Chapter 40

95 4 0
                                    

Chapter 40

Adalina at Alanzo

Sa Leyte nagmula ang dalagitang si Adalina. Labing-walong taong gulang siya nang makipagsapalaran sa La Roman. Kahirapan ang nag-udyok sa kanyang pansamantala munang mahiwalay sa kanyang pamilya.

Sumama siya sa kanyang tiyahin na sa La Roman na kasalukuyang namamalagi. Ang kanyang tiyahin na si Tiya Angelita ay ang siyang namumuno sa mga kasambahay sa pamamahay ng mga Divina kung kaya't nabigyan ng pagkakataon si Adalina na magtrabaho rito.

Ang haligi ng tahan ng mga Divina na si Juan Divina ang kasalukuyang bise-mayor ng lungsod. Si Estrella Divina naman ang kanyang asawa na biniyayaan ng kagandahan ngunit kabaliktaran ang kanyang ugali. Mata-pobre.

"Bilisan mo d'yan, Lina! Hindi pwede ang pabagal-bagal sa mansiyon!" narinig kong sigaw ni Tiya Angelita mula sa labas habang ako ay nag-aayos pa.

Kung tutuusin, kinakabahan ako. Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasang malayo sa pamilya ko.

Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita kong matayog na gate. Mayroong nakaukit na salita rito; Divina.

Ipinagpaalam na ni Tiya sa kanyang amo na kasama niya ako. Wala ang amo niya nang dumating kami, maaga raw'ng lumuwas sa kabilang bayan dahil may aasikasuhin. Sinamahan ako ni Tiya sa magiging silid ko.

Inutusan na ni Tiya ang mga kasambahay sa kung ano ang mga dapat nilang gawin. Ako naman ay binigyan niya ng oras para ayusin ang mga gamit ko rito.

Sa sumunod na araw ay nagdidilig ako ng mga halaman. Malawak ang kanilang bakuran at sa unahan nito, kadugtong na ang kanilang hacienda kaya maganda ang tanawin.

"Bago ka rito?" narinig kong tanong ng baritoning boses sa likuran ko. Dahil sa bigla ay napaharap ako sa kanya ngunit hindi ko namalayang natapon ko na pala ang tubig mula sa tabo sa kanya.

"Pasensiya na po!" kaagad kong sabi, hindi ko alam kung anong gagawin.

He waved his hand, gesturing na okay lang. He gave me a smile kaya napanatag naman ang loob ko. Pumasok na siya sa mansiyon. Medyo nagtataka pa nga ako kung sino 'yon kasi wala namang naipakilala si Tiya na lalaking nagtatrabaho rito maliban sa doon naka-assign sa hacienda.

Gabi na nang matapos ako sa paglilinis sa labas. Nang pumasok ako ay hinahanda na nila ang hapunan para sa amo namin at tumulong na rin ako.

"Lina, pakihatid nga ito. Ayaw bumaba ni Alanzo," utos sa akin ni Tiya kaya sinunod ko na. Tinanong ko na rin kung saan ang silid ng tinutukoy niyang Alanzo na anak pala ng aming amo.

Bitbit ko ang pagkain habang kinakatok ang pinto ng silid no'ng Alanzo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang yung lalaki kanina at yung tinutukoy na Alanzo ay iisa.

Utal-utal kong sinabi sa kanya na nandito na ang pagkain niya. Mabuti naman at parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina.


Iyon ang unang pagkikita ni Adalina at Alanzo, ngunit nasundan pa ito ng pang-ilang beses..... lalo na't nasa iisang bahay lang naman sila.

Naging malapit ang loob ng dalawa. Nakabuo sila ng pagkakaiban kahit pa malayo ang estado ng kanilang mga buhay. Hindi nagtagal ay nagkahulugan na ng loob..... at nagkaaminan.

Gaya ng palaging kwento ng isang mayamang haciendero na nahulog sa isang kasambahay noong unang panahon.

Naging masaya ang kanilang relasyon kahit pa patago ito. Dahil sa trabaho ni Adalina ay malapit nang mawala ang sakit ng kanyang ina. Naging maayos rin ang pamumuhay ng kanyang pamilya na iniwan sa Leyte.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now