ano? gwapo? tumango nalang ako bilang tugon.
"Pero bakit ayaw niyang ipaalam sir eh mga anak yon. Pano kapag nalaman ng mga yon.?" handa naman akong hawakan ang kaso. pero ..di bale nalang.
Binigay sakin ang case at tinanggap ko nalang. Hindi na ako nagtanong pa. Nagpaalam na akong aalis na.
Dumiretso ako sa presinto kong saan ako nakaasign. Binasa ko ang case ng mag asawang Francisco. Halos isang dekada' walang taon na ang pagkamatay ng mga ito. At tatlong beses na binuksan pero wala din nangyari. At ito ngayon ang pang apat at ako pa ang pinahawak. Ano naman ang pinagkaiba ko sa ibang nag imbestiga ng kasong ito. Kong wala sila napala noon baka mas wala akong mapala dahil sobrang talaga na nito.
Tinabi ko muna ang folder at ang ibang cases naman ang binasa ko. Sa trabahong ito nakakapagod din. Mga talamak ang masasama sa lipunan. Mga taong halang ang kaluluwa. Na basta nalang mangitil ng buhay ng iba.
Sa tatlong taon ko sa pagpupulis nakailang kaso na din ang nairesolba ko. Kaya nga may banta lage ang buhay ko. Nakahanda ako sa mga ganyang banta dahil klase ng trabaho ko.
Pagkaout ko sa presinto dumiretso ako sa cafe kong saan pagmamay ari ng isa kong kaibigan. Naabutan ko itong kausap ang empleyado niya. Nang makita ako ngumiti ito sakin at hinintay akong makalapit dito.
"Hey you cake, how are you?" nagbeso muna kami saka umupo sa bakanteng lamesa. Cake yan ang tawagan naming magkaibigan. Kinuhanan niya ako ng frappe bago umupo kaharap ko.
"Okay lang naman." sagot ko at sumimsim ng frappe. Nilibot ko ang paningin maraming tao ngayon at parang may bandang kakanta."Saan pala si Kristelle?"kapagkwan natanong ko dahil wala dito ang bruha.
" Nasa trabaho pa siguro alam mo naman yon, nag eemot pa." umikot ang eyeball ko. Walang kwentang lalaki iiyakan. tss.
Iniwan ako saglit niya at nagpunta sa counter. Natuon lang ang mata ko sa kumakanta. At lumapit sakin ang baklang waiter dito kaibigan din namin siya.
"Sister,may gwapong fafa dito...ayon ohhh." malanding turan niya at humaba ang nguso at sinundan ko kong sino ang tinuturo. Nakatingin sa gawi namin ang lalaki napaiwas ako ng tingin. Sinamaan ko ang baklita at umalis na lang na may nanunudyong ngisi.
Sinong hindi makakakilala sa lalaking yan. A gorgeous and hot lawyer. habulin ng mga babae. katulad ng kapatid walang pinagkaiba.
Pero kailan kong mapalapit sa magkapatid para may makuha akong info sa mga magulang ng mga ito.
Narinig ko ang baklita na sumisigaw kaya napatingin ako sa kanya.Hinahabol ang lalaki pero hindi na naabutan.
"Anong nangyari Fia? bakit mo hinahabol yon.?" rinig kong tanong ng kaibigan ko. Fia tawag sa kanya dahil pusong babae daw siya at nababantutan sa pangalan nitong froilan.
"Kasi naman sister,umalis nalang ang fafang yon na hindi pa binayaran ang mga inorder.."malanding sabi niya. At pinakita pa ang resibo sa kaibigan.
Nakaisip ako ng paraan kong paano mapalapit sa magkapatid. its a bright idea right? make sure na tama yang idea mo Gabby? sabi ng isip ko.
Napangiti ako at inubos ang frappe saka tumayo nagpaalam na uuwe na.
See you Francisco brothers...
______
Char char lang mga yan bess wag seryosohin ha... Wala naman talaga ako alam yan lang naisipan ko...
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
Roman d'amourMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...