Chapter 10

92 5 0
                                    

Chapter 10

Caricia Faye's

"Sakay," he said.

I just rolled my eyes at him. May ibang nakarinig ng sinabi niya. Mga chismosang nabigla pa ata at pinansin ako ng isang gwapo na transferee.

Issues, come to me! Tangina kailan ba ako lulubayan nito.

"Ayoko," pagmamaktol ko.

Ano ba kasing nakain niya? Matapos niya akong hindi pansinin ng ilang araw? Matapos niya akong tratuhin na parang alikabok lang sa gilid? Papansinin niya ako na para bang walang nangyari?

"'Wag na matigas ang ulo, Sef." sabi niya na para bang naiinip na. I saw his eyes roll at me. Pinasadahan niya pa ng daliri niya ang kanyang buhok na bumagsak rin naman pagbitaw niya rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napatigil nang marinig ko siyang magsalita.

"Sasakay ka o isusumbong ko kay Ate na may boyfriend ka na?" malumanay niyang sabi na siyang nagpalaki sa mga mata ko.

That led me here sa passenger seat.

Ngiting-ngiti pa siya habang nakikita akong nags-seat belts. Nakahubad na siya ng polo at tanging t-shirt na lang niya ang suot na sa taas habang suot niya pa rin ang khaki pants na uniform.

"H'wag na h'wag kang magkakamaling magsumbong! Magsusumbong ka na nga lang, mali mali pa yung info! Story maker ka!" litanya ko sa kanya sa loob ng sasakyan.

"I saw you together at the canteen, holding hands. I guess that's a valid proof?" sabi niya.

"Keep your facts straight, Vintage." seryosong sabi ko sa kanya.

"Hindi ko siya boyfriend. Wala akong boyfriend," I continued.

Minutes passed hangga't sa may mapagtanto ako.

"Sinuntok mo si Zild?!" hindi ko napigilang pagsigaw.

Biglang gumuhit ang pagkabigla sa kanyang mukha. Guilty to!

"No! I didn't!" he said defensively.

"Paanong nagkapasa 'yon?! Kayo yung huling magkasama!" I hysterically said.

"You care for your boyfriend that much huh? You can accuse me now?" he said. I could almost taste the bitterness of his tone in my mouth.

"Hindi ko nga 'yon boyfriend!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Sabay tayo bukas, recess," sabi niya.

"Ayoko nga!" sagot ko. News would spread wildfire. Ayokong magkaroon ng haters nang wala sa oras. That would unleash my inner demon. I try so hard to supress my attitude na ako mismo, hindi gusto. Kasi iba ako magalit. Ibang-iba.

Hindi niya na ako sinagot. Hence, he dropped me just outside our house. Naiinis man ako sa kanya, I still uttered my thanks.

Friday bukas. Tinignan ko yung class sched and base sa mga subjects, wala naman kaming assignments o mga dapat gawin. Kaya ayon, nakahilata lang ako sa kama habang nags-scroll sa news feed ko sa Facebook.

Worse Fates | ✓Where stories live. Discover now