Sorry matagal ang update ko.
Bigay kayo babygirl na name first comment yon kukunin ko Thank you.
______
Maaga akong nagising kinapa kapa ko ang katabi pero wala akong makapa kaya minulat ko ang mga mata wala ito. Dahan dahan akong bumangon at pumasok ng banyo para gawin ang morning routine ko,pagtapos lumabas ng kwarto.
Mabagal at dahan dahan lang ang bawat hakbang ko pagbaba ng hagdan dahil malaki na ang tiyan ko isang buwan naman manganganak na ako. Nang makababa na hinanap ng mata ko ang binata pero wala ito sa sala kaya nagtungo ako ng kusina baka nagluluto ito. Siya na kasi nagluluto ng agahan lalo na pag tinatanghali ako ng gising. Hawak sa balakang ang isang kamay ko at dahan dahan nagtungo sa kusina nangunot ang noo ko nang makarinig ng maingay at ibang boses 'boses babae? nasa malapit na ako ng pinto ng kusina nang malakas ang hagikhikan ng mga ito. Hindi ko alam kong anong gagawin nang bumungad sakin ang hindi kaaya ayang eksena natakip ko ang isang kamay sa bibig at pigil na mapasigaw napako ang paa ko sa kinatatayuan at nanigas ang buing katawan sa nakikita.
Ang lalaking pinangakuan ako at mahal ako ay umiindayog sa ibabaw ng ibang babae,ang lakas ng loob at dito pa talaga sa bahay gagawin. Nakahiga ang babae sa ibabaw ng island counter habang nasa ibabaw ang hinayupak na lalaking ito. Gusto kong sumigaw pero parang walang boses lumalabas sa bibig ko,gusto kong tumakbo paalis dahil ayokong makita ang kababuyan nila tuwang tuwa pa ang mga ito sa kahayupan nila. Hindi ko namalayan na sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko at ang sakit sobrang kirot ng dibdib ko. Malabo man ang paningin ko dahil sa luha malinaw pa rin ang mga tinig nila sa pandinig ko kung paano sila magbabuyan mismo sa harapan ko.
Gusto kong tumakbo nang biglang bumaling ang tingin ng babae sa gawi ko pero mapang asar lang niya akong nginitian at binalik ang tingin sa lalaking umiindayog sa harapan nito at hinalikan ng mapusok sabay tingin sakin na tumatawa. Mas lalong sumakit ang dibdib ko ng humarap ang lalaki at balewala lang ito na nakita ako at nasasaksihan ko ang kababuyan nila. Sobrang sakit na nang nakikita ko pero walang lakas ang katawan ko na umalis sa kinatatayuan ko. Bigla akong napahawak sa tiyan ko at napangiwi nang biglang may tubig na dumaloy sa binti ko. Naangat ko ang tingin sa mga hayop sabay tingin sa gitna ko napahawak na ko sa hamba ng pinto nang kumikirot na ang tiyan ko.
"Jusstineeeeeeee aaaaaaahhhhhh..!!" malakas na sigaw ko at hinihimas ang tiyan ko at napapahinga ng malalim pero walang ma lang ang tumulong sa kanila nakatawa lang ang mga ito na nakatingin sakin. "Ma-ma nganganak na ko Aaaaahhhh Justineeee wooooh woooo.!" sigaw ko ulit habang hinihipan ang tiyan na para bang sa ginaw ako maaalis ang sakin. Kasabay ng sigaw ko at pagsakit ng tiyan ko ang pagbasak ng panubigan ko pero wala man lang tumulong tinawanan lang ako ng mga ito na parang nakakatawa ang kalagayan ko.
Bigla akong napabangon at napahawak sa tiyan nakahinga ako ng maluwag ng makita ang nag aalalang mukha ng binata habang nakatingin sakin. Pinupunasan nito ang noo at pisngi ko dahil pawisan na ako. ang sama ng panaginip ko bakit kaya ganun? Napatingin ako sa kaharap ko na mataman din akong tinititigan.
"Kanina pa kita ginigising sweetie pero panay lang ungot mo at pailing iling, nanaginip ka na naman?" tanong nito,tapos na itong punasan ang pawis ko. Hinay hinay kong hinahaplos ang tiyan ko anytime pwede nang lumabas ang baby namin. Umiling nalang ako ayokong alalahanin ang masamang panaginip na iyon.
Inalalayan niya akong bumaba ng kama at patungong banyo. Hindi maalis sa isip ko ang panaginip na yon. Kung magkatotoo man yon hindi ko alam kong ano gagawin sa kanila pag may nagyari sa anak ko. Napatingin ako sa salamin sabay tingin sa lalaking nasa likuran ko nakahawak ang isang kamay nito sa beywang ko,mataman niya akong tinitigan din na parang nagtatanong ang mga mata kaya napailing na lang ako at pinunasan ang basang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE (COMPLETED)
RomanceMatured scenes..for adult only.. JUSTINE FRANCISCO A CHIEF OF POLICE WHAT HE WANT'S HE GET. MAKUKUHA NIYA KAYA ANG GUSTO kong isang kadugo niya ang kakompetensya? This story of Justine ay gawa lamang ng lumalakbay kong isipan.Wag seryosohin dahil h...