Chapter 11

71 5 0
                                    

Caricia Faye's

Napairap ako sa kawalan. Ano na namang kalokohan tong naiisip ni Vintage? Kaya ayon, I accepted his friend request. Wala namang mawawala sa akin sa pag accept ko sa kanya. Finally, magkakaroon na ako ng peaceful messenger dahil walang nangungulit.

Ngayon pupunta sina Daddy at Tita sa school. Hindi na namin kailangan sumama dahil parents lang naman yung kailangan. They will discuss the rules and regulations. I don't even care about that kaya hindi na ako sumama.

Kaya ayon, nandito lang ako sa bahay at nag-aadvance study. Ginawa ko na rin yung nga homeworks. It was 10:30 nang matapos ako sa mga homework. Kahit first week palang eh tambak na yung homework. Lahat ay research pa.

Dumating na rin pala si Manang kaya may kasama na ako rito. Medyo nakakaluwag na rin ng loob. It's not a bad idea after all.

Bumaba ako sa sala nang matapos ako sa mga gawain. Bitbit ko yung gitara ko at yung camera. I do song covers pero hindi ko pinapakita yung mukha ko. I have ny youtube channel na umabot sa 75k yung subscribers pero hindi naman nila nakikita yung mukha ko. Tanging katawan ko lang at yung gitara.

I started strumming. Mabuti naman at wala masyadong dumadaan na mga sasakyan sa harap ng bahay namin. The house is huge, yung karaniwang nakikita mo sa tv na pangmayaman. Pero aanhin ko naman yun eh dala-dalawa nga lang kaming tao rito.

I said my intro first before I started strumming. The song lasted for a couple of minutes before I ended the video. I eedit ko to mamaya.

"Magbihis ka daw, hija. Sa labas daw tayo kakain," nabigla ako sa biglang pagsulpot ni manang. Kakababa niya lang ng cellphone niya. Siguro ay tinawagan siya nina Daddy. Agad akong pumanhik sa taas at nagbihis na. Pagbaba ko ay nakita ko si Manang.

"Pakisabi na lang sa Daddy mo, Sef na hindi nalang ako sasama. Sumama yung tiyan ko," sabi ni Manang. Tumango ako at lumabas na.

Paglabas ko ng gate ay may nakita agad akong pamilyar na sasakyan.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" inis na sabi ko kay Vintage. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Nakakainis siyang tingnan. Ang arogante!

"Sabay ka na lang daw sa'kin sabi ni Tita. Duh, sasabag ako sa lunch. Ba't ako tatanggi sa libre?" sabi niya. Umirap na lang ako, no choice. Pumasok ako sa back seat. Ayoko siyang tabihan ngayon noh.

"Galing naman, ginawa pa akong driver. Woooh!" sarkastikong sabi niya na hindi ko nalang pinansin. Itinuon ko ang pansin ko sa aking cellphone. I already transferred the file here para dito na ako mage-edit. Hindi naman kasi ako palaging may dalang laptop kaya sa cellphone na lang ako mage-edit ng video.

I am only wearing shorts and shirt tapos todo pa kung magpa-aircon si Vintage. Kainis.

"Nasa'n si Manang?" sabi niya siguro nang mapagtantong hindi namin kasama si Manang. Siguro'y binilin sa kanya ni Tita.

"Masakit daw yung tiyan," sabi ko.

Nang dumating kami sa restaurant ay kaagad naming nakita sina Daddy. Agad rin nila akong tinanong kung asan si Manang and I stated her reasons. Mabuti nalang at madali lang namin nakuha ang order kasi gutom na gutom na ako.

"Dahan-dahan naman, may gwapo kang kasama, di ka ba nahihiya?" sabi ng katabi ko though whisper lang.

"Wala akong pake sa'yo," mariin ko ring bulong. Gutom ako, manahimik ka.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam sina Tita at Daddy na iche-check pa daw nila yung isang project ni Daddy rito. He's known here. Nakakapressure kasi nasa akin yung apilyedo niya.

Kaya ayon, wala akong choice kundi sumabay ulit kay Vintage. Sumakay ulit ako pero this time sa harap na. Papakialaman ko lang yung stereo.

