Chapter 24

58 5 0
                                    

Chapter 24

Carica Faye's

Hindi ako nalulungkot sa resulta. Pero hindi rin naman ako masaya. Basta alam ko sa sarili kong ginawa ko naman lahat sa abot ng makakaya ko. Si Shai naman sa tabi ko ay todo comfort. Binilhan pa nga niya ako ng ice cream eh.

"Tapos na naman yung Battle of the Bands eh. Makakakain ka na ng malamig o kaya ng sweets," she said. She made an effort to make me smile kaya nginitian ko siya. Dumating naman si Zild.

"Sana all nililibre ng ice cream," parinig niya kay Shai at nagsimula na naman po silang magtalo.

"Sino ka ba para ilibre ko? Ha?!" singhal sa kanya ni Shai.

"Ha?! Di mo na ako kilala? Nagkaamnesia ka ghorl?" sagot naman sa kanya ni Zild kaya napailing na lang ako. Wala talaga silang pinipiling lugar. Kahit saan nagbabangayan.

Nakatulala lang ako sa harapan when someone blocked my vision.

"Congrats," anito.

That's when I realized na si Vintage pala ito. I smiled at him.

"Thanks," I said as I gestured him to sit beside me. Malapit nang mag 8 sa gabi at hindi pa ako nakakakain ng dinner. Kumakalam na nga yung sikmura ko.

"You did great," he whispered against my ears kaya nakikiliti ako. Hindi lang ata kiliti sa tenga ko yung naramdaman ko kundi pati yung mga kulisap sa aking tiyan.

I bid my goodbye kina Shai and Zild. Siguro hindi naman sila magpapatayan kapag nakaalis na ako?

Nang makarating kami sa madalim na parte bago umabot ng gate ay huminto muna ako at kinalabit si Vintage. Nagtaka siya pero nang makita ang pagod sa mukha ko ay alam na niya kung ano ang dapat niyang gawin.

Without any word, I felt him locking me in between his arms. Tanging tibog ng puso at ang hininga niya ang naririnig ko. Hindi naman ako naiiyak. Pagod lang talaga siguro ako.

Sabay kaming umuwi no'n. Motor niya yung dala niya. Doon na rin siya kumain sa bahay. Ngayon naman ay naghahanda na kami para sa finals. HUMSS na naman yung kalaban namin dahil sila yung nanalo sa laban nila ng STEM kahapon.

Sa basketball naman ay ABM o yung strand namin nanalo sa finals.

Magkatabi kami ngayon ni Vintage sa benches. May ilang minuto pa naman bago magsimula. May hinihintay pang players sa kabilang grupo.

Magkasama si Shai at Zild na bumili ng tubig at gatorade sa 7/11 sa labas. Saktong pag-alis naman nila ay ang pagdating rin ni Vintage. Binigyan kami ng espasyo ng teammates ko kaya nagkaroon kami ng privacy. Hindi ko alam kung nais ba talaga nilang bigyan kami ng privacy o talagang masyadong nakakatunaw ang tingin ni Vintage.

People aren't hating him. Sadyang pinananatili lang nila ang distansiya. Takot baka mayroon silang magawang hindi tama. Minsan nararamdaman ko naman iyon. Nakakalimutan kong boyfriend ko siya at nakakaramdam ng kaba sa bawat paninitig niya. As if he isn't that jolly kapag kaming dalawa lang.

Nararamdaman ko yung naramdaman ko noong nakita ko siyang umiinom no'ng una at huli kong gig rito. His gaze was too intense to handle that time.

"I hate it when you wear shorts like that," bigla siyang nagsalita.

"Oh tapos?" sagot ko tapos ay inirapan ko siya habang inaayos ko yung knee pad ko.

"Ang daming tumititig sa legs mo, Caricia Faye," diin niyang sabi sa'kin.

"H'wag mong pansinin. Di ko nga pinapansin eh kahit legs ko 'to," masungit kong sabi sa kanya. Umiling na lang siya dahil sanay na naman siya sa'kin.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now