Chapter 26
Caricia Faye's
The morning after that scenario ay nakita ko si Mama sa sala. Manang was only observing what was happening. Siguro, she can also sense the tension kahit wala namang nangyayari. Hindi kami nag-usap ni mama. Eye contact didn't even happen kaya hindi ko alam kung bakit ganito ang atmosphere.
Siguro kahit saan si Mama ganito na yung dala niya. Nakakasakal na atmosphere. Yung tipong nararamdaman mo ta tuwing entrance ni Maleficent.
Kumuha lang ako ng tubig sa counter atsaka bumalik sa kwarto. Si Mama naman ay busy sa kanyang cellphone. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa niya rito. Hindi ko rin alam kung alam ba ni Daddy na pumunta siya rito o kung nandito siya.
Sakto namang pagkasara ko ng pinto ay ang pagtunog rin ng cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Vintage sa screen. Gustong makipag video call kaya sinagot ko.
"Your eyes are puffy," bungad niya sa'kin habang inaayos ko pa yung position ng cellphone sa table.
"Kakagising ko lang, good morning," sagot ko sa kanya habang tinatalian yung buhok ko.
"Good morning, I love you," he answered.
Nakita kong inaayos niya pa yung bed niya pero tapos na siyang maligo. Laptop niya ata yung gamit niya sa pagvi-video call dahil sa angle na nakikita ko.
"Ba't ka tumawag,"
"Wanna hear your voice. Charot lang love. Bored ako eh," he chuckled kaya inirapan ko.
"Maglaro ka,"
"Nalaro ko na lahat games, love. Wala nang thrill," sabi niya then he pouted.
"Wait lang, maliligo lang ako then I'll tambay there," paalam ko sa kanya.
I was wearing my maong shorts then oversized shirt. Kay Vintage nga ata to eh. Yung mga ibang gamit niya nasa akin na. May times kasi na tumatambay kami sa beach tapos nanghihiram ako ng tshirt niya pamalit tapos hindi ko na nasasauli.
Pagkababa ko ay nagpaalam na ako kay Manang.
"Manang, kina Vintage lang po ako," paalam ko.
I think she already knows about us. Hindi ko sure. Pero ang sigurado ako ay alam na ni Ate Ash. She's not against it naman and hindi niya rin sinabi pa kay Daddy. Nalaman niya ata dahil do'n sa IG post ko.
"Hindi ka magpapaalam sa'kin?" sabat ni Mama kahit sa phone niya oa rin siya nakatingin.
"Aalis ako, Ma," I said politely.
"Kahit 'wag ka na bumalik," sabi niya pero binalewala ko na lang.
Mainit sa labas pero malapit lang naman bahay nila Vintage. Sa harap lang talaga pero medyo wide yung kalsada.
"Sorry babe, nagluto pa kasi ako," sabi niya sa'kin while opening their gate tapos hinalikan ako.
"Patambay ha, 'di ko gusto atmosphere sa bahay," I said.
Pagpasok ko ay naamoy ko kaagad yung niluluto niya. Yes, he knows how to cook. Independent eh. Not to brag pero masarap siyang magluto. Though minsan lang siyang magluto dahil sa dami ng school works. Mostly, preserved foods kinakain niya. Minsan naman ay nakikikain sa bahay. Kulang na nga lang at doon na rin siya tumira eh. Makakatipid pa sa mga gastusin.
He cooked adobo at amoy na amoy ko yun rito sa sala. Their house is almost similar to ours. Ang kaibahan lang ay yung mga gamit at ibang parts ay pinarenovate ata ng parents niya.
YOU ARE READING
Worse Fates | ✓
RomanceAs the universe conspires, I'd be together with you. (Completed)