Sino ang pinagmulan ng 'yong pag-ngiti?
Sino ang nagnakaw ng iyong sandali?—Sino// Unique
Chapter 6
Caricia Faye's
Hindi ko na sinayang ang natitirang mga araw ng bakasyon ko. Nilinisan ko ang bahay para wala na akong problema pagdating ng pasukan. Inarrange ko na rin ang mga dala kong gamit.
When I came here, hindi naman masyadong maalikabok. Malinis rin naman yung kwarto kahit walang caretaker. Madalas naman kasing bumisita rito sina Daddy.
Inilagay ko rin yung mga nagrocery namin ni Ate sa kusina. I was thankful for these. Atleast mababawasan na ang pagkain ko ng mga pagkain sa fastfood. This way, I could have a healthy living and at the same time I could save money for myself.
Kahit naman kasi nakatira ako kay mama noon, it was as if I don't have one. I learned to be independent and at a young age, alam ko na kung paano magluto.
She was busy living her life with her vices, and I was busy saving mine.
I prepared the things I needed for school. Pupunta nga ako ng mall mamaya para makabili ng iba pang gamit pero dadaan muna ako sa school para kunin yung uniform.
After all the cleaning ay naligo na muna ako. Natapos na rin akong magluto kaya pagkatapos kong maligo ay kumain na ako for lunch. May naiwan pang ulam, just enough for my dinner.
Lumabas na ko ng bahay at dumiretso sa gate ng subdivision. Wala naman kasing masyadong pumapasok na tricycle rito. Mainit pero keri lang.
Nang nakakita na ako ng tricycle ay kaagad ko na itong pinara. I stated where I'm going at buti na lang pumayag siya.
Pagkarating ko sa school ay dumiretso na ako sa kung saan ko kukunin ang uniform. Bibili pa pala ako ng PE uniform at mga libro.
Books for ABM students. My father asked me to get this strand. Wala rin naman akong alam na kurso. Hindi ko pa alam kung anong gusto ko. I was just focused sa banda na hindi ko alam na may realidad pa pala akong kahaharapin. Kaya sinunod ko na lang si Daddy.
It was almost 5 nang natapos ako sa lahat ng gawain. Marami kasing tao since last week of enrollment ngayon kaya matagal rin akong naasikaso. Hindi ko na kasi sinabay pa sa pagpapaenrol ang pagbili ng libro at mga uniform.
Medyo madilim na kahit 5 pm pa lang. Gusto ko nang umuwi pero gusto ko na rin matapos lahat sa araw na 'to. Kailangan kong bumili ng school supplies ngayon.
Nag-abang ako sa labas ng gate ng tricycle. Kanina, may mga nakaparada rito kaya akala ko madali na lang sa'kin makasakay pero pagdating ko wala na. Siguro dahil magga-gabi na rin. Ito yung mahirap sa pagc-commute eh. Idagdag mo pa na napakagastos ng pagcommute.
Pabalik-balik na ang tingin ko sa aking relos. Hindi ko pa naman kabisado ang mga lugar dito. Nakahinga ako nang maluwag nang may dumaan na tricycle.
"Sa ER Mall po, manong," I said pero humindi si manong.
"Gagarahe na ako, hija. Pasensiya na," he said.
Napapikit nalang ako sa inis na nararamdaman.
A minute passed by pero wala talagang dumadaan na tricycle.
"Sa'n pala punta mo, miss?" may biglang nagsalita sa likod ko.
He looks familiar at habang tinititigan ko siya ay narealize kong siya yung nakabangga sa'kin noon sa canteen.
YOU ARE READING
Worse Fates | ✓
RomanceAs the universe conspires, I'd be together with you. (Completed)