"Napromote na ba ako? Galing driver naging ano na ba ako?" pabirong sabi ni Vintage.

"Friends," tipid kong sabi.

"Aray naman, Faye," madrama niyang sabi.

"Manahimik ka, Tristan," I said.

Natahimik nga siya do'n. Nilingon ko siya at sumeryoso yung mukha niya.

"I prefer you calling me Vintage," sabi niya. Madali naman akong kausap eh. Hindi na ako mang-uusisa. Kung gusto niya 'yon, edi 'yon.

Pinakilaman ko yung stereo niya at inabot niya sa akin yung cellphone niya. Seryoso, ilan ba yung cellphone niya? Samsung yung inabot niya, tapos Iphone yung nasa bulsa niya.

"Ginagamit ko sa mga tugtog yung Samsung. Nagpapalaban pa ako sa Mp3 converter, Sef," natatawang sabi niya sa akin. Natawa na rin ako. Ang yaman pero nag Mp3 converter pa gagi.

Napailing na lang ako at nagpatugtog. Ang ganda ng playlist niya. I shuffled it at binitawan niya. Pinikit ko yung mata ko since medyo malayo pa naman yung subdivision.

Nagising lang yung diwa ko nang may narinig akong pamilyar na tugtog. What the fxk, cover ko 'yan sa isang kanta ng Sleeping with Sirens!

"Ang ganda no?" he asked nang napansin niya sigurong napabangon ako sa kanta. Tumango na lang ako to avoid another question.

"Subscribe mo siya sa Youtube,
E e i s h a  yung pangalan niya do'n. Though hindi siya nagpapakita ng mukha, I like her song covers," he said. Oh my god, ang awkward!

Pekeng ngiti lang ang nabibigay ko sa kanya. Aminado naman akong ang ganda ng playlist ni Vintage. Pare-pareho nga kami ng music taste eh. Pero oh my god! I can't handle this! Nakakahiya kung malalaman niya!

Naihatid naman ako ng maayos kahapon ni Vintage at gabi na nang makauwi sina Daddy. Nabigla ako nang kumatok si Manang sa kwarto ko kanina. Sabi eh dapat maghanda raw ako kasi magsisimba daw. Kinakabahan ako. People here will get curious kung bakit kasama ko yung Engineer or whatsoever. This is my first time to go with them together. Nakakainis.

I don't have a choice though, kailangan kong sumama sa kanila. I don't have any enough reason para hindi ako sumama.

I was wearing a dress nang bumaba ako papunta sa sala. Mabuti nalang at may damit ako.

"Suotin mo to, Sef. Mas bagay sa suot mong damit," sabi ni Tita tsaka niya inabot sa akin ang isang mamahaling sandals. Sinuot ko ito at nagpasalamat.

"Kelan kayo babalik Tita?" I asked. Baka 1 month sila dito noh! Hindi ako prepared!

"Mamaya siguro pagkatapos magsimba," she said.

Nang dumating kami sa simbahan ay naramdaman ko kaagad ang titig ng mga tao. Nasa gitna kasi ako nina Tita at Daddy. Umupo kami sa tabi ng aisle kung saan dadaan ang pari.

Nakatayo na kami para sa entrance ng pari nang may biglang umupo sa tabi ko. Hindi na kasi ako napagigitnaan nina Tita. Nagmano si Vintage kina Daddy at Tita.

"Sorry Tita, napasarap yung tulog ko," sabi ni Vintage nang tiningnan siya nang masama ni Tita. Napakamot pa siya sa kanyang ulo.

Sabay kaming lumabas pagkatapos ng misa.

"'Yan ba yung anak sa labas ni Engineer?"

"Sino ba yang lalaki? Boyfriend ba yan ng anak sa labas? Sayang at gwapo pa naman,"

"Maganda rin naman yung anak ah! Kaya lang baka nagmana sa nanay at makati rin!"

Napapikit ako nang marinig ang mga bulong-bulungan ng mga tao. Tita couldn't even control herself at hinaral niya yung nagts-tsismisan.

"Wala ka sa teleserye para gumawa ng kung anong teorya. Wala ka sa teleserye para subaybayan ang buhay ng iba," giit ni Tita habang hinahawakan siya ni Vintage sa balikat para pigilan.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now