Chapter 19
Caricia Faye's
The look I see in his eyes pained me.... a lot. Ramdam na ramdam ko yung sakit. It was as if I was a complete stranger to him. Wala akong nakitang kahit ano sa mga mata niya. Hindi ko na ba siya naaapektuhan? Hindi niya na ba ako mahal? O baka naman hindi niya talaga ako minahal? We are so young. Baka infatuation lang lahat nang 'to. Pero kung ganoon nga, ba't ang sakit? Hindi ko na maexplain kung gaano kasakit. Sa sobrang sakit ay wala nang ibang natira sa'kin kundi luha... na malapit na ring maubos. Kasi wala na rin akong pride.
Kasalanan ko 'to eh. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa nararamdaman ko, it wouldn't happen. Kung sana hindi ako nagpakaselfish. Kung sana inisip ko rin siya. Kung sana inintindi ko rin siya gaya ng hinihingi ko sa kanya. Dito ako magaling eh, sa pag-ooverthink at sa self-blaming.
Kasi bakit gano'n? Wala ba talagang espesyal na katangian sa'kin? Ba't ang dali ko naman atang palitan? Wala lang ba yung mga pinagsamahan namin? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Puro tanong, puro sana, puro bakit.... pero kahit isa man lang ay walang sagot.
Isa lang ang alam ko, kasalanan ko 'to.
I wanted to drink. Kahit beer lang, makakatulong na rin yun para malimutan ko yung mga iniisip ko ngayon. Pero mas pasok pa pala bukas. Hindi ko naman sisirain yung kinabukasan ko 'no. Pero minsan lang naman... kaya ayon, bumili ako nang beer sa 7/11 nang pasikreto dahil baka malaman ni Manang. Ang ginagawa ko ay mali... pero wala naman talaga akong nagawang tama. Nagpatugtog ako habang umiinom. Aabsent nalang siguro ako bukas.
Gusto kong magmura nang nilagay ko sa shuffle yung playlist ko. Gago, sa dinami-rami ng kanta, Stella ng All Time Low pa yung tumugtog. Gusto kong ibato yung cellphone ko sa inis. Pero kawawa naman siya, wala siyang kaalam-alam sa mga pangyayari.
Nalasing na ako. I know dahil pati kama ko sumasayaw na. Malalim na ang gabi. Alas onse na ata ng gabi. Mabuti naman at hindi na ako pinilit pa ni manang na magdinner.
Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko rito. Umiiyak na tumatawa na ewan. Yung tugtog pa ay yung pangheartbroken. Nanunuya ata, effective siszt. Hindi talaga magandang humawak ng cellphone habang lasing. Umiikot na yung paningin ko pero sige pa rin ako sa pagtype. Wala talagang magandang naidudulot yung cellphone kapag lasing.
Ako:
Vontsge Teistan!!!!!!
Ako:
Mshal ma mahal pa rin kotaaaaaaaa
Ako:
Majal mo naman pa ron aki dubaaaaaaaaaaa
Ako:
Mas mgnda aki ksy stellaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Matapos kong masend lahat ng iyon ay biglang nagring yung cellphone ko. Hindi ko na binasa kung sino 'yon basta sinagot ko na lang.
"Hello?" boses lalaki ah?
"Hello shenu tu?"
"Where are you?"
"Vintage, ikaw ba tu?" sagot ko sabay hagikhik.
"Nasa'n ka?"
"Hoping na nasa puso mo pa'rin,"
Bumuntong hininga yung nasa kabilang linya bago niya in-end ang call. Hmp, ang bad hindi naman lang nag goodbye sa'kin. Ah, baka si Stella na naman yung tinawagan. Hmp, mas maganda naman ako do'n.
I don't know what has gotten into me pero tumakas ako. Dala na rin siguro ng alak, it fueled my bravery. Dumaan ako sa veranda at pumunta kina Vintage. Alam kong gising pa siya dahil bukas pa yung ilaw ng kwarto niya.
YOU ARE READING
Worse Fates | ✓
RomansAs the universe conspires, I'd be together with you. (Completed)