FOUR

10.1K 271 4
                                    


The Names:

JUSTINE MIGUEL FRANCISCO

BIANCA GABRIELLE SERRANO

The rest extra na hehe... part of the story..

FOUR

MAAGA akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko,kaya agad akong naligo. Pinatatawag ako ni general sa Headquarters nila'ano na naman kaya kailangan at ipapagawa niya sakin'. Hindi ko pa nga nasisimulan ang kasong pinaiimbestiga niya sakin. Ang hirap naman kasi eh sobrang tagal na ng aksidenteng yon bakit pa kasi binubuksan pa. Nag almusal muna ako bago umalis ng apartment. Dumaan muna ako sa bahay ng magulang ko dahil nagdadrama na naman ang nanay kong maganda. Keso ilang araw na daw akong hindi nagagawi sa bahay.

"Mabuti naman anak dumaan ka dito, lage ka nalang busy..nakakalimutan mo nang dalawin kami." gusto ko sana paikutan ng mata ang artista kong ina nagdadrama na."Tsaka pwede ka naman umuwe dito pag out mo sa trabaho ha!" litanya pa nito. Kaharap ko sila sa hapag dahil naabutan ko silang nag aalmusal,kaya kahit busog ako sumabay na rin ako baka magtampo pa ito.

"Ma,alam niyo naman pong busy ako. Tsaka may kaso akong inaasikaso ngayon,inaaral ko pang maige.."sagot ko. Napatingin naman si papa sakin,na nagtatanong ang tingin 'kung anong kaso ba. "May binigay si general ng bago kong iimbestigahan.." kilala naman ni papa si general. Wala na akong ibang sinabi yon lang 'confedencial' yon eh.

"Bakit naman sayo binigay ni general ang imbestigasyon na yan anak? matagal na yan,isa pa bakit hindi nalang ang pamangkin ni general Francisco ang gumawa niyan,tutal anak naman yun." masyadong nag aalala ang papa sa kasong ito. Dahil siya nga hindi niya alam kong pano sisimulan noon. Isa ang papa noon sa mga pulis na nakatutuk sa kasong yon pero wala din nagawa.

"Huwag kayong mag alala Pa,kaya ko to' ako pa ba? anak niyo yata to'."nakangiti kong sabi,para hindi na siya/sila mag alala.

Nagpaalam na ako dahil dadaanan pa ako kay general sa HQ. Niyakap ko nalang at nilambing lambing ang artistahin kong ina para matigil na ang kadadrama. Wala naman siyang makukuhang award sa pagiging best actress niya. Gusto ko na nga siyang bigyan ng pang famass award dahil magaling talaga ito.

Pagdating ko sa HQ dumeritso ako sa opisina ng general. Kumatok ako bago makarinig ng boses na pinapapasok na ako. Tulad ng dati naabutan ko na naman siyang nakaupo sa swevil chair at kunot noong tinitingnan ang folder na hawak nito.

"Good morning po general.'' bati ko nang makapasok na ako. Sumaludo muna ako bago naupo sa kaharap nito.

"Good morning din sayo Serrano, pinatawag kita para tanungin kong ano na lagay ng kasong pinahahawakan ko sayo." napaupo ako nang tuwid at napatingin sakanya. Napaurong ang dila ko,dahil wala naman ako masasabi kasi hindi ko pa nga nasisimulan ang kasong hawak.

"S-ir..ahm ..sorry ho hindi ko pa po nasisimulan,pero huwag mo kayo mag alala sir ginagawan ko pa po ng paraan kong saan po ako magsisimula." deritso sagot ko. Tinitigan lang ako ni general na para bang sinasabin 'anong paraan ang ginagawa ko'.

"And what is it?" tanong nito.

"Gusto ko po muna mapalapit sa Francisco brother para po makuha ako ng ebidensiya,kasi ho sa totoo lang hindi ko po alam kong saan magsisimula,Im sorry to tell this sir..sobrang tagal na nun." napayuko ako at nilalaro ang kamay ko. Ngayon palang ata ako pinaghihinaan ng loob sa kasong to.

HOTMEN SERIES:4 CHIEF OF POLICE  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon