Chapter 37

54 4 0
                                    

Chapter 37

Caricia Faye's

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Nagdadalawang-isip sa kung ano ang gagawin. Tinanggal ko ang seatbelt at bumaba na. Binuksan ko ang kabilang seat para kunin yung mga pagkaing pinadala.

Madilim rito sa labas pero naibsan naman ng mga lamp post. May naririnig pa akong aso ng kapitbahay nila na kumakahol.

It took seconds for me to convince myself to push the doorbell button. I've got no response after that. Sinilip ko ang mansion nila at nakitang nakabukas naman ang ilaw. Pinindot ko nang paulit-ulit ang doorbell pero wala pa ring sagot.

This was a familiar scene. Bumalik ang ala-ala ko sa pagmamakaawa ko sa kanyang balikan ako. I was so desperate that time. Hindi ko na alam ang kakapitan ko.

I wanted to shout to call whoever eas inside pero baka makaistorbo ako ng kapitbahay. When I tried to push the gate, nagulat ako nang hindi ito nakalock at diretso ang pagkabukas nito.

Nagtagpo ang dalawang kilay ko. Paano kung pasukin siya ng mga magnanakaw rito? The subdivision is safe dahil maayos naman ang security rito pero hindi pa rin naman maiiwasan ang mga krimen.

"Vintage..." I called out after I entered.

Walang sumagot sa akin. Nakabukas naman yung TV sa sala dahil naririnig ko mula rito pero maliban do'n, tahimik na ang paligid.

I knocked on their door.

"Vintage?" I said while I was knocking. I kept knocking hangga't sa napagdesisyonan kong buksan na lang ang pinto. Hindi naman ako magnanakaw ng kahit ano.

Pumasok ako sa loob still calling for Vintage's name.

"Oh my sht!" 'Yan lang ang nasabi ko nang matagpuan ko sa Vintage na nakahilata sa sofa ng kanilang sala.

His shirt was full of blood. Tumutulo pa rin yung dugo mula sa ilong niya and I saw the bruise on his left arm. Hindi lang pala 'yon ang may pasa. Pati rin pala yung kabilang braso niya pero hindi gano'n kalaki. Even his legs have a bruise.

Vintage was conscious pero mas pinili niyang titigan ang kisame. He was too faint. Paper white na ata. Yung mga labi niya ay namumutla na rin.

May panyo siya sa kamay na punong-puno na rin ng dugo.

"Vintage, tumayo ka nga," Mahinahon kong sabi sa kanya.

I was glad that he followed what I said. But his eyes were sad. Sinunod niya ako pero para siyang robot na walang pakiramdam. Hindi pinalagpas ng mga mata ko ang isang luha na tumulo na kaagad niya ring pinunasan gamit ang kanyang kamay.

He looked tired. Small circles were visible on his eyes. Mukha siyang ilang araw nang walang tulog.

Gusto kong maiyak sa nakikita ko ngayon. This wasn't the Vintage that I knew. Kasi ang lakas niya noon. Siya nga yung kinakapitan ko... at palagi naman siyang ando'n kapag kailangan ko siya.

I couldn't stop my tears from falling kaya agad kong pinunasan.

"Don't cry, please," nasasaktan niyang sabi kaya tumango ako sa kanya. I'll try.... kahit pa nahihirapan ako.

Inilapag ko ang mga dala kong pagkain sa center table nila at kinuha ko yung dala kong panyo. I wiped his face dahil nagkalat yung dugo niya. Iniwas niya pa yung mukha niya sa'kin.

"Vintage, you're a mess," banta ko sa kanya pero masamang titig lang ang iginawad niya sa'kin. Hindi ako nagpatinag doon at nilinisan ang mukha niya.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